---
Nakahiga kami ngayon sa kama. Magkayakap at parehong walang saplot sa katawan. Kakatapos lang namin gawin 'yong bagay na ginagawa ng mag-asawa. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis ang pangyayari. Kanina habang ginagawa namin ni Ronnie 'yon. Gusto kong umatras, gusto kong tumanggi. Pero lunod na lunod sa sensasyong nararamdaman ko. Kaya't tuluyan na akong nagpadala. At ngayon, ngayon tapos na. Wala na. Wala na ang bagay na iniingat-ingatan ko. Game over na ba?
"Beh?"
"Hmmm?"
"Kanina ka pa tahimik. Okay ka lang ba?"
"O-oo, okay lang naman ako."
Bahagyang lumayo ang katawan ni Ronnie sa'kin. Pagkatapos iniangat niya ang mukha ko.
"Natatakot ka ba?" Tanong niya. At hindi agad ako nakaimik. Dahil ang totoo hindi ko alam kung natatakot o nagsisisi.
Hinawakan niya ang mukha pagkatapos hinaplos-haplos niya 'yon.
"Wag kang matakot. Hindi naman kita iiwan kung 'yan ang inaalala mo. Handa kitang panagutan. Handa akong pakasalan ka kahit saang simbahan." Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad niya sa bawat pag bigkas niya ng mga salita.
Napangiti ako dahil doon. "Salamat. Salamat Ronnie."
"No. Ako nga dapat mag pasalamat eh. Kasi, pinagkatiwalaan mo ako. Hindi ka nag alinlangan na ibigay sa'kin ang bagay na mahalaga sa'yo. And promise, iingatan ko anuman ang meron sa atin ngayon. Hinding-hindi ko 'yon sasayangin. Ito ang pinakamaligayang sandali ng buhay ko. Alam mo ba 'yon? This is the best gift ever. Happy anniversary Bebeh ko!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ngayon lang ako umiyak dahil sa sobrang kaligayahan hindi dahil sa kalungkutan. Naniniwala at nagtitiwala ako kay Ronnie. At alam ko, na tutuparin niya ang pangako niya. Nararamdaman ko 'yon.
"Napakaiyakan mo talaga Bebeh ko. Wag ka na umiyak. Sige ka, papangit ka niyan." Sabi niya sabay tawa.
"Sira ka talaga! Masaya lang ako, kasi kasama kita. Happy anniversary!" Pagkatapos binigyan ko siya ng masuyong halik sa labi.
"I love you Loisa."
"I love you too Ronnie."
At muli pinagsaluhan namin ang init ng pagmamahalan.
-
| MARIS' POINT OF VIEW |
"Good morning Yaya!"
"Aba, mukhang iba ang gising ng alaga ko ngayon ah!"
"Naman po, ang ganda po kasi ng panaginip ko kagabi. Kahit panaginip lang 'yon. Sobra napasaya ako ng panaginip kong 'yon." Nakangiting sabi ko kay Yaya.
"Kuh! Kung hindi ko pa alam na may kinalaman na naman 'yan sa ex mo."
Napalabi ako sa sinabi ni Yaya. Pagkatapos nilapitan ko siya sabay niyakap.
"Yaya namn, ito na nga lang kaligayahan ko. Pagbigyan niyo na alaga niyo."
"Hala! Sige na, hahayaan na kita dyan sa kabaliwan mong bata ka. Kumain ka na muna at baka sakali magising ka na sa mahabang pagkakatulog mo."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Yaya talaga!""Sya nga pala, napasalamatan mo na ba ang taong naghatid sa'yo dito kagabi?"
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018