HF3.

1.8K 59 3
                                    

| LOiSA'S POiNT ViEW |

Just got home ^_^
Finally, bored na bored kasi ako sa ospital, eh.

No laptop and cellphone ba naman.

"Uy?" Kinulbit ako ni Maris.

"Ano ba? Panira ka naman ng moment dyan, eh." Sabi ko sabay irap sa'kanya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong niya sa'kin.

"Ano pa? Eh, 'di nagmomoment." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"What? Anong klaseng pagmomoment naman yan?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Nagmomoment malaya lang po." I giggled.

"Eh, 'di ikaw na.!" Pagtataray niya.

Aba't tingnan mo 'tong bestfriend ko na 'to. Napapailing na lang ako sa hindi niya maintindihang ugali.

"Ay, Loisa, dito ka lang, ah.?"

"Ha? bakit?"

"May hahanapin lang ako." Kinikilig na sabi niya.

"Ha? Te---" Hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko. Ayun, nilayasan agad ako ng loka. Hay naku, sigurado pa sa sure si Kuya lang hahanapin nun. Napapailing na lang ako with matching buntong-hininga ng malalim.

"Loisa!" Napalingon ako ng marinig ko ang tinig ni Kuya.

"O, Kuya? Ba't nandito ka?" Nagtataka naman siyang lumapit sa'kin.

"Bakit? Bawal na ba ako ngayon dito sa kusina?" Sabi naman ni Kuya na nakakunot na ang noo.

"Ha? Ah...Ahm...Hindi naman sa ganu'n, Kuya."

"Eh, ano pala?"

"Si Maris kasi..."

"What about her?"

"Loisa!" Sabay kaming napalingon kay Maris ng tawagin niya ako.

"Bakit?" Ngumiti siya at naglakad palapit sa'kin.

"Natatandaan mo pa yong sinabi ko sayo about kay Mr.Hunk?" Bulong niya sa'kin.

Hay naku! Ayan na naman yang Mr.Hunk na yan. Ilusyon lang naman yata niya yon, eh.

"Oo, bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"He's here" Napatayo ako matapos sabihin sa'kin yon ni Maris.

"Loisa bakit?" Curious na tanong ni Kuya. Napatingin naman ako bigla sa'kanya.

"Ha? Ahm..May kailangan pala kaming panoorin ni Maris." Bumaling ako kay Maris. "'Di ba, Mars?" Pinandilatan ko siya ng mata para magets niya ang ibig kong sabihin.

"Panonoorin? Ano naman yon at saan?" Kunot noong tanong ni Kuya.

"Ha? Ah..--"

"Sa laptop lang ni Loisa. Dinownload na kasi namin yon eh, at plano sana naming panoorin yon nu'ng gabing naaksidente si Loisa." Nginitian ako ni Maris. At binigyan ng "Ayos ba?" Look.

"O sige, basta wag masyadong magpapagod okay?" Tango lang ang isinagot ko kay Kuya, pagkatapos hinila ko na palabas ng kusina si Maris.

Well, wala talaga kaming papanoorin or gagawin. Palusot ko lang yon kay Kuya para makausap ko ng sarilinan 'tong nababaliw ko na yatang kaibigan, dahil sa Mr.Hunk na yon.

"Aray! Loi, dahan-dahan naman ang sakit na, eh." Reklamo nito. Hila-hila ko kasi siya sa kamay papunta sa kwarto ko.

Pagdating sa kwarto binitiwan ko na siya at tinitigan ng mabuti.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon