HF31.

768 25 0
                                    

Dalawang linggo ng walang paramdam si Ronnie. Simula nung gabi na hinatid niya ako sa bahay. Kahit text or tawag hindi niya ginawa. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya. Tatawagan ko sana siya sa telepono pero hindi pala alam telepono nila sa bahay. Nag plano ako na puntahan siya sa condo niya. Pero hindi ko naman siya naaabutan doon. Nababaliw na ako kakaisip kung anong nangyari? Bakit bigla na lang siyang walang paramdam. Pero hindi ko makuha ang sagot. Kaya heto ngayon, sasadyain ko na siyang puntahan sa bahay nila. Kasi nung pinuntahan ko siya sa condo niya kahapon. May nagsabi sa'kin na hindi na umuuwi si Ronnie doon. Kaya lalo akong nag-alala sa kanya. Baka may nangyari ng hindi maganda tapos wala akong kaalam-alam.



Magkahalong kaba ang naramdaman ko pagbaba na pagbaba ko ng taxi.



"Manong, pwede po bang pakihintay na lang ako. Sasaglit lang po ako sa loob."





"Sige po Ma'am."


"Salamat po."


Dahan-dahan akong naglakad palapit sa gate. Mag d-doorbell na sana ako ng may maulinigan akong nagtatawanan papunta sa direction ko. Narinig ko ang pagbukas ng gate. Kaya mabilis akong natago sa malaking paso na may malagong halaman.

"Daddy?" Boses 'yon ng batang si Arthur.


Hindi ko alam na nakabalik na pala silang mag-ina dito sa pilipinas. Matapos ang bakasyon namin sa batangas noon. Ilang araw lang lumipad na ulit sila papuntang America.

"Arthur, ano bang sabi ni Mommy sa'yo? Right, I told you to stop calling Tito Ronnie, Daddy."


"Hayaan mo lang siya, Sue." Pigil ni Ronnie sa iba pang sasabihin ni Sue sa anak nito.

"Pero Ronnie."

"Wala ng pero-pero. Isa pa, hindi na rin naman iba si Arthur sa'kin eh."

"Salamat Ronnie."


"Wala 'yon."


"Daddy, Mommy, tara na po!" Sabi ni Arthur sabay hila sa kamay nina Ronnie at Sue.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Lalo na ng akbayan ni Ronnie si Sue habang naglalakad sila.

Nagtakip ako ng bibig para pigilan ang paghagolgol ko.


Mabilis akong naglakad papunta sa taxi. Pagpasok ko ay pinagmaneho ko agad palayo si Manong Driver.











| RONNIE'S POINT OF VIEW |





Naglalakad kaming tatlo nina Sue papunta sa Park. Request kasi ni Arthur sa'min ni Sue kanina paggising niya. Hindi naman ako makatanggi. Magaling kasing manuyo ang pamangkin ko, manang-mana sa Mommy Sue niya.



2 weeks ago ng makatanggap ako ng text galing kay Sue na nandito daw sila sa pilipinas. Kaya hindi ako nag atubili na sunduin agad silang mag-ina sa Airport. Pinatira ko sila sa bahay pang samantala. Sabi ni Sue baka hindi na daw sila bumalik ni Arthur sa America. Naghahanap siya ng bahay para sa kanilang mag-ina. Pero pinigilan ko siyang gawin 'yon. Sinuggest kong sa bahay na sila tumira. Tutal naman ako lang mag-isang nakatira sa bahay. At minsan lang din ako umuwi dahil may sarili naman akong Condo na malapit sa trabaho ko. Buti na lang napapayag ko siya. Kaya kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.


"Ay, sandali lang." Pigil ko sa paglalakad sa kanilang dalawa.


"Bakit Ronnie?"


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon