HF14.

1.2K 48 4
                                    

-

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

Pupungas-pungas na bumangon ako at pinagbuksan ang kumakatok. Bumungad sa'kin ang mukha ni Kuya McCoy.

"Magbihis ka aalis tayo." Seryosong sabi nito.

"Ha?"

"Bingi ka ba? Sabi ko magbihis ka at aalis tayo."

"Saan tayo pupunta."

"Basta." Tumalikod siya. "I'll wait for you downstairs."

Hindi na ko umimik.
Isinara kong muli ang pinto ng kwarto ko at dumiritso ng banyo upang maligo. Mabilis lang akong naligo tapos nagbihis ng simple lang pero mukha pa rin akong tao.

Pagbaba ko ng bahay ay bumungad sa'kin si Kuya. Tapos napatingin ako sa mga gamit na nasa tabi niya.

"What's that?"

"Bulag ka ba? Eh 'di mga gamit."

Napasimangot ako.
Kanina ko pa kasi nahahalata na ang sungit sungit niya. Pero pinilit ko pa ring kumalma. Hindi ko muna siya papatulan. Pero kapag nainis ako, baka masagot ko na siya.

Binuhat niya ang mga gamit. "Let's go!"

Hindi na ko umimik.
sumunod na lang ako sa'kanya.

Habang nasa byahe ay tumunog ang phone ko.

---
[Maris Bestie]

Good morning Bestie!
San ka?

---
[Ako]

Morning! Nasa byahe. Y?

---
[Maris Bestie]
Saan punta mo?

---
[Ako]

Ewan ko nga dito kay Kuya.
Natutulog pa ko kanina nung gisingin
niya ko para sabihing aalis kami.
At ang nakakainis pa, kanina pa niya ko
sinusungitan. -___-

---
[Maris Bestie]

Ganoon ba? Sige, ingat kayo!

---
[Ako]

Salamat! Ikaw rin.

---

Pagkatapos namin mag text ni Maris ay ibinalik ko sa bulsa ang phone ko. At sumandal sa upuan. Inaantok pa ko kaya nagpasya akong umidlip muna. Tutal, mukhang mahaba-haba pa naman ang byahe.

| MARIS' POINT OF VIEW |

"Maris!" Tawag sa'kin ni Jon habang kumakaway-kaway. Nandito kami ngayon sa beach resort sa batangas. Naisipang mag beach nina Mom and Dad bago bumalik sa State. Hindi na raw tuloy bakasyon namin sa ilo-ilo. Kaya dito na lang namin naisipang mag bakasyon sa batangas.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon