HF46.

947 30 8
                                    

-


Calling...
Beh ❤️


"Hello?"

["Beh, ready ka na ba? I'll be there in 20 minutes."]




"Ha? Naku! Hindi pa ako naka-ready eh."



["It's okay. Hintayin na lang kita."]



"Sorry. Hindi ko kasi namalayan 'yong oras. Pero hindi, bibilisan ko na ang kilos. In 15 minutes ready na ako."



["No. Hindi mo naman kailangan mag madali kung hindi mo talaga kaya tapusin 'yang trabaho mo within 15 minutes. Alam mo naman na kahit anong mangyari. Hihintayin at hihintayin kita kahit gaano pa yan katagal."]




"Asus! Dinadaan mo na naman ako sa pa-hugot mo eh."



["Syempre, kailangan sumunod din tayo sa uso."] Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.



Ang bilis lumipas ng panahon isang taon na ang nakalipas magmula ng bumalik kami ni Ronnie sa dati. At mag 2 years ng wala si Princess Luisa Rose Andalio Alonte. Ang 1st baby sana namin ni Ronnie. Nakakapanghinayang na nawala siya sa amin ng maaga. Pero tanggap ko na, hindi pa siguro kalooban ng diyos na maging magulang kami ni Ronnie. Ganoon pa man, masaya ako na sa wakas after ng mga nangyari. Kami pa rin ang magkasama hanggang ngayon. At mas pagtitibayin ko pa namin ang relasyon na sabay naming binuo.


1 message recieved

[From : Beh ❤️
Andito na ako sa baba.]

[To : Beh ❤️
Coming...]

---


Nagmamadali akong niligpit ang mga gamit ko at dali-daling lumabas ng office.


Pagdating ko sa lobby ay agad kong nakita si Ronnie.


"Beh!"


Ngumiti siya ng makita ako sabay naglakad palapit sa'kin.


"Let's go?"


"Where to?"


"Basta." He smiled at me. Wala naman akong nagawa kundi ang mag patangay sa'kanya.



---


Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant.



"Bakit dito? Pwede namang magluto na lang ako sa Condo ko tapos dun tayo mag dinner." Sabi ko.



"No. Paminsan-minsan dapat kumakain din tayo sa mga ganitong restaurant." Aniya.




"Eh, kasi mas gusto ko pa rin na---"



"Wag ka na kumuntra beh pls! Hayaan mo na ako, kahit ngayon lang ha? Pls!"




"Okay, okay. Sige na, mamaya maglupasay ka pa dyan eh." Natatawang sabi ko.


"Thank you." Nakangiting sabi niya sabay taas ng kamay. Upang tawagin ang atensyon ng waiter.



"Yes Sir?" Sabi ng waiter paglapit.



"Ah, pakilabas na yung mg in-order ko kanina." Sabi ni Ronnie sa waiter na sa'kin nakatingin.




"Ah, sige ho."



HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon