HF43.

793 28 3
                                    

-

"Ronnie? I-ikaw ba yan?"

Walang sumagot sa kabilang linya. Pero dinig na dinig ko ang pag buntong-hininga niya.


"Ronnie please! Kung ikaw yan magsalita ka naman oh."


tooot tooot

Nanlumo akong naupo.
Tapos maya-maya ay muling tumunog ang cellphone ko. Isang text message ng hindi ko kilala number.


[From : Unknown #

Silip ka sa labas ng bintana.]

Bigla akong kinabahan dahil sa text na 'yon. At dali-dali akong sumilip sa labas ng bintana. Doon nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko.


"Ronnie?"

Mabilis akong lumabas ng room. At dumiritso ako sa labas ng bahay. Pero hindi ko nakita si Ronnie doon.


"Ronnie! Ronnie nasaan ka? Please! Wag mo naman gawin sakin 'to oh. Magpakita ka na. Miss na miss na kita." Hindi ko na napigilan ang umiyak. Naupo ako sa kalsada at doon binuhos lahat ng luha ko.

Tumigil ako sa pag-iyak ng maramdaman na may yumakap sakin. Dahan-dahan akong tumingin sakanya. At mas lalo akong umiyak ng makilala siya.


"Ssshhh! Tahan na."


"Ronnie."

"I'm sorry. Sorry kung pinaiyak kita. Tumayo ka na dyan. Makakasama kay baby na nandito ka sa labas."

Tinulungan niya ako at inalalayan na makapasok sa loob ng bahay. Pagpasok ay pinaupo niya ako sa sofa. Pagakatapos ay btumabi siya sakin. Pinahid niya ang luha sa pisngi ko.

"Wag ka ng umiyak. Makakasama sa baby natin kung iiyak ka ng ganyan." Alo niya sakin.


"Ikaw kasi eh."


Ngumiti siy at niyakap ako ng mahigpit.


"Oh god, I missed you so much."


"Bakit ngayon ka lang nagpakita?"


"Actually, wala talaga akong plano na magpakita sayo. Kaya lang hindi ko na talaga kaya na hindi ka makita at mayakap ng ganito."


"Kailan pa bumalik ang alaala mo?"


Tumingin siya ng diritso sa mga mata ko. "2 months ago."


"Ganoon na katagal? Tapos---"


"I'm sorry. Plano ko kasi i-surprise sa araw na ilalabas muna si baby."


Hinampas ko siya sa braso. "Salbahe ka.!"

Hinuli niya ang mga kamay ko. "Sorry na beh."


"Ano bang magagawa ko kundi patawarin ka. Pasalamat ka mahal kita."


"Salamat beh. I love you."


"Tse!"


"Oh, akala ko ba patatawarin mo na ako? Bakit ang sungit mo pa rin?"



"Nakakainis ka kasi."


"Wag ka na mainis dyan. Bati na tayo please! Pls!"


Inirapan ko siya.



"Uyyyy! Ngingiti na yan."



"Eh, ano ba? Wag ka nga dyan." Tinabig ko ang kamay niya.



HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon