"I love you!"
Bigla akong napabitiw sa pagkakahawak niya, matapos kong marinig ang mga salitang yon mula sa'kanya. At humakbang ako paatras.
"Maris..." Nag-aalalang sambit ni McCoy sa pangalan ko.
"McCoy, I'm sorry." Yon lang ang nasabi ko at nanakbo na ako palayo sa'kanya.
Nang makalagpas ako ng playground napahinto ako at nanghihinang naupo sa may gilid ng kalsada.
"What happened to you Maris? 'Di ba matagal mo ng hinihintay 'to? Eh ano pang inaarte-arte mo dyan?" Kastigo ko sa sarili ko.
"I love you!"
"I love you!"
"I love you!"
Paulit-ulit yon sa isip ko.
Para naman akong natauhan kaya nanakbo ako pabalik ng playground.
"McCoy..." Tawag ko sa'kanya. "McCoy..." Naramdaman kong may pumapatak na tubig sa balat ko.
Oh no!
"McCoy..." Pagdating ko sa playground wala ng McCoy do'n. Nanlumo ako sa kinatatayuan ko at napaupo sa bermuda grass.
Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ang tanga-tanga ko kasi eh. Andun na yon eh pero and dami ko pang arte. Ayan tuloy.! Wala na siya.
"McCoy, I love you too!" Sabi ko kahit wala na siya.
"Talaga?" Napahinto ako sa pag-iyak ng marinig ko ang tinig niya.
"McCoy?" Mabilis akong tumayo at nilingon siya. Pagkatapos sinugod ko siya ng mahigpit na yakap. As in sobrang higpit. Naramdaman ko rin naman niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you so much Maris!" Bulong niya sa may punong tainga ko.
Humiwalay siya pagkakayakap sa'kin at tinitigan niya ako sa mukha.
"I love you Maris!"
"I love you too!" Hinawi niya ang buhok kong nakatabun sa pisngi at marahan niya akong hinagkan sa noo.
"Sabi mo yan ah. Wala ng bawian." Tapos hinalikan niya ko sa tungki ng ilong ko.
"Oo. Wala ring bawian ah? Basta sinabi mo na mahal mo ko.!" Natawa naman siya sa sinabi ko. Tapos kinurot niya ako sa pisngi.
"Para ka talagang bata." Sabi niya. Hinampas ko naman siya sa balikat.
"Hindi na ako bata no? May boyfriend na nga ko eh." Napatakip naman ako bigla ng bibig ko.
Bakit ko ba yon sinabi.?
"May boyfriend ka na?" Kahit malakas ang ulan kitang-kita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya
"So, totoo?" Seryoso ang tinig nito.
"Ang alin?"
"Na boyfriend mo ang pangit na yon." Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya.
Sino naman yon?
Tapos bigla kong naalala yong nangyari nu'ng nakaraan sa bahay nila.
"Ah si Joshua? Hindi naman pangit yon ah. Ang gwapo kaya nu'n. Macho at----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong siilin ng halik. Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Feeling ko anumang oras mag-cocolapse na ko.
"Ngayon, sabihin mo saking gwapo ang kumag na yon." Madiing wika nito.
"S-sabi k-ko n-nga, p-pangit si Joshua." Nauutal kong sabi na ikinalapad ng ngiti niya. Sira ulo talaga!
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018