HF33.

790 33 6
                                    

---


Napabalikwas ako ng bangon nang may makapa akong tao sa tabi ko. Pagtingin ko isang lalaki na natutulog sa gilid ng kama ko. Nilibot ko ang paningin ko. Napatampal ako sa noo ng makompirma kong nasa ospital ako.

"Anong ginagawa ko dito?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Gising ka na pala!" Sabi ng lalaking nakaobob sa gilid ng higaan ko. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala siya.

"Mr. Valencia? Sir, anong ginagawa niyo dito?" Naguguluhan kong tao.

"Hindi mo ba maalala?"

Hindi ako nakaimik.

"Nahimatay ka kahapon paglabas natin ng elevator. Buti na nga lang nasalo kita. Dahil kung nagkataong hindi. Baka may nangyari ng masama sa'yo at sa---"

* kriiiing kriiiing *

Cellphone 'yong tumutunog. Kaya mabilis na inabot ni Mr. Valencia ang bag ko. Mabilis ko naman kinuha ang cellphone ko sa loob. Tumatawag si Kuya Mccoy.

"Hello?"

"Hello Loisa? Nasaan ka? Hindi ka raw umuwi sa bahay sabi ni Aling Elsa."


"Ah, Kuya kasi, nasa ospital ako eh."


"Ospital?! Anong ginagawa mo diyan?"

Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko. Ang lakas kasi ng boses ni Kuya.


"Kuya chill. Okay naman na ako eh. Actually, pauwi na nga ako."


"Sigurado ka? Ano bang nangyari?"

"Nahimatay lang Kuya."

"O sige, saang ospital ka ngayon? Susunduin kita."

"Wag na. Ako na lang uuwi. Sige na, bye!"


Call Ended


"Bakit hindi ka nagpasundo sa Kuya mo?" Nagulat ako ng magsalita si Sir.


"Ah, kaya ko naman umuwi mag-isa."

"Dapat sa kalagayan mo. Hindi ka dapat nag-iisa. Paano kung mahilo ka na naman? Sinong sasalo at aalalay sa'yo?"

Napakunot noo ko sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung concern ba siya o ano?


"Sir, huwag po kayong mag-alala. Okay lang po talaga ako."

"No. Sasamahan kita pauwi."

"Pero---"

Naputol ang sasabihin ko ng pumasok ang isang Doctor at Nurse.

"Mr. Valencia, gising na po pala ang Mrs niyo."

Mrs? Anong Mrs. ang pinagsasabi ng Doctor na 'to.


"Ah, Doc hindi ko po---"

"Mrs. Valencia, mabuti na po ba ang pakiramdam niyo?"

Ano daw? Mrs. Valencia?
Nabibingi na ba ako o 'yon talaga ang narinig kong sinabi niya?

"Ah, Doc okay na po si Loisa. Pwede ko na po ba siyang iuwi?" Singit ni Sir.

"Ah, Yes Mr. Valencia, basta inumin lang po lahat ng inireseta ko sa Mrs. niyo." Sabi ng Doctor tapos sa'kin naman siya tumingin. "Mrs. Iwasan po muna ninyo ang masyadong pagpapagod at pagpupuyat. Makakasama po 'yon sa maselan niyong pagbubuntis. Atsaka kailangan niyo pong inumin lahat ng niresta kong vitamins sa'inyo."

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon