HF10.

1.5K 51 3
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |

"I love you Loisa." Hindi ko alam kung nabingi ba ako dahil sa lakas ng ulan o talagang sinabihan niya ako ng "I love you Loisa."

Nag-angat ako ng mukha at nakita kong nakapikit siya.

Baka guni-guni ko lang 'yon.

Kinalas ko dahan-dahan ang mga braso ni Ronnie para makaalis ako sa pagkakayakap niya. Pero mas lalo pa niyang hinigpitan.

"Ronnie, kailangan na nating umuwi. Tiyak akong nag-aalala na sa'tin si Yaya, baka nga pati si Kuya. Ronnie, naririnig mo ba ako?" Pero walang sumasagot.

"Ronnie, please!"

Pero wala pa rin. Kaya pinuwersa ko na siya para makaalis ako. At nang makaalis ako sa pagkakayakap sa'kanya malaya kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. At natigilan ako ng mahawakan siya.

Jusko! Ang init niya. Kailangan ko na siyang maiuwi sa bahay, pero paano? Masyado siyang mabigat para buhatin ko.

"Ronnie, wake up! We need to go home, please! Ronnie please!" Pero hindi niya talaga ako naririnig kaya nagpasya na akong tumayo.

Pero bago pa man ako makatayo biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Loisa." Tinig ni Maris yon.

"Maris." Bigla naman akong nabuhayan ng loob.

Agad lumapit samin si Maris, kasama ni Kuya McCoy.

"Anong nangyari sa'kanya?" Tanong ni Maris.

"Hindi ko rin alam. Basta naabutan ko na lang siyang ganyan." Tugon ko.

"Halika! Tulungan niyo kong buhatin siya." Sabi naman ni Kuya.

Pinagtulungan naming madala si Ronnie sa bahay. Buti nalang sinalubong agad kami ni Mang Tasio at Mang Cardo ang driver at security guard namin.

--------*

Lakad here...

Lakad there...

Alas dyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kasi si Ronnie. Masydo na akong nag-aalala para sa'kanya.

"Ugh! Ano bang nangyayari sa'yo Loisa?" Napabuntong hininga ako.

Hindi talaga ako mapapalagay hanggat hindi ko mismo makita na okay na siya.

Tumayo ako pagkatapos dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Mabilis akong naglakad patungo sa hagdan. At nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya nag-dalawang isip pa ako kung tutuloy o hindi.

InHale...ExHale...

Okay.

Dahan-dahan kong binuksan ang seradura at bumungad sa'kin si Ronnie na nakahiga sa kama.

Maingat akong lumapit para hindi ko siya magambala.

Napangiti ako nang makita ko siyang payapang natutulog.

Lumapit ako sa gilid ng kama niya.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha.

"Alam mo, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ang gwapo mo pa rin." Sabi ko sa'kanya kahit hindi niya ako naririnig. Tapos marahan kong hinaplos ang makinis niyang mukha. Malambot niyang buhok at ang panghuli ang matangos niyang ilong.

"Pagaling ka!" Bulong ko sa punong tainga niya. Pagkatapos hinagkan ko siya sa noo.

Bago ako tumalikod pinagmasdan kong muli ang maamo at gwapo niyang mukha.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon