HF21.

1.2K 44 2
                                    

-

Ang bilis lumipas ng panahon.
Anim na buwan ko ng boyfriend si Ronnie.
After ng outing namin sa batangas. Magkasama kaming bumalik sa Maynila.
Naging napakaligaya ko magmula nung araw na yon. At habang tumatagal ang relasyon namin. Masasabi kong mas tumitibay ito. Wala na kong mahihiling pa sa diyos kundi ang dumating kami sa puntong sabay haharap sa dambana. At mangangako nang pang habang buhay na pagsasama.

*knock knock*

"Loisa, nandyan na yong sundo mo." Boses yon ni Yaya.

"Pakisabi po, bababa na!" Excited na sagot ko.

Humarap akong muli sa salamin at sinipat kung maayos na ang istura ko. Bago lumabas ng aking silid. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko na mapapanganga na naman ang boyfriend ko sa itsura ko ngayon.

Pababa na ko ng hagdan ng makasalubong ko si Kuya.

Huminto ako sandali at nagkatitigan kami.
Oo nga pala, hindi ko nabanggit na simula rin nung araw na bumalik kami ng Maynila. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Kuya. Imagine, 6 months. 6 months ko ng namimiss ang kuya ko.

Yumuko siya at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat hanggang sa lumampas na siya sa'kin hindi ko man lang nagawang ibuka ang bibig ko.

Hahakbang na sana ako pababa nang marinig ko ang mahinang pag tawag ni kuya sa pangalan ko. Hindi ako makagalaw. For the past six months atlast, narinig ko ulit na tinawag ako ng kuya ko.

"Mag-iingat ka! Have fun!" Mahina ngunit dinig na dinig kong sabi ni kuya. Napapikit ako ng marinig ko ang papalayong yabag niya. Sa  huli, hindi ko pa rin nagawang magsalita. Kahit man lang sana 'salamat'

Pagbaba ko ng hagdan hindi ko naitago kay Ronnie ang lungkot na nararamdaman ko.

"Hey! What's wrong?"

Pilit akong ngumiti sa'kanya. "Nothing. Let's go!" Yaya ko sakanya.

-

Habang bumabyahe ay wala kaming imikan ni Ronnie. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Habang siya focus sa pagmamaneho. Pero naramdaman ko ang paghawak ni Ronnie sa palad ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Tinanguan ko naman siya bilang tugon.

"Are you sure? Kanina ko pa napapansin masyado kang tahimik. Nag-away na naman ba kayo ni Mccoy?"

Umiling ako. "No. It's not like that."

"Kung ganun, bakit ka malungkot?"

"Halos anim na buwan na rin nung huling nagkausap kami. At sobra ko na siyang namimiss." Pag-amin ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nung nasa batangas tayo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni kuya. At hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap."

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin yan?"

"Dahil ayaw kong madamay ka dito."

"No. I'm your boyfriend now. And sooner or later magiging bahagi na rin ako ng pamilya mo. Bakit mo nagagawang itago ang ganitong klaseng bagay?."

I vowed my head. "You don't understand."

"No. I understand you. Naintindihan ko naman ang punto mo dito. Pero ang point ko---"

"No. Please! Naiintindihan ko rin ang ibig mong sabihin. Pero gusto kong ako na ang bahalang umayos ng problema namin ni Kuya. Naiintindihan ko na gusto mong tumulong. But not now. I hope you understand that."

Pinisil niya ang kamay ko. "Okay. But if you need my help, huwag kang mahiyang magsabi. Okay?"

I nodded.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon