HF19.

1.2K 40 2
                                    

-

"Loisa.." Naramdaman ko ang paghigpit niya sa pagkakayakap sa'kin.

"Stay still." I whispered.

"I missed you." Bulong niya.

Makalipas ang ilang minutong magkayakap kami unti-unti siyang humiwalay sa'kin.

Tinitigan niya ko sa mukha na ikinayuko ko.
Tapos dahan-dahan niya ito muling inangat. "Look at me." Sabi niya na may himig pakiusap. "Tingnan mo ko sa mga mata ko." Para naman akong magnet na unti-unting sumusunod sa'kanya.

"I'm sorry. Sorry kung naduwag akong aminin sa'yo ang totoo. Sorry kung...kung---"

"Sssssssh! Don't cry." Hinawi niya ang buhok kong natatakpan sa mukha ko. "Ginawa mo lang yon kasi natatakot kang masaktan. Ako dapat ang humihingi sayo ng tawad kasi pinaiyak kita." Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi ko. "Sorry kung hindi ko nagawang magpakita agad. Sorry kung sa ganitong sitwasyon mo pa 'ko nakita. Maniwala ka man sakin ngayon o hindi. Si Arthur hindi ko---"

"I know. Sinabi na sa'kin ni Sue." Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakahawak pa rin sa pisngi ko. "Alam mo ba, nung narinig ko na tinawag ka ni Arthur na Daddy. Sobrang sakit nung naramdaman ko. Para akong unti-unting pinapatay sa sobrang sakit. Parang gusto ko ng lunurin ang sarili ko sa dagat. Ang worst pa dun. Inisip ko na sana hinayaan ko na lang malunod yong bata." Tumawa ako ng mapakla. "Ang sama ko ba? Pero syempre hindi ko naman gagawin yon. Dahil sa kabilang banda naisip ko, wala siyang alam. Wala siyang kasalanan. At mas lalong hindi niya ginustong maging anak mo siya. Pero nung kinausap ako ni Sue at sinabi niya sa'kin ang totoo. Bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Lalo na nung sinabi niya sa'kin na, hintayin kita sa lugar na 'to." Naramdaman kong pinahid niya ang luha ko. "Pero...pero kanina habang...habang---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan na kong mapaiyak at niyakap ako ng mahigpit ni Ronnie. Oo si Ronnie. Ang mahal ko. At ang lalaking pangarap ko. Naririto ngayon kayakap ko.

Hinalikan niya ko sa buhok. "Huwag ka ng umiyak. Nandito na ko. Nandito na ulit ako at ipinapangako ko na kahit anong mangyari. Hinding-hindi na ulit kita iiwan. I love you Loisa! I love you so much!"

Humiwalay ako sa yakap niya.
Pagkatapos hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Mahal din kita. Mahal na mahal din kita Ronnie. This time, I will make sure na hindi na kita pakakawalan ulit. I will fight for you. I promise!"

Ngumiti siya pagkatapos hinaplos niya ang kanang pisngi ko. At hinawakan niya ang baba ko tapos unti-unting bumaba ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Napapikit ako at ipinulupot sa leeg niya ang mga kamay ko. At buong puso kong tinugon ang matamis niyang halik.

| MARIS' POINT OF VIEW |

"Andito ka lang pala!" Hindi na ko nag-abalang tumingin dahil batid kong si Jon ang nagsalita mula sa likuran ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Kanina ka pa rin hinahanap ng mga magulang mo. Wala ka pa bang balak na bumalik sa cottage?" Sabi niya.

"Gusto ko munang mapag-isa." Seryosong sabi ko.

"Akala ko ba okay ka na? Sabi mo nakapag-move on ka na. Bakit sa nakikita ko ngayon. Parang---"

"I admit. It's hard to forget someone who gave so much to remember."

"Pero kailangan mo 'yong gawin."

"Madali lang sabihin sayo yan. Kasi hindi naman ikaw yong nasaktan. Hindi ikaw yong nawalan. Hindi ikaw yong iniwan. Nasasabi mo yan kasi hindi naman ikaw ang nahihirapan." Hindi ko napigilan ang umiyak.

"Nagkakamali ka....dahil kung sakit lang ang pag-uusapan. Mas higit akong nasasaktan. Mas higit akong nahihirapan. Nasasaktan akong makita kang nahihirapan. Now tell me na hindi ko nararanasan ang nararanasan mo ngayon? Mas doble pa yong sakit na nararamdaman ko kaysa sayo. Dahil yong babaeng mahal na mahal ko. Pilit pa ring binabalikan ang nakaraan. Kahit alam niyang wala na siyang babalikan."

Nawalan ako ng imik matapos kong marinig ang mga sinabi niya.

"Maris, kalimutan mo na siya. Nandito naman ako, eh. Ako talaga yong totoong nagmamahal sayo. Bakit hindi mo ko bigyan ng pagkakataon na papasukin dyan sa puso mo? Nakikiusap ako sayo Maris."

Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko yon.

"Alam mo kung bakit hindi ko ginagawa yon? Dahil bestfriend kita. At ayaw kitang masaktan. Ayaw kong umasa ka sa isang bagay na walang katiyakan kung makakaya kong ibigay sayo. Sana maintindihan mo rin yon Jon. Gustuhin ko man na ibigay sayo ang nais mo. Pero hindi pwede. Nawala na sa'kin si Mccoy. At ayaw kong pati ikaw mawala din sa'kin." Pinahid ko ang luha ko pagkatapos humakbang palayo sa'kanya. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay hinawakan niya ko sa kamay ko.

"Umamin ka nga sa'kin. Umaasa ka pa rin ba? Umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayong dalawa?" Seryosong tanong niya.

Bigla kong nahigit ang kamay ko at humarap sa'kanya. "Paano kung sabihin kong oo."

"Bakit?"

"Dahil mahal ko siya."

"Pero hindi ka na niya mahal. Sinasaktan mo lang ang sarili mo."

"Wala akong pakialam. Wala kang pakialam. Basta mahal ko siya. At kahit anong mangyari mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko sa mundong 'to."

"Baliw ka na!"

"Siguro nga, baliw na ko. Pero masisisi mo ba ako? Nagmamahal lang ako."

"Oo nagmamahal ka nga, nagmamahal ka ng tao na iba naman ang minamahal." Pagkasabi ni Jon nun ay malalaki ang hakbang na iniwan ako. Wala naman akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

AN : SORRY SHORT LAME UD LANG 'TO.
BUKAS ULIT TRY KONG HABAAN :) ✌✌✌

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon