HF8.

1.3K 47 2
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |


Kinabukasan maaga akong nagising. Araw ngayon ng friday and last day ng pasok this week. Kagabi late na akong nakatulog dahil sa mga sinabi ko kay Ronnie. Nakokonsenya ako at nahihiya at the same time. Bisita namin siya kaya dapat hindi ko siya tinatrato ng gano'n. Isa pa, kaibigan din naman namin siya, kaya hindi na siya iba samin.

I took a deep breath.

"Tama. Dapat mag sorry ako sa'kanya." Sambit ko.

Buo ang loob na lumabas ako ng room ko at napatingin sa itaas ng bahay namin kung saan naroon ang guest room.

InHale...ExHale...

"Kaya mo 'to Loisa." Parang sirang sabi ko.

Naglakad na ako sa hagdan patungong guest room at nang tuluyan na akong makaakyat dumiritso ako sa pinto nito.

Bumuntong hininga ulit ako nang malalim.

Akmang kakatukin ko na ang pinto nang bigla itong bumukas at halos mayanig ako sa kinatatayuan ko nang makita ang taong hindi ko inaasahan.

'Bakit siya nandito?'

"Hi!" Bati ng impaktang mukhang butandeng. Hindi ako kumibo gusto kong iparamdam sa'kanya na naiinis ako.

"May kailangan ka ba sa boyfriend ko?" Malanding sabi niya.

"Ah, wala." Sabi ko sabay talikod at mabilis na bumaba ng hagdan.

"Tch. Magsama silang dalawa mga mukha silang maligno." Bulong ko.

"O Loisa, anong binubulong-bulong mo diyan?" Tanong ni Kuya na nakasalubong ko sa hagdan. Ako pababa, siya paakyat naman.

"Ah, wala kuya." Yon lang at nagdiri-diritso ako patungong kusina para makapag-almusal na.

"O hija, ba't sambakol yang mukha mo?" Si Yaya yon.

"Wala po. Medyo masama lang po ang gising ko ngayon." Sagot ko,

"Bakit? Masakit ba ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Yaya.

"Di po. Amp, ano pong breakfast?"

"Heto ginawan kita ng paborito mong tuna sandwich." Sabi ni Yaya.

"Wow! Sarap naman niyan Yaya." Tuwang-tuwang nilapitan ko si Yaya at niyakap ng mahigpit. "Thank you po!" Dugtong ko.

Kahit paano, nabawasan ang pagka-badtrip ko.

Habang nilalantakan ko ang tuna sandwich ko may naulinigan akong mga tinig na palapit sa kusina. Paglingon ko si Kuya McCoy kasama ang mag jowang maligno. I rolled my eyes.

"Good morning everyone!" Bati ni impaktang si Julia.

Tsk! Ba't ba palaging dinadala ni Ronnie ang babaeng higad na yan dito?

Di ko namalayan na nakatingin pala ang lahat sa'kin.

"Ba't 'di maipinta ang mukha mo diyan Loisa?" Si Kuya Mccoy 'yon.

"Medyo masama lang pakiramdam ko Kuya."

"Kaya mo bang pumasok?" Tanong niya.

"Pipilitin ko." Sagot ko,

"Kung hindi mo kaya wag mo na lang pilitin baka kung mapaano ka pa sa school." Sabi ni Ronnie na may himig ng pag-aalala.

Hindi na ako sumagot.

Pagkatapos kong kumain umakyat akong muli sa kwarto at naghanda para sa pagpasok.

---*

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon