| MARIS' POINT OF VIEW |
Kanina pa ko hindi mapakali dito sa sofa. Hindi pa kasi bumaba ng bahay si McCoy.
Hayy naku! Bakit ba kasi napakatampuhin ng damuhong yon. Masyadong pabebe.Umakyat ako sa taas at tinungo ang kwarto niya.
*Knock Knock*
"McCoy, nandyan ka ba?"
*Knock Knock*
"Kausapin mo ko pls!"
Pero wala pa ring sumasagot.
Sinubukan kong pihitin ang seradura. Buti nalang nakabukas ito kaya nakapasok ako.
Nakita ko siyang nakaupo malapit sa window. Sa harap ng computer niya.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod.
"Wag ka ng magtampo pls!"
Pero hindi parin siya umiimik.
"Tans wuy!." Hindi pa rin niya ko iniimikan.
Kaya hinalik-halikan ko siya sa pisngi. Pero wala pa ring epekto.
"Tans naman eh!" Naiiyak na ko kasi feeling ko para lang akong hangin sa'kanya.
Niluwagan 'ko ang pagkakayakap sa'kanya. Hanggang sa bumitaw na 'ko.
😟
Malungkot akong humakbang papunta sa pinto. Tapos nagulat nalang ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko. Tapos hinalikan niya pa ko sa buhok ko.
"I love you!" Tapos pinaharap niya ko sa'kanya. "Sorry din kung nag overeact ako. Hindi ko lang talaga maiwasang magtampo sa mga sinabi mo." Sabi niya.
"Kaya nga sorry na eh. Huwag ka ng magalit sa'kin, pls!" Nginitian niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Oh god! I love you so much Maris! At hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa'kin." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Wait, ano nga palang tawag mo sa'kin kanina?"
"Alin? Yong tans?" Tumango siya.
"What does it mean?"
Napayuko ako. "Tans hmf short for tanda."
"What? Seriously? Yon talaga?" Tumango-tango ako. Tapos napangiti naman siya.
"Pilya ka talaga. O sige na nga Tans nalang atleast medyo cool pakinggan kesa naman sa OLD MAN." Wika nito na inemphasize pa ang salitang old man. Natawa naman ako kasi ang cute niya.
"Okay. Kung tans ang tawag mo sa'kin tins naman tawag ko sa'yo. Tins short for teenager."
Sabay kaming natawa sa mga idea naming yon.
"I love you Tins!"
"I love you too Tans ko!"
Hinawi niya ang buhok ko tapos hinaplos niya ng banayad ang pisngi ko. Hinalikan niya ko sa noo, sa pisngi at sa huli ay sa labi ko. Damang-dama ko ang malambot niyang labi. Hanggang sa unti-unting gumalaw ang labi niya na habang tumatagal sinasabayan ko na rin. Hanggang sa unti-unting lumalim ang halik na yon.
Juskolord!
| LOISA'S POINT OF VIEW |
Napabitiw sa yakap ko si Ronnie. Tapos hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi ko.
"Matulog ka na." Sabi niya. Sabay hinalikan ako sa noo.
"Good night!" Sabi ko naman.
Tumayo na siya at pumasok sa loob.
Samantalang ako, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018