HF27.

1K 39 8
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Nakatulog pala kami ni Ronnie dahil sa pagod. Himbing na himbing pa ang mokong sa pagtulog habang nakayakap sa'kin. Kaya gumawa ako ng paraan para makaalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

Una, dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Pangalawa, dahan-dahan akong bumangon. Pangatlo, dahan-dahan akong bumaba ng kama. Nakahinga ako ng maluwag ng makatayo ako. Pagkatapos pinulot ko isa-isa ang saplo't kong nagkalat sa sahig ganoon rin ang mga saplot ni Ronnie. Iniligpit ko 'yon at inilagay sa side table. Ako naman, dumiritso sa banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba ako ng bahay diritso sa kusina. Chineck ko kung may makakain or maluluto man lang. Nakakita ako ng tinapay, egg, bacon ham and cheese.

"Pwede na rin 'to."

Hinanda ko na nag kawali na paglulutuan at iniluto ko lahat ng nakita ko sa ref. pagkatapos nag toast ako ng ilang pirasong bread.

"Ayan! Perfect."

Sunod kong ginawa ay naghanda ako ng kakainan namin ni Señorito Ronnie. At ng matapos ako sa paghahanda ng makakainan ay umakyat ulit ako sa kwarto.

Natutulog pa rin siya.

"Hmmmm! Pagod na pagod talaga ang mokong."

Lumapit ako sa kanya at kiniliti ko siya para magising. Pero walang epekto.
Nag-isip ako ng mainam na paraan para magising siya.

"Ronnie gising na!" Sinigawan ko siya sa may tainga niya.

Pero hinamas-himas lang niya ang tainga niya.

Aba't ang loko nagtakip pa ng unan.

Kinuha ko ang unan niya tapos pinagpapalo ko 'yon sa kanya.

"Gising na! Gising na Señorito Ronnie!"

Nagmulat siya ng mga mata.

"Gising na po!"

"Antok pa ako Bebeh ko eh." Malambing na sabi niya.

"Beh kakain na kasi tayo."

"Kakakain ko lang sa'yo eh."

"G*g*!" Nakaramdam ako ng pang-iinit ng mukha. Pagkatapos hinampas ko siya ng malakas sa didbib.

"Aray ko naman Bebeh ko!"

"Bumangon ka na kasi dyan. Ang dami mong alam eh."

"Antok pa ako beh eh."

"Mamaya ka na matulog ulit. Kumain na muna tayo." Seryosong sabi ko. Naiinis na kasi ako kakagising sa taong may katigasan ng ulo.

"Ikaw na lang muna kumain." Sabi niya.

"Eh, gusto ko kasabay kita. Boring pag mag-isa lang."

"Eh, di mamaya na lang tayo kumain."

"Ah, ganoon? Kapag hindi ka pa bumangon dyan. Break na tayo!"

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon