Almost.

201K 1.7K 81
                                    

-Ang pagbabalik-

"Bumalik na siya? "

"Yun ang usap usapan ngayon sa faculty ng mga teacher. "

"Talaga? Nabasa ko rin sa phone ko, eh. "

"Ililipat na sa pangalan ni Zach ang lahat ng business ng Evangelista. "

 

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabe ng ilang mga babae sa hallway habang papunta ako sa library. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa librong aking dala dala. Hindi lamang ako makapaniwala. Maski siguro sino ay mabibigla sa balitang narinig ko.

He was the student council president back then pero nabalitaan na lamang ng lahat na ito na mismo ang nag-quit sa sariling pwesto. Mas lalong naging balita sa buong school ang pag-alis niya. His name is Zachary Austin Evangelista. Kung tutuusin ay isa lamang siyang ordinaryong tao na binigyan ng magandang mukha at pangangatawan na ninanais ng mga babae sa isang lalaki, but he’s a nightmare for anyone because he must have girls all over him. Sino nga bang babae ang maglalakas loob na pangarapin pang maging sakanila si Zach kung napakaraming babae ang pumipila dito?

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa loob ng library. Walang estudyante sa loob noon, pati iyong librarian ay wala rin. Nagkibit balikat ako at inayos ang pagkakahawak ko sa mga librong kailangan kong basahin dahil sa nalalapit na exam. Maglalakad na sana ako nang may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Sapatos? Masyadong malakas ang pagkakahagis ng sapatos kaya naramdaman ko agad ang sakit at hapdi sa medyo taas ng batok ko.

"Hoy mabantot na babae! " 

Huminga ako ng malalim nang marinig ko na naman ang boses ni Pearl mula sa likod ko. Walang araw na hindi niya ako inasar. Kung hindi man' niya ako guguluhin maaaring mag-utos siya sa ibang studyante. Oo, ganoon kasaklap ang buhay ko sa university na ito. Pero wala naman akong mapapala kung makikipagtalo ako sa kanila, sa halip ay iiwasan ko na lamang ang mga katulad nilang tao.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy akong maglakad pero hinablot niya ang aking braso. Napangiwi ako nang bumaon ang mahahaba niyang kuko sa balat ko. Naglabasan mula sa likod niya ang kadalasang mga babae na kasama niya. Mukha silang mga mean girls. Makakapal ang make up at masyadong mataas ang pagkakaipit ng kanilang buhok.

"Hindi ka ba talaga marunong umimik ha? " Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. Napaigtad ako sa hapdi nang sinubukan niya itong pilipitin. "Naduduwag ka ba sa amin? "

Sinubukan kong maging kalmado pero siguro nga kahit sino ay tataas ang dugo kung ganito ang magiging trato sa'yo. Pearl and her cruel laugh escaped from her lips. May mga tumitigil sa mga ginagawa nila upang manood. Si Pearl ang bagong student council president. Marami ang bumoto sa kanya dahil sikat siya at pangalawa nakikita ko ang mga ginagawa niyang pang-aakit sa lalaki. May mga kumakalat ring scandal sa school na nakikipaghalikan siya sa shower room ng mga lalaking players ng school. Mas marami ang population ng lalaki dito, kaya hindi imposibleng hindi siya manalo. 

"My god. She's crying! " natatawang sambit ni Clara, isa sa mga kasama ni Pearl. Gusto ko sanang irapan si Clara dahil sa sinabi niya pero pinigil ko iyon. Hindi ako iiyak dahil sa mga sinasabi nila. Ni' hindi ko iyon sineseryoso. Labas lahat sa tenga ko.

"Really? " marahas na tinaas niya ang aking baba upang tignan ang aking mata. "Umiiyak ba ang mga katulad mong cheap and dirty? " Maarteng sabi ni Pearl sa akin.

"Bitiwan mo ako. " Kalmadong sabi ko. Nakita ko ang medyo pagkabigla sa mata ni Pearl sa sinabi ko. Sa inis ko ay ako na ang mismong umalis sa kamay niyang nakahawak sa baba ko. Maarteng pinunasan niya ng panyo ang kamay niyang hinawakan ko. Muli kong inayos ang librong hawak ko nang may narinig akong sumigaw mula sa hagdanan.

"Dumating na daw si Zach! "

Dinuro ako ni Pearl at tinitigan ng masama. Mukha siyang nanalo sa lotto pagkatapos marinig ang balitang nakarating si Zach sa campus. Sa isang iglap ay nawala ang mga nanonood sa amin kanina. Pearl pushed my left shoulder with her index finger. "We're not yet done! " Pagkatapos sabihin iyon sa akin ay nilisan nila ang lugar. I was left alone. Napailing na lamang ako sa nangyare. Sanay na ako sa mga pangaasar at pagpapahirap ni Pearl. Kaya niya akong paalisin dito sa Hellingstar sa isang pitik kaya hindi ako lumalaban. 

"Fern, why did you let them do that to you?  "

Isang pamilyar na tinig ang narinig ko sa aking likuran. Nabitawan ko ang librong hawak hawak ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog ako. Gusto kong siguraduhin kung tama ang hinala ko na siya nga. Pero ang boses na 'yon ay nag-iisa para sa akin. His voice was calm, yet highly authoritative. Im not yet ready to face him but just hearing his voice made my heart flutter. Hindi ito tama.

"Papaalisin ko sila sa school na ito kapag nangyari pa ito ulit." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Hinarap ko siya at ganoon na nga kabilis ang tibok ng puso ko nang bumungad sa mga mata ko si Zach. Nawalan ako ng boses, nanghina at nabuhayan ng dugo. Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ng mga oras na iyon. I was just.... happy to see him.

"Zach. " Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman ang pagtulo ng luha ko. Hindi siya ngumiti sa halip ay naglakad siya patungo sa akin, kinuha niya ang aking kamay at agad na hinila papasok sa janitor room. Mabilis ang kamay niya. Sa isang iglap ay nasara niya ang pinto at nai-lock ito agad. He pinned me into the wall at tinitigan ako ng mabuti.

"God. I missed you, Fern. " And my tears started to fall.


     No one knows. Nobody needs to know.  It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Marami siyang responsibilidad, inaalagang pangalan at magandang hinaharap na naghihintay. Ako? I don't know but he is always telling me that Im living in this world because I have my mission. Ayokong maniwala sa sinabi niya. We're too young. Pero naniniwala ako na may dahilan kaya kami nagkakilala. It can be-- to meet him, fall for him and take my last breath with him..

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon