48. Star..

28.3K 619 59
                                    

"Where did you go? " 

"Naglalakad lakad lang naman ako tapos.. "

"Tapos ano?! "

"Don't shout please! " Yumuko ako at pinigilan ang sarili ko na maluha dahil sa nangyayari. "Kumain ako sa isang restaurant sa baba tapos ay nagpunta ako sa timezone. " Pagpapatuloy ko.

Narinig ko siyang umungol dahil sa pagkalito. Tumingala ako at nakita ko siyang hinihimas ang kanyang noo. I pouted. How could I be so careless? Bakit hindi ko namalayan na wala na pala sa akin ang wallet? Dapat ay masaya kami at naggagala sa buong lugar pero heto't may problema ng dahil sa akin.

Sinundan ko ng tingin si Zach habang sinusuot niya iyong pants niya at T-shirt. Kumunot ang noo ko. Where is he going? Iiwanan niya ako dito? Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. Tumigil siya sa pagsuklay ng kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. I was about to speak when he looked away and reached for his car key. 

Sumikip ng tuluyan ang dibdib ko when I realized na galit na galit siya sa akin.

"Don't go anywhere. Hahanapin ko 'yong wallet. "

Tumango lang ako habang dumodoble ang guilt at sakit sa dibdib ko sa ipinakita niyang reaksyon. Sino nga ba namang hindi magagalit? Tumabi ako mula sa dadaanan niya at akmang tatalikuran siya nang hilahin niya ang braso ko at halikan ako sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya but Zach didn't even say anything. Hinaplos lamang niya ang pisngi ko.

"Siguro ay nasigawan kita pero hindi ako galit, Fern. Babalik agad ako basta wag kang lalabas dito sa room natin. " Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. "May kasama ka ba kanina? " 

"Meron. " Pag-amin ko. And fortunately, wala naman akong nakitang galit sa mga mata niya. 

"Who? "

"Si Dominic. Iyong kapatid ni Nikki. "

"I see. " Tumango tango siya. "Saan kayo huling pumunta? "

"I don't know the place. Pero sa isang roof top 'yon na mukhang luma na tapos ay may telescope sa taas. "

Tumango muli siya. "I'll be back. " Aniya at muli akong hinalikan sa noo bago niya nilisan ang kwarto namin. Napabuntong hininga ako.

Naupo ako sa couch at saglit na inisip kung saan ko nga ba naiwan 'yong wallet. Pero wala talaga akong matandaan. Hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin si Dominic. Ilang beses na ata akong bumuntong hininga dahil sa kaulagaan ko. 

Nagluto na lamang ako ng dinner. Mamaya na lang ako kakain kapag nakabalik na siya dahil gusto ko siyang pagsilbihan. Nagshower ako at pinili ko iyong maayos kong damit. 

Pero maglilimang oras na ay wala pa rin si Zach. Nag-aalala na ako at naguguilty dahil sa nangyari. 

Dumungaw ako sa bintana ng hotel namin. Tanaw na tanaw ko ang kumikinang na mga ilaw mula sa iba't ibang buildings. Halos palubog na ang araw kaya nagsisi-bukas na ang mga ilaw. I can't help but admire the whole place. 

"Nasaan na kaya si Zach? " Bulong ko habang tinatanaw ang mga buildings na parang makikita ko siya doon. "Nandoon kaya siya? " Tinitigan ko iyong isang building at inimagine ko na nandoon si Zach at papauwi na.

Gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ko kasi mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko dahil sa pagkawala ng wallet. Edi sana kasi nagdidinner kami, at masaya. I sighed. Bakit kailangan pa naman kasi itong mangyari?

Nang medyo magna-nine na ay humiga na ako sa kama. Sobrang bigat na ng loob ko at siguro sa sobrang pagod ay nakatulog na ako..

Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil sa isang mabigat na bagay na nakapatong sa noo ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Zach na hinihimas ang noo habang nakatitig sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon