15. Somehow..

53.9K 730 36
                                    

Ang sabi 'Love is Blind' . I just realized na bagay pala sa amin ni Zach ang kasabihan na 'yon. Zach was blinded by his love for me. Hindi niya napapansin kung gaano kalayo yung agwat namin. Na halos bulagin na siya ng pagmamahal niya sa akin. At ako naman, I was also blinded by the love I have for him, that I didn't even notice those people who's going to judge me for who I am.

But they also say that love isn't finding a perfect person. It's seeing an imperfect person perfectly..

"Ready? Start! "

Wala sa sariling pinadaanan ko ng aking daliri ang piano'ng tinutugtugan ko ngayon. Sinubukan kong hindi magkamali pero alam kong sa sarili ko na kahit anong pilit ko, magkakamali pa din talaga ako. 

"Ano ba, Fern?! Nakakailang beses na tayong ulit ng dahil sa'yo! " Sigaw sa akin ni Hazel. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na bakas na ang pagod sa mukha. Napabuntong hininga ako at napayuko. 

"S-sorry..Sorry. " 

"Sinabihan na kita. I hope you still remember kung anong mangyayari kapag nagpatuloy kang ganito. " Dagdag pa niya.

"S-sorry. " napayuko ako at muling binaling ang aking atensyon sa piano.

Wala si Zach. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita siyang nakatayo sa pinto habang may ngiti sa labi niya. Nakatingin sakin. Nakatitig lang sa akin yung mata niya habang binubulong niya sa hangin na kaya ko to.

Pero hindi. Nasa tabi siya ni Pearl ngayon.

"Focus! Again, ready? Start! " 

     

          Five pm na natapos ang practice namin. Halos puro sigaw ang inabot ko kay Hazel. Last warning ko na nga daw iyon. Napangiti ako ng mapait. Everything is suddenly fading away from me. Ano bang nangyayari sa akin?

Naglalakad na ako noon pauwi nang madako ang mata ko sa isang ice cream parlor. Bagong bukas lang siguro ito sa street na ito kaya ngayon ko lang ito nakita. Hindi ko alam pero bigla akong natakam sa kulay ng store nila. Puno ng kulay pink at white. Parang marshmallow.  

Dali-dali kong kinuha yung wallet ko. Mabuti na lamang ay may 50 pesos pa ako kaya nakabili pa ako nung ice cream na nasa cup.

Umupo ako sa labas ng parlor dahil may upuan din doon. Dumidilim na rin pero hindi ko pa rin maramdam ang antok sa katawan ko. Umunat unat pa ako at kumanta nang may nagtakip ng mata ko.

"H-hoy! " Kinakabahan na sigaw ko.

"Guess who? "

Pilit kong inaalis ang kamay na nakalagay sa mata ko. Sigurado akong lalaki iyon dahil malaki at medyo rough yung kamay. Basta! Panlalaki yung kamay.

Narinig ko ang pagtawa niya. Nangunot ang noo ko dahil unti unting naging pamilyar sa akin ang boses na iyon. "Dali na~! Say my name. "

Nakahinga ako ng maluwag nang makilala ng tuluyan kung sino ang lalaki. Marahan kong tinapik ang kamay niyang nakatapik sa mata ko. "Stop playing stupid games, Harrison. "

"Ay, ang KJ! "

Tinagtag niya yung kamay niya sa mata ko at umupo sa katapat kong upuan. May dala siyang isang plastic. Tinitigan ko ulit yung mukha niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Naguguilty tuloy ako dahil nadadamay na siya sa amin ni Zach.

"Bakit ba sa tuwing nakikita kita lagi kang tulala? Brokenhearted ka ba lagi? "

"Hindi ako broken--HINDI AKO BROKEN HEARTED! " Sabay subo ko ng ice cream. Nakakainis, bakit ba lagi ko na nga lang siyang nakikita sa tuwing magka-aaway kami ni Zach?

"See? Now you're shouting. " kinuha niya yung tissue sa lamesa at agad na pinahidan yung labi ko. "May ice cream. "

"P-pwede mo namang sabihin sa akin.. "

"Tinatamad akong magsalita. " ngumiti siya sakin at marahang ginulo yung buhok ko. I pouted. "I saw them. Masakit ba? "

Natahimik ako. Masakit naman diba, Fern? May tiwala ako kay Zach pero kay Pearl? Siguro dadaan muna sa mga butas ng karayom ang katawan ko bago ko siya pagkatiwalaan. Gusto niya si Zach. Hindi kasi mahirap mahalin si Zach lalo na't nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang babae. Well, yung ugali niya medyo 50/50 ang chance.

Nilabas ni Harrison ang isang beer mula sa supot na hawak niya.

"Drink this. Wag kang mag-alala may dala akong sasakyan. I can bring you home. "

"Wala akong tiwala sa'yo! " tinitigan ko siya ng masama. 

"Kung may gagawin ako sayong masama, sana kanina pa. Pero mukhang broken hearted ka kaya wag na lang. " Tinawanan pa niya ako. Padabog na kinuha ko iyong beer sa kamay niya.

"Hindi nga ako broken hearted. My heart is buong-buo. " sabay lagok dun sa beer. 

Napangiwi si Harrison at agad na tinapik ang likod ko. Medyo gumagaan ang loob ko dahil nandito si Harrison kahit hindi ko naman hinihiling na dumating siya. Bakit ba hindi na lang siya? Bakit ba hindi ko na lang siya magustuhan at magustuhan din niya ako? Siguro hindi magiging ganito kahirap ang kalagayan ko kapag siya ang pinili ko, no?

Hindi ko na mabilang kung ilang beer na ang nainom ko. Nakalima na ata ako. Ewan ko. Mahina pa naman ako pagdating sa ganito. Sanayin ko na kaya ang sarili ko? Mukhang mapapadalas 'to ah. Si Zach kasi! Lagi na lang niya akong inaaway!

"Hoy Harrison! " Tinuro ko siya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Napatawa ako pero agad din akong sumeryoso nang maalala ang nangyari kanina. "Panget ba ako?.. Bakit ba ayaw nila sa akin?.. Alam ko namang mahirap ako e. *Hik* Pero bakit ang unfair? *Hik* "

Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Mabilis na nagflashback sa utak ko ang pagbuhat ni Zach kay Pearl, ang hindi niya pagsipot sa usapan namin kanina at ang pagbigay niya sa akin ng pera.

"Ba-bakit ganoon, ha? Gusto kong baliin ang buto nilang lahat, gusto kong manakit sa sobrang sakit! " Sinuntok suntok ko ang dibdib ko. "How can he be so cruel? "

"Kasi tanga siya. " naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. "You dont have to cry, Fern. Wag mong sayangin ang luha mo. "

"Hindi ba sila makaintindi na... " napahawak ako sa bibig ko dahilan para lumabas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. "Na n-nakakapagod ding makinig s-sa mga panlalalait nila? " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil parang may bumura sa lalamunan ko. Nakakahiya kay Harrison dahil nakikita niya ako na ganito.

"You're something that he will regret losing. I can promise you that much. " Inabot niya ang pisngi ko at pinahidan ito. "Now stop crying, Fern"

Hinila niya ako at niyakap. Mas lalong lumakas ang iyak ko at basang basa na halos ang polo ni Harrison dahil sa akin. Nanatili kami ng ganoon hanggang sa maramdaman kong bumabagsak na ang talukip ng mata ko.

"Pagod na ako.. " Lumayo ako sa kanya at pinahidan ko ang luhang natuyo sa pisngi ko. Sinubukan kong ngumiti. "Salamat. "

Natigilan ako nang itaas niya ang dalawang daliri niya at ilagay sa dulo ng labi ko. Dahan dahan niyang binaba ang labi ko mula sa pagkakangiti. "There. Much better. " kinindatan niya ako. " Ihahatid na kita. "

Tumango lamang ako sa kanya at tumayo na. Para akong zombie sa daan habang nasa likod ko si Harrison. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Daig ko pa yung mga zombies sa plants vs. zombies. Kulang na lang sa akin ay timba sa ulo.

*Toot*

Kinuha ko ang cellphone ko. Pangalan ni Zach yung lumabas. Biglang sumikip ang dibdib ko. Why am I such a fool? Nasaktan na nga ako pero napapangiti pa rin ako kahit sa simpleng text niya. Tanga! Tangang tanga ka, Fern!

       'Nasan ka? Hindi na kita masusundo bukas. Sa school na lang tayo magkita. '

  

Zach, you're hurting me. Are you happy now? 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon