22. Akin..

51.3K 772 49
                                    

Mas naunang tumapak sa stage ang mga kabandmates ko. Inaayos nila ang mga instrumento na aming gagamitin. Hindi ko na halos maramdaman ang kaluluwa ko. Sa tingin ko ay humiwalay na ito mula sa aking katawan dahil sa kabang aking nararamdaman nang umapak na ako sa stage. 

Who wouldn't be nervous? Buong student ng Hellingstar ang manonood. Sigurado akong may naglalakihang panauhin ang nanonood ngayon sa pinakaunahan. May ilan pang outsiders ang maaaring nanonood. Pero kahit ganoon, nabawasan ang kaba ko sa ginawa ni Zach kanina.

Nang tinawag na ang aming grupo ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. I took a deep breath before going on. Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Humigpit ang hawak ko mikropono at saglit na tumingin sa buong paligid, Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa tumama iyon sa isang lalaki na nakaupo sa harapan

Pinag-ekis niya ang kanyang mga bisig sa dibdib at malalim akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Nanlalamig ako dahil sa tingin niyang iyon. Yung tipong para niya akong hinuhubadan.

Nagsimulang tumugtog ang isang instrumento, hudyat na simula na ng peformance namin. Tinapat ko ang mikropono mula sa aking bibig at nagsimulang kumanta.

I bust the windows out your car

And no, it didn't mend my broken heart

I'll probably always have these ugly scars

But right now I don't care about that part

I bust the windows out your car

After I saw you looking right at her

I didn't wanna, but I took my turn

I'm glad I did it, 'cause you had to learn

I looked at him, Nakatingin lamang ang kanyang mata sa akin. I felt numb inside. Naalala ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Harrison. Wala akong magawa nang makaramdam ulit ako ng galit. Hindi ko mapigilan kahit alam kong nag-eeffort siya. Broken heart can't be healed easily. It takes some time at naniniwala ako doon.

I must admit it helped a little bit

To think of how you felt when you saw it

I didn't know that I had that much strength

But I'm glad you see what happens when

You see you can't just play with people's feelings

Tell them you love them and don't mean it

You'll probably say that it was juvenile

But I think that I deserve to smile

Nanlabo ang paningin ko at alam kong napansin niya iyon. Nakita ko ang pagtayo niya pero pinigilan siya noong babaeng katabi niya. Who is she? Ngunit hindi ito ang tamang oras para pansinin ko iyon. 

I bust the windows out your car

Hey, you should be lucky that that's all I did

After five whole years of this bullsh**

Gave you all of me, and you played with it

After that I wiped my tears away. Siguro'y nadala lamang ako sa kanta. Gusto kong matawa sa nangyayari sa akin. Maybe I should stop thinking about his past.

Malakas na palakpak ang binigay ng mga tao sa amin. Napatingin ako sa pwesto niya ngunit wala na siya doon. Hindi niya man' lang nagawang tapusin ang performance na ito. 

"Ang galing mo, " nakangiting bulong sa akin ni Raven, kabanda ko.

Magpapasalamat pa sana ako sa kanya nang may biglang humigit sa aking braso. Nahigit ko ang aking hininga hanggang sa madala ako ng lalaking ito sa isang madilim na lugar ng school, Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Ang pamilyar niyang likod.

Sinara niya ang pintuan at napansin ko na nasa janitor room kami. The same place kung saan hinila niya ako noong bagong dating niya pa lamang. Itinulak niya ang aking likod mula sa pader at parang kay bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili kong nakapako sa pader.

Ang dalawa kong kamay ay hawak hawak niya habang sobrang lapit ng kanyang mukha. Bumilis ang aking paghinga nang halikan niya ang aking leeg.

"I can't fucking take this anymore. " aniya na may halong pagtitiis sa kanyang boses. No. Napansin ko din ang lungkot dito.

"Why Zach? Paano mo nagawa ito sa akin? " I asked him desperately. Hinuli ko ang kanyang mga mata at muling siyang tinanong. "Bakit hindi mo maipaliwanag sa akin? " 

Umiling siya at kinabigla ko nang makita ang pamumula ng kanyang mata.

"Ayaw kitang saktan kaya tinago ko sayo. "

"Nasaktan mo pa rin ako, Hindi mo ba nakikita? " naiiritang wika ko sa kanya. Umurong bigla ang aking luha nang marinig ang kanyang sinabi. 

"I know. " mahina at garalgal niyang sabi. Pigil na pigil ang iyak niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. "Pero ayaw kitang mawala sa akin..." tuluyan ng nabasag ang boses niya.

"Kung ipapaliwanag mo sa akin ay iintindihin ko naman, eh. Pero bakit kailangan mo pang ilihim sa akin? " sinuntok ko ang kanyang dibdib. Galit na galit ako sa kanya na halos gusto ko siyang saktan. "Sinungaling ka. Niloko mo ako, Zach. Mas gugustuhin mo pa bang paikutin mo ako sa mga kasinungalingan mo? " may halong pait na tanong ko sa kanya. 

"I cheated. But Im missing you so damn much that's why I did that. Alam kong sobrang panget pakinggan ng dahilan ko pero gusto kong marinig mo ang katotohanan dahil ikaw na mismo ang nagsabing maging honest ako sa'yo, Fern. "

Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Pero bakit ako, Zach? Namiss din naman kita, ah. Walang araw na hindi kita inisip pero hindi ko nagawang humanap ng iba, katulad ng ginawa mo. "

"Im sorry. " Hinuli niya ang kamay ko. "Im really sorry. "

"Ang unfair unfair mo.. " magsasalita pa sana ako when he leaned in immediately, claiming my mouth, his tongue urgent and demanding. Mapusok ang bawat halik na inihahatid niya sa akin, Sinubukan kong umiwas ngunit pilit niyang hinuhuli ang aking labi hanggang sa kagatin niya ang sensitibong parte nito. Bumukas ang aking labi at kinuha niya ang pagkakataong iyon.

"Mababaliw na ako kung pipigilan ko pa ito. " he said before letting me go. Nanghina ang tuhod ko ngunit mabilis niyang hinigit ang aking baywang. Tiningala ko ang gwapo niyang mukha and I saw determination in his eyes.

"Liligawan kita at sisimulan ko iyon bukas na bukas din. "

           

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon