Harrison's POV
"Kapag sumabog 'yang computer ko patay ka sa akin! " Sigaw ko kay Nikki na kinakalikot ang system unit ng computer ko. Luma na naman 'yon pero syempre sobrang iningatan ko 'yon kahit hindi ko na ginagamit.
"Alam mo ang arte arte mong lalaki ka! " Nanlaki ang mata ko nang batuhin niya ako ng folder.
"H-hoy! Ikaw na nga 'tong pinapagamit ng gamit ko tapos may gana ka pang mambato?! Wala kang utang na loob! "
"Tanga ka ba? We're at the same group kaya dapat lang na pahiramin mo ako ng bulok mong system unit para matapos na 'tong bwisit na thesis na'tin. "
Umismid na lang ako. Nagpaalam na lang ako kay Tabatsing na lalabas muna ako para gumawa ng pagkain namin. Tabatsing ang tawag ko sa kanya kasi ang takaw takaw niya sa tuwing magkasama kami. Nagsisisi na ako na sinabihan ko siya ng cute noong una ko siyang nakita. Napakamaldita niya at brutal pa. Tss. Kung hindi lang talaga siya babae at cute baka na ano ko na siya. Basta na ano!
"Hoy Matsing, sagutan mo nga 'to. Di ko maintindihan. " Bungad niya sa akin pagkapasok ko ng kwarto sabay kuha ng dala kong tray. Nilapag niya yung tray sa kama at dumapa siya doon sabay kuha at kain ng cookies na pina-bake ko kay Manang.
"Tabatsing ka talaga. " Naiiling na kinuha ko 'yong folder kung saan nakalagay ang mga sasagutan ko. May mga sagot na naman niya yung iba kaya di na ako nahirapan.
Pagkatapos kong sagutan lahat ay pinanood ko na lang siyang kumain.
Napangiti ako nang abutan niya ako ng isang cookies. Umanganga ako, iniintay na isubo niya sa akin ito.
"A-anong ginagawa mo? " Nagtatakang tanong niya.
"Subuan mo ako. "
"Tss. Matsing! " Aniya sabay subo sa akin. Napangiti ako. Pakipot talaga 'tong si Tabatsing.
"Natext mo na ba si Fern? " Tanong ko sa kanya.
Tumango lamang siya dahil busy siya sa pagkain.
"Isasama ba daw niya 'yong panget at mayabang niyang boyfriend? "
Sinamaan niya ako ng tingin. "Asus! If I know, nagseselos ka lang! Atsaka fiance dahil engage na sila, no! "
Umirap lang ako. Oo na, fiance na nga. Tss. Akala naman ng Zach na 'yon. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula nang magkaayos silang dalawa. Nagkaayos sina Nikki at Fern at syempre, sinusubukan din nilang pag-ayusin kami ng Zach na 'yon. Mga babae talaga. Alam namang imposible, pinipilit pa rin.
"Anong oras ba sila darating? Ang tagal nila. " Tumabi ako kay Tabatsing at tinignan ang ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? "
"Tinitignan ko kung online sa skype si Ate Aubrey. Kasama niya daw kasi si Dominic. "
Bumalik na si Aubrey sa ibang bansa at narinig ko lang kay Tabatsing na eight months na daw ang tiyan nito. Si Dominic naman, yong kakambal niya, ay sinasamahan si Aubrey dahil maselan daw ang pagbubuntis nito. Okay na sa pamilya nila ang nangyari kay Aubrey at sa pamilya ni Zach. They didn't even bother to look for the real father of Aubrey's child dahil kung totoong gusto nitong akuin ang responsibilidad niya bilang tatay ay magpapakita ito.
Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito si Fern na nakangiti at sumunod naman 'yong lamang lupa na laging nakasimangot. Napasimangot na rin tuloy ako nang makita ang pagmumukha niya.
Nagyakapan sina Tabatsing at Fern na parang ilang taong hindi nagkita. Napailing na lang ako at kumain ng cookies na hindi naubos ni Nikki.
"Mabuti na lang dumating na kayo. Ang panget panget kasi ng kasama ko. " Narinig kong sabi ni Nikki. Hindi ko na lang pinansin dahil sanay na naman ako sa kanya.
"Panget talaga. " Pero nagpanting ang tenga ko nang magsalita 'yong lamang lupa na si Zach.
"Anong sabi mo?! "
"Ha? Ang sabi ko? " Ngumisi siya. "Ang panget mo daw. "
"Aba't- "
"Hep hep hep! " Pumagitna sa amin si Fern. "Zach naman! Para ka namang bata, eh! ""Bakit mo pinatatanggol 'yan? May gusto ka ba sa kanya? "
Lahat kami ay napasimangot sa sinabi niya at sabay sabay din kaming napabuntong hininga. Si Fern lang ang nagtangkang magsalita para kausapin ang may sapak niyang boyfriend.
"Halika nga dito! " At nagsimula na silang maglampungan sa sulok ng kwarto ko. Mamaya magpapa-spray ako ng baygon dito sa kwarto ko kay manang.
"I wonder kung kailan ako magkakaboyfriend. " Natigilan ako sa sinabi ni Tabatsing habang nakatingin siya kina Fern. Napangisi ako.
"Hindi kana magkakaboyfriend dahil malulugi sa'yo 'yon. Ang lakas mo kaya- Aray! " Napahawak ako sa braso ko na hinampas niya.
We both glared at each other.
"Kung hindi ka dumidikit sa akin sa school at sa kung saan, edi sana may boyfriend na ako! "
"Hoy! Ikaw nga 'tong dikit ng dikit sa akin! Type mo ako no? Ayieee. Aminin mo na kasi! "
"Che! Ewan ko sa'yong, Matsing ka! "
"Tabatsing ka naman! "
Fern's POV
"Ang cute nilang dalawa, no? " Tanong ko kay Zach habang tinititigan ang nag-aaway na sina Nikki at Harrison. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa tuwing nag-aaway sila. Para silang bata pero mapagkakamalan talaga silang magboyfriend at girlfriend.
"Si Nikki cute pero 'yong isa, no comment. "
Napahagikhik ako sa sinabi niya. Marahan kong tinampal ang brasop niya. "Patay ka kay Harrison! " Natatawang sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at niyakap ako sa bewang. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Ikaw ang patay sa akin mamaya. " Bulong niya.
Tinitigan ko siya ng nakangiti, kinikilig ako, eh. "Pa-kiss nga ako. "
Lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa dumampi ang labi niya sa labi ko.
"Hoy! SPG! " Sigaw ni Harrison. Binatukan siya ni Nikki. "Nakakatatlo ka ng Tabatsing ka ha! " At nagsimula na silang maghabulan sa kwarto. Natatawa na lang ako habang pinapanood sila.
"Fern.. "
Napatingin ako kay Zach na nakatitig ngayon sa akin. Tumigil ako sa pagtawa at binaling ang buong atensyon ko sa kanya.
"Bakit? " I smiled.
"After ng graduation natin, saan mo gustong pumunta? "
Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga no. Malapit na kaming gumaraduate. Ang bilis ng panahon parang kanina lang ang daming problema pero ngayon ang saya saya ko. Pero saan nga ba magandang pumunta? Gusto ko 'yong tipong hindi ko makakalimutan. Gusto ko memorable dahil kung sakali ay unang beses kong makakapagtravel kasama siya.
"Umm. " Napangiti ako nang may maalala ako. "Wala akong maisip, eh. Saan mo ba gustong pumunta? "
"Las Vegas. "
Nanlaki ang mata ko. "Waaah! Zach gusto kong pumunta doon! Maraming ilaw tapos 'yong mga buildings! Atsaka gusto ko kung maghohotel tayo, dapat kita yung buong view para makita ang mga ilaw. " Zach pinched my nose. I pouted when he laughed at me. "Bakit ka tumatawa? "
"Sa bahay maraming ilaw. "
Hinampas ko siya. "Seryoso ako, ano ka ba! "
"Alam ko. " Mas humigpit ang yakap niya. "Let's go there. "
Kuminang ang mata ko. "Talaga? "
Tumango siya. "Gagawa tayo doon ng baby tapos papangalanan natin ng 'Vegas'. "
Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Vegas? Not really bad for our first baby..
BINABASA MO ANG
Almost.
Любовные романыNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...