Ang totoo hindi ko inakala na maririnig ko iyon kay Zach. Inaakala ko na hindi na niya ako muling guguluhin dahil alam niyang imposibleng mangyari na ang mga bagay na gusto ko. Napakalayo na kahit anong gawin ko ay...wala na.
"Gagawin ko ang lahat. " awtomatikong nanikip ang aking dibdib. Bakit ganito? Ni hindi ko maibuka ang aking bibig? "Wala akong pakialam kung anong sabihin ng iba. I did fucking learn from what happened to us. Trust me. "
Muli niyang tinago ang singsing sa kanyang bulsa. "Hayaan mo. Hindi kita pipilitin na suotin ang singsing na ito. " huminga siya ng malalim at tinitigan ang aking parehas na mata. "I'll get going now. "
Ang pagtalikod niya sa akin ay ang dahilan kung bakit tuluyang naglaho ang galit ko mula sa kanya. Hindi ko ito maipaliwanag. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Oo na. Mahal ko pa rin talaga siya pero mali ito. Hindi maaari.
Nang tuluyan na siyang lamunin ng dilim ay agad na rin akong pumasok sa bahay. Binitawan ko ang isang mabigat na buntong hininga. Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso.
"You..jerk. " Tuluyang nanikip at nanuyo ang aking lalamunan nang ipikit ko ang aking mata. "Stupid jerk. "
Zach's POV
"She's not just a joke. Totoo ang lahat ng ito. " muli kong nilagok ang isang baso ng alak bago muling harapin ang mga kaibigan ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Nakakagago pero gustong gusto ko na talagang magwala sa harap nila. "Wala akong magawa kahit isa man' lang. Hindi ko siya kayang..kayang protektahan. "
"Pare tama na yan. " pigil sa akin ni Damian.
"You should go home, Dude. "
Pero hindi ko sila pinansin. "Hindi. Ayokong umuwi sa bahay na iyon. They'll force me to do something. Something I never want to do. "
Naalala ko si Fern. All I want is her. Wala akong ginusto kundi siya. I just want to be with her right now. Nagsisisi ako. Gusto kong puntahan siya ngayon at humingi ng tawad. Gusto kong magmakaawa sa kanya, na kung maaari ay hayaan niya ako sa kanyang tabi.
Ako na yata ang pinakagagong lalaki sa mundong ito. Duwag, tanga, bulag, manhid. Maraming nagsabi sa akin na napakaselfish ko. Na sarili ko lamang ang iniisip ko. Hindi ko iniisip ang nararamdaman ng ibang tao. Even my dad, he told me those things. Hindi ko iyon makakalimutan.
Pero bakit? Kahit kailan ba pinakinggan nila ako? I just want to be happy. Bakit ba hindi nila iyon maintindihan?! Nabubulag sila sa kasinungalingan. I was supposed to be with her. Dapat ako ang nasa tabi niya, hindi si Harrison.
"Damian, ikaw ang maghatid kay Evangelista. " utos ni Giro kay Damian na ngayon ay umiiling na lang sa tabi.
"Hoy, Evangelista! " tapik ni Damian sa aking balikat. "Wake up. Ayaw mo naman siguro itong makarating sa tatay mo di'ba? "
Napaismid ako. "You better tell him, I don't give a shit. " muli kong sinubsob ang aking mukha sa lamesa.
"Then should I call your soon to be wife? "
Awtomatikong bumukas ang aking mata at agad na napatingin kay Damian. He was smirking. Alam kong pinipigilan niyang tumawa dahil sa masamang tingin ko sa kanya.
"Damn you! " sigaw ko sa kanya bago ako tumayo sa pagkakaupo. I stopped them nang hahawakan nila ako. "Im not yet drunk. " sabi ko sa kanila bago lisanin ang bar na iyon.
Pinaharurot ko ang aking kotse hanggang sa marating ang aking bahay.
Katulad ng inaasan ko, bukas ang lahat ng ilaw. Mula sa pintuan ng bahay ko ay nakatayo siya doon. Nakasuot siya ng isang kulay pulang dress, sando ito kaya halos magyelo na siya sa lamig. Paminsan hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya.
"Where the hell did you go?! I've been waiting for you! " She shouted at the top of her lungs. Umalingawngaw ito sa buong garahe na mas lalong nagpataas ng dugo ko sa galit.
Darn it! Ganito na lang ba lagi ang bubungad sa akin? Inaraw-araw na ata naming dalawa ang pag-aaway for petes sake!
Umiiling na nilampasan ako siya at agad na binuksan ang pinto. Pero hinawakan niya ang braso ko at pilit na hinarap sa kanya.
"Don't you dare turn your back on me! "
"Just shut up! " pakiramdam ko tuluyan na akong sumabog. Pagod ako. Sobrang nakakapagod na parang sobrang haba na ng araw na ito. "Shut up or else... "
"Or else what? " she started scrying. "Or else you're going to leave me hanging?! O baka naman babalik ka sa kanya? " She snarled.
"Una pa lang, I belong to her. I don't belong to you, Aubrey. " nawala ang kulay sa kanyang mukha. "I belong entirely to her. Sa kanya lang. Hindi sa'yo o kahit kanino pa. "
Tinakpan niya ang kanyang tenga at agad na tumalikod mula sa akin. Marami siyang binubulong sa hangin na hindi ko maintindihan. Sometimes, I just want to ask myself why the hell did I like this girl? Maybe I was too blind back then to like her. Im sick of being with her.
I took a deep breath bago tumalikod at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang isang baso at nilagyan ito ng tubig. Agad ko itong nilagok ng diretso kahit dumadaloy na ang malamig na tubig sa aking leeg papunta sa aking dibdib.
"Bakit siya? "
Nilapag ko ang baso at huminga ng malalim. Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang pait sa boses niya nang itanong niya ito sa akin. Bakit nga ba siya? Bakit si Fern pa?
"Kailangan ba talaga ng dahilan para gustuhin ko siya? " saglit akong tumigil at bumuga ng hangin. I never thought this would be hard to explain it to her.
"Lahat may dahilan, Zach. " She said sarcastically .
I sighed defeatedly. "Binago niya ako. Tinanggap niya ako. " I just kept my lips pressed tight together and my hands balled into fists.
"Everyone can accept you, Zach! Seriously? Ano bang nangyayari sa'yo? You weren't like this to me before! " She cried and I swallowed hard. "At hindi ka niya binago! Tignan mo nga ang sarili mo. Nababaliw ka na sa isang babae at siya ang may kagagawan nito, for heavens sake! "
"Hell, yes! " I snorted. "Kaya akong tanggapin ng lahat dahil sa pera pero hindi niya ako tinanggap dahil dun! You wouldn't fucking understand because you're desperate right now. "
Hinarap ko siya gamit ang aking galit na mata. Napaurong siya sa takot, takot na baka saktan ko siya. Bakit ba hindi nila maintindihan? Bakit ba sila kampi sa babaeng ito gayong nagsasabi naman ako ng totoo?
Saglit kaming nagtitigang dalawa hanggang sa nag-iwas siya ng tingin at tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Suddenly, I felt guilty. Dapat hindi ko sinabi sa kanya ang mga ganoong bagay. Masama ito sa kanyang kalagayan.
Nakatingin lamang ako sa kanya noong mga oras na iyon. Umiiyak siya sa aking harap habang ako ay walang magawa kundi ang titigan ang pagdaloy ng kanyang luha. Should I hug her? Bawiin ang lahat ng sinabi ko?
No. Dapat niyang malaman ang katotohanan na si Fern ang gusto ko.
"Stop crying. " pakiusap ko sa kanya. "This is not good for the baby. "
Pero walang nangyari. Nakatungo lamang siya at umiiyak sa harap ko. Napabuntong hininga ako.
"Stop. " unti unti akong humakbang papalapit sa kanya at agad siyang kinulong sa aking mga bisig. "Im sorry. "
Yinakap niya ako ng sobrang higpit. She sobbed until she stopped from crying. Sobrang higpit ng yakap niya na parang wala ng bukas para sa aming dalawa. Wala akong naramdaman na kahit ano.
"Don't go.. "
Natigilan ako sa sinabi ni Aubrey. Muli siyang humagulhol sa aking dibdib. She clutched my shirt and cried for the nth time. Tinaas ko ang aking kamay at marahang hinimas ang kanyang buhok. Sinubukan kong iparamdam sa kanya na mahalaga rin siya sa akin sa pamamagitan nito. But it seems like she misinterpret everything.
"I'll stay for now. " I gulped. "Pero kailangan kong bumalik sa kanya. "
BINABASA MO ANG
Almost.
Roman d'amourNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...
