17. Ano..

55.2K 730 26
                                    

"Guys, sana ibigay niyo na lahat ng effort niyo sa performance natin. " Pinagdaop niy Hazel ang dalawang palad niya. "May ininvite silang sikat na producer ng isang band. And I heard maaaring may makuha. "

Biglang nagsigawan sina Riley sa narinig nila. Ako naman ay napangiti. Medyo naexcite din ako dahil sobrang swerte siguro nung taong makukuha kung sakali. Sigurado akong kapag sinabing sikat ay talagang sikat na banda ang tinutukoy ng school. Masyadong malaki ang perang ginastos para sa fest na ito at sa tingin ko ay kukuha na sila ng pinakamagandang ma-ooffer.

"Okay. Mamayang 3pm meron ulit tayong practice. Last practice. "

Akmang maglalakad na ako palayo nang tawagin ako ni Hazel. "Padala naman nito sa SC president. Kailangan na kasi itong ma-aprubahan. " Noong una ay hindi pa nagsink-in sa akin pero muntik ko nang masigawan si Hazel nang maalala kong kay Zach ko iyon dadalhin.

"Napakamalas ko. " sabi ko sa aking sarili habang inihahampas ang hawak kong papel sa aking ulo. "Ngayon, anong gagawin mo Fern? " Nagpapadyak ako. Malamang ay kailangan ko itong dalhin sa kanya, sa ayaw at sa gusto ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng office nila. This is odd. Sa dinami-daming oras na pwedeng pumunta ako dito, ngayon pa! At kung kailan ayaw ko siyang makita.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang tahimik na lugar. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang walang tao. Iiwanan ko na lang yung papers tutal wala namang sinabi si Hazel na hintayin ko ito.

"Sino 'yan? " Napapikit ako. Nandito siya. Act normal, Fern. Ano bang ibig sabihin ng act normal sa akin ngayon? Act normal katulad nang hahalikan ko siya sa pisngi? O Act normal 'Hello, Zach' sabay ngiti ng 'Who-are-you-you-are-just-a-guy-named-Zach'? Pumasok na lang ako sa loob without choosing anything in my choices at nakita ko ang pagtigil niya sa kanyang ginagawa nang makita ako. "Fern? " Bahala na talaga kung anong mangyari..

Tumikhim ako. "I-ito yung papers na pinapabigay ni Hazel. " Pinatong ko sa table niya yung papers at agad siyang tinalikuran.

"May sinabe ba akong pwede ka ng umalis? "

I clenched my jaw. Muli akong humarap sa kanya at yumuko. Parang may bumara sa lalamunan ko na bato. Darna ikaw ba 'yan? 

"Huwag kang yumuko, tumingin ka sa akin. " Utos niya sa akin. Nagtaas ako ng tingin at lakas loob na pinagtama ang mga mata namin. Nabigla ako nang makita ang mga mata niya. Hindi rin ba siya nakatulog? At kailan pa siya naging ganitong kapagod tignan? "Wag mo sana akong iwasan. " nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. "Alam kong nagkamali ako. Dapat pinuntahan kita noon at ako mismo ang nagsabi sayo. "

"Naiitindihan ko naman kung bakit hindi ka nakarating. Naiintindihan ko na rin kung bakit ginawa mo 'yon kay Pearl. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan mo pang magpadala ng pera sa akin? Mukha ba akong pulubi sa mata mo ha? Atsaka anong tingin mo sa sarili mo? Union bank? "

"Im sorry. "

Napaismid ako. Muntik pa akong pumalakpak sa sobrang galing ng dialogue niya.

"Sorry? Ilang beses ko ng narinig ang sorry mo pero narinig mo rin bang pinatawad kita? "

Huminga siya ng malalim. Hinilot niya ang kanyang noo. Bigla tuloy gusto kong lumapit sa kanya at tanungin siya kung may masakit ba sa parteng iyon. Gusto ko tuloy siyang I-massage dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang pagod sa mata niya at puyat.

"But still, Im really sorry. Hindi ko inisip ang magiging reaksiyon mo kapag ginawa ko iyon. Hindi ko man' lang inisip na masasaktan kita. I was just worried about you that's why came up with that idea. " 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon