2. Trouble..

73.4K 1.4K 91
                                    

It's been 3 days simula nang dumating si Zach at naging mainit ang usapin tungkol sa kanya. Ngayon nga gaganapin ang welcome party sa kanya at sigurado akong lahat ng students sa school ay invited. Gaganapin ito sa lugar ng mga Evangelista na mas lalong kinatakot ko. Hindi pa ako nakakarating sa mansyon ng Evangelista kahit matagal na rin ang relasyon namin ni Zach. 

Ano pa nga bang hinahangad ko? We need to hide our relationship. Imposibleng ipakilala niya ako sa mga magulang niya. Baka kapag umasim na ang dagat, saka mangyayari ang hinihiling ko.

Kanina pa ako dito sa campus. Wala pang tao nang dumating ako pero ngayon dumadami na at puro na lamang tungkol sa event mamaya ang naririnig ko. Dapat kahapon gaganapin ang welcome party kay Zach pero napostpone iyon kaya ngayon busy ang lahat ng estudyante.

"Ikaw ba si Fern? " napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. 

"Ako nga. Bakit? " binitawan ko ang hawak hawak kong libro. "May problema ba? "

Inabot nito sakin ang isang papel na nakatupi. "Pinabibigay sa iyo ni Zach. "

Nangunot ang noo ko. Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang papel at binasa ito. Kay Zach nga ito galing. Hindi ako nagkakamali dahil alam ko ang sulat-kamay niya.

'Roof top. Now. '

Napatingin ako sa lalaki. "Pupunta ako." Para naman itong nakahinga ng maluwag. Sigurado akong may ginawa na naman si Zach na kalokohan. Napailing na lamang ako at agad na niligpit ang gamit ko at agad na dumiretso sa roof top ng campus.

"Pupunta ka ba mamaya? " Iyan ang pambungad na tanong niya sakin pagkarating ko pa lamang sa Roof top.

Kasalukuyan kaming nakadungaw sa buong campus ng Hellingstar. Kitang kita dito ang kabuuan ng school sa mismong kinatatayuan namin. Tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok samantalang medyo magulo na ang buhok niya pero hindi man' lang nabawasan ang kagwapuhan niya na napagtanto kong napaka-unfair. 

Umiling ako sa kanya. Wala talaga akong balak na pumunta. Sa lahat ng estudyante sa school ay ako lamang ata ang hindi dadalo. Para saan pa? Para makipagplastikan at makarinig ng mga kayabangan tungkol sa suot nilang milyon milyon ang presyo? Mas mabuti pang itulog ko na lamang ang limang oras na sasayangin ko doon. Atsaka na-i-welcome ko na naman si Zach.

"I wont take that. Gusto kitang makita mamaya. " Aniya gamit na naman ang ma-awtoridad na boses niya. Umiling ako.

"Para ano? Hindi ko kayang makisalamuha sa mga taong hindi ako gusto, Zach. " umirap ako sa kawalan. "Ayokong masira ang araw mo ng dahil sakin. "

"What? " May halong galit ang boses niya ng bitawan niya ang salitang iyon. "Wala akong pakialam sa kanila. Pwede naman kitang solohin mamaya, di'ba? "

"Zach.. " naningkit ang mata ko.

"Bukod dun bakante naman ang kwarto ko. Pwedeng pwede nating gawin ang kahit ano. " Mas lalo niyang hinapit ang baywang ko. "Ang bango ng girlfriend ko. " binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon