Fern's POV
"Saan mo gustong kumain? " Tanong sa akin ni Zach habang hawak hawak niya ang isa kong kamay.
Saglit akong nag-isip pero wala akong maisip na pwedeng kainan namin. Nilingon ko ulit siya. "Saan mo ba gusto? Okay lang sa akin kahit saan. "
Sinulyapan niya ako habang nagdadrive. Ngumiti siya sa akin at marahang pinisil ang aking kamay na nakapatong sa aking binti. Napangiti na rin ako at muling binaling ang aking paningin sa labas ng bintana.
"Dito na lang tayo.. " aniya at tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na restaurant.
Tumango lang ako sa kanya at tinitigan siyang bumaba. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Why are you being like this? " I asked him.
"Like what? Wala naman akong ginagawa ah. "
"May ginawa kang masama no?! " I glared at him. Nakita kong napaurong siya sa sinabi ko. Hindi ko napigilang hindi matawa. "Nabigla ba kita? Hahaha. Nakakatawa kasi ang itsura mo, Zach! "
"Tss. " inirapan niya ako at tinalikuran.
"Hoy! " sinundan ko siya sa paglalakad at kinawit ang aking kamay sa kanyang braso. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin. I leaned on his arm as he kissed the top of my head. "Wag mo nga akong iwanan. "
He did not respond. Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy kami sa pagpasok sa restau. Winelcome kami ng isang sweet na ambience. Para kasing pang-date ang lugar na ito kaya sweet and full of red things ang loob.
Umorder kami ng pang-dinner na foods. Ayoko sanang kumain dahil medyo busog pa ako pero pinilit niya ako na kumain at umorder ng rice.
"I told you, busog pa ako! "
"No. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. Wag ka ngang matigas ang ulo. "
"Ikaw ang matigas ang ulo. " duro ko sa kanya. Napangiwi ako nang titigan niya ako ng masama. "Kasing tigas ng.. "
"Ng ano? Ng aki- "
"Nooo! Ng bato syempre, you pervert! "
He smirked and leaned on his chair. Pinagcross niya sa kanyang dibdib ang kanyang mga braso at tinitigan ako. Napaurong ang dila ko at medyo nahiya sa titig niya.
"Ba-bakit mo ako tinitignan ng ganyan? "
Hindi siya sumagot. He just kept on staring at me. Pakiramdam ko sasabog ako sa pula sa titig niya. Ang mata niyang nanunuri ay nakakailang titigan. I can't even look and shout at him like what I usually do.
"Zach, stop staring will you? " humigpit ang hawak ko sa tinidor. "Kapag hindi ka tumigil babatuhin kita ng- "
"Are you going to miss me? Mamimiss mo ba ako kapag umalis ako ulit sa tabi mo? " He suddenly asked that really made me shiver. I looked at him with disbelief. Seryoso siya! Seryoso ba talaga siya? But I can see it through his eyes.
Nabitawan ko ang tinidor kong hawak at napalunok.
"W-what are you talking about? " pilit akong tumawa.
"Or what if I leave you now? Here. "
I tried to calm my nerves and smiled at him but I just looked so pathetic every time I pushed my lips upward. I looked at the table as I felt the sudden pain in my chest.
"Ano ka ba! Bakit mo natanong? Syempre iiyak ako! " para akong tanga na kinakausap ang lamesa. Hindi ko siya matignan. Bakit ba kasi niya ito natanong? "Susundan kita kung sakaling iwan mo ako dito. A-at kung aalis ka ulit sa tabi ko... " I gulped. "Isama mo na lang ako ha? Sasama naman ako eh. " I smiled fakely as I continued to eat my food.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...