38. Run..

42.2K 699 101
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay binuksan ko agad lahat ng ilaw. Sinalampak ko ang aking sarilii sa upuan at isinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan. Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko at ang pagkagutom. 

Saglit kong inisip lahat ng nangyari. Lahat ng iyon ay kakalimutan ko. Kakalimutan ko kung anong meron kami ni Zach. Kung anong nakaraan namin. Mga pangako niya sa akin. Lahat lahat. Wala na akong aalalahanin pa sa mapait na nakaraan na iniwan niya sa akin. Ni' wala na akong matandaan na masasayang pangyayari kasama siya because he kept on hurting me and it wasn't healthy anymore.

Kinapa ko ang aking bulsa para sana tignan ang cellphone ko nang may makapa ako sa loob ng kaliwang bulsa ko. Kinuha ko ang nasa loob nito at laking gulat ko nang makita ang iyong bagay na binigay sa akin ni Zach nang pumunta siya sa music room para sabihin ako ng goodluck sa contest. Nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na ito..

Isa iyong keychain na may nakasabit na piano. Tinaas ko ito at tinitigan ng mabuti. May maliit na nakaukit sa ilalim ng piano.

'Z  ❤ F' 

Naginit ang magkabilang sulok ng mata ko. I hugged the keychain that he gave me as I cried. Bakit ganito na lang kasakit? Zach mahal na mahal kita. Can't you see that? How can you be so cruel?  

        Kinabukasan nagising ako sa couch. Doon na ako nakatulog kagabi dahil na rin sa pagod ko. Agad akong naligo dahil nagtext sa akin si Harrison na susunduin daw niya ako apartment. Iyan ang unang bumungad sa akin ngayong araw. 

Tinago ko yung keychain na binigay sa akin ni Zach sa drawer ko. Kahit naman siguro wala na kami, pwede ko pa naman sigurong itago iyon di'ba? 

"Nabasa mo ba iyong text ko? " tanong ni Harrison sa akin nang makarating siya sa apartment ko. Prente siyang nakaupo sa couch habang pinapanood ako.

Tumango ako. "Bakit mo ako gustong sunduin? " kinuha ko na iyong bag ko at nilagay doon ang papel na ipapasa ko.

"There's a voice telling me to fetch you. " tumingin ako sa kanya saglit. Binasa ko ang kanyang mata at mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Baka kasi sinabi lang ni Zach o kung sino man' dahil naaawa sa akin. Pero bakit nga ba gagawin 'yon ni Zach. Siguradong wala na siyang pakialam sa akin..

"May nangyari ba sa'yo? " Nanigas ang balikat ko nang tanungin niya ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi. "Tungkol ba ito dun sa ginawa ko- "

"Wag muna ngayon, Harrison. " Hindi, hindi ito tungkol sa nangyari sa ating dalawa, Harrison..

Nagkibit balikat lang siya at agad na kinuha ang bag ko. Naitigilan ako at tinignan lang siyang maglakad habang bitbit niya ito. How I wish it was him. Nanikip ang dibdib ko at alam kong konti na lang maluluha na ako.

Nanginginig na kinagat ko ang aking labi, trying to control myself from not crying.

Harrison stopped from walking and glanced at me. Kinulbit niya ako. "Are you okay? Do you want something? "

"Pwede bang mag-ice cream tayo? "

Natawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit nagi-space out ka? Sige. Libre ko. "

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya at sumunod papunta sa kanyang kotse.

Wala namang nangyari habang nasa byahe kami. Nakarating kami agad sa Ice cream parlor. Inalalayan niya ako makapasok dito na parang isa akong lumpo. Hindi ko na lang siya pinigilan sa gusto niyang gawin. Bahala na lang siya kung gusto pa niya akong buhatin.

"Cheese flavor for you and rocky road for me. " parang batang saad niya habang nilalapag ang inorder niyang ice cream.

"Maupo ka nga. " saway ko sa kanyang nang titigan lang niya ako.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon