Kapag dumadating ang araw ng linggo ay nakakahinga ako ng maluwag dahil meroon akong bente kwatrong oras para magpahinga. Pero nakakalungkot sa mga katulad kong estudyante, dahil sa katotohanang may pasok na ulit bukas. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at dumiretso mula sa kusina para magluto ng umagahan ko. Siguro ay sisimba ako mamaya pagkatapos kong linisin ang buong apartment.
Nagluluto ako noon ng noodles nang magring ang phone ko. Pangalan ni Zach ang rumehistro sa screen. Nakagat ko ang aking labi dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ganoon talaga siguro kapag gusto mo ang taong tumatawag sa'yo. Nakakakilig na halos hindi kana makapaghintay na hindi sagutin ang tawag niya.
"Hello? "
"Where are you? " Bagong gising pa ang boses niya.
"Nasa apartment. Nakakain kana ba? "
"Paano kung ikaw ang gusto kong almusal? Pakakainin mo ba ako? " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumikhim ako at narinig ko naman ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya. "I'll fetch you. "
"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta? "
"May pupuntahan tayo. " naiinis na sabi niya sakin. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa kanyang linya.
"Saan? " Pinatay ko ang apoy sa stove at sinalin ang noodles na niluto ko sa isang lalagyan. Naglakad ako patungo sa lamesa habang hawak hawak ng kaliwang kamay ko ang noodles.
"Bakit ba ang dami mong tanong? "
Hinawi ko ang buhok ko at nilipat ang cellphone ko sa kabilang linya. "Nagtatanong lang naman, eh "
"Tss. I'll see you in a bit. "
Napatulala ako pagkatapos naming mag-usap. Pakiramdam ko sasabog ako sa kilig at saya. Kung ganoon ay magdadate kami? Napahawak ako sa pisngi kong nagiinit. Kung ganoon.. kung ganoon ay niyaya ako ni Zach sa isang date? Tototo ba talaga 'to?
"Natapos din. " Bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa salamin. Suot ko ang isang simpleng t-shirt na may nakasulat pang 'SMILE. It frightens people' . Binili ko pa ito nung last time na gumala kami ni Nikki. "Ano kayang gusto ni Zach? Ang nakadress o simple lang? " Napanguso ako. "Bahala na nga. Maganda naman ang suot ko eh. " Ngumiti ako at muling tinitigan ang sarili ko sa salamin. Naglagay lang ako ng lipgloss at lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Zach na naghihintay na sa akin. May lollipop siyang subo subo habang tinititigan ang picture frame kung saan nakalagay ang picture ko.
"Zach? "
Tumingin siya sa akin. Bumaba ang tingin niya mula sa paa ko at muling binalik ang tingin sa mukha ko. Inalis niya ang lollipop na nasa bibig niya. "Why? May iba ka pa bang ine-expect na darating? "
"Baliw ka! " Nangingiting sagot ko sa sinabi niya. Para siyang baliw talaga. Sino namang aasahan ko pang dumating bukod sa kanya? "Oo nga pala. Paano mo nalaman ang address ko? " Nakakabigla lang dahil hindi ko pa kasi siya nadadala dito. Unang beses niyang bumisita sa apartment ko.
"Sinusundan kita. " simpleng sagot niya na parang wala lang at pagakatapos ay muling binalik ang lollipop niya sa kanyang bibig.
Lumapit ako sa kanya hanggang sa magkatapat na kami. Binitiwan niya ang picture ko at tumingin sa akin. "Kailan pa? " tanong ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Almost.
Roman d'amourNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...