3. Promise..

62.4K 1K 39
                                    

  "I invited you to this party because I want you to be mine tonight!  But what the hell are you doing there, Fern? " Galit na asik niya sa akin habang pabalik-balik siyang naglalakad sa aking harap. Nakaupo lamang ako doon sa kama niya habang nakatitig sa daliri ko. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang marinig ang sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin doon?

"Wag kang sumigaw, Zach. " 

"I'll shout if I want to, Fern! This is my fcking house! "

Napapikit ako. "Alam ko. Pero hindi tayo magkakaayos kung idadaan mo sa sigaw at galit. Naiintindihan mo ba ako? And you're scaring me already. " Paliwanag ko. Why is he shouting? Atsakla hindi ba pwedeng bigyan muna niya ako ng pagkakataon na I-cherish ang moment na ito dahil unang beses ko na makapasok sa kanyang kwarto?

Matapos ang nangyare kanina maraming nakahinga ng maluwag. Sa tingin ko ayaw rin nilang masira ang party kaya't pinukulan nilang lahat ako ng masasamang tingin at sinisi sa akin syempre ako lang maliban kay Harrison dahil kilala din siya sa school.

Katulad nang gusto ni Zach ay sinundan ko siya. Nakakatakot talaga siya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na hindi siya sundan pero patago pa din. Nang nasa dilim na kami, mabilis niyang hinablot ang aking braso at agad na hinila papasok sa isang kwarto. Ang kwarto niya.

"Im sorry. " He sighed. Tumabi siya sakin at tinitigan ang aking mukha. Lumalim ang kanyang mata at nakita ko ang pagnipis ng kanyang labi. "Bakit mo siya kasama? "

"Hindi ko siya kasama. Nilapitan niya ako kasi parehas kaming walang interest sa nangyayare sa paligid. " Huminga ako ng malalim. "Sabi ko naman sa'yo huwag mo na lang akong imbitihan sa mga ganitong event. Hindi ako komportable. " He tsk-ed but still nodded.

"That freaking manwhore. Dapat hindi ko pinaalis si Mang Deboy sa tabi mo para hindi ka pwedeng lapitan ng kahit sino. "

"Zach. " banta ko sa kanya.

"What?" nilingon niya ako at tinitigan ng mabuti.

"Nagseselos ka ba? "

"Oo. "

Nag-iwas ako ng tingin habang umiinit ang pisngi ko. Napasinghap ako nang itaas ni Zach ang baba ko at titigan ang buong mukha ko. Pinagsaklop niya ang isa niyang kamay sa kamay ko. 

"Seryoso ako, Fern. Nagseselos ako at ayoko ng nagseselos. "

Tinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. He groaned and caught my wrist and started kissing my fingers. "There's nothing to be jealous of. " Tinitigan ko ang mata niya. Binitawan niya ang kamay dahilan para maging malaya ako sa paghaplos ng pisngi niya. "I lost you once. Im not going to lose you again. "

Kinagat niya ang kanyang labi. Gumalaw ang adams apple niya at nagtagis ang kanyang bagang sa mukha hudyat na nagpipigil siya sa susunod na gagawin. Bumaba ang haplos ko sa leeg niya. Gusto kong matawa nang pumikit ang kanyang mata at ninamnam ang haplos ng aking palad sa kanyang katawan.

"Fern.. " hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "Promise me you won't stop loving me. " Marahan akong tumango. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "Fuck, I am incredibly lucky. Im so lucky to have you, Fern. "

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon