37. Flirt..

41.1K 718 140
                                    

"May kailangan ba tayong pag-usapan? " 

Tumingin ako kay Zach na ngayon ay kinakausap si Nikki. Napayuko ako nang sulyapan niya ako mula sa salamin. Nakagat ko ang aking labi. Pakiramdam ko kinukuryente ang buo kong katawan. Namamanhid na rin ang kamay ko.

Naradamanan kong nilingon ako ni Nikki kaya't nagtaas ako ng tingin para salubungin ang kanyang mata. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin pero dahil nasa tabi siya ni Zach ay hindi niya ito masabi. I sighed.

"Zach, Ihatid muna natin si Fern. " she said. "Fern, Im really sorry for ruining your moment. " aniya sa pamamagitan ng guilty niyang mata. I just nodded.

"It's nothing. " halos hindi ko malunok ang sarili kong laway dahil sa sinabi ko. I really hate this. Hate this feeling. Hate Zach.  Yes, I must hate him.

Hindi na ako ulit umimik matapos noon. Sila lang dalawa ang naguusap tungkol sa kung anong bagay. Paminsan pa nga medyo humihina iyong boses nila na parang ayaw nilang iparinig sa akin. Alam niyo ba iyong feeling na naa-out of place ka? 'Yong feeling na hinahayaan ng boyfriend mo na ma-out of place ka habang kausap niya ang bestfriend mo?

Sana nga kainin na ako nitong upuan na ito para malayo na ako sa kanila. Parang may sarili silang mundo. Earth calling to Zach! Girlfriend here!

Nayayamot na kinuyom ko ang aking kamao. I don't care kung makita niya ito. Oo nagseselos ako. Why are they doing this? Kung nagiging cold na talaga siya sa akin, then why dont he tell it to my face? Kailangan pa ba talaga niyang ipamukha sa akin na wala lang? Na mas gusto pa niyang kausapin ang kaibigan ko. Ang sama sama niya.

"Dito na lang ako. " I know I sounded so rude para makisingit sa paguusap nila. Hindi pa kasi ako nakakarating sa mismong apartment ko. Napagdesisyonan ko kasing magstay muna dito sa ice cream parlor na lagi kong pinupuntahan. 

"What? " galit na tanong sa akin ni Zach. "Uuwi kana. Hindi na ito uwi ng isang matinong babae, Fern. "

"Just stop the car, Zach. " nagsukatan kami ng tingin pero pinaharurot niya ang kotse at mabilis na sinulyapan ako. I glared at him. Wala na rin akong pakialam kung makita ni Nikki ang pagaaway namin.

"What heck, Zach? I'm going to jump out of this damn car kapag hindi mo 'to tinigil! " 

"Do it. "

"What? " sigaw ko nang hamunin niya ako. Hindi nagbago ang galit na mata niya. Tinaasan niya ako ng kilay when my lips parted away.   A lump formed in my throat. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko iyon sa kanya. Hindi ko na nga kaya iyong malalamig niyang trato sa akin tapos ay maririnig ko pa iyon galing sa kanya?

"Who the hell are you? Hindi na kita kilala. " naiiyak na sambit ko sa kanya.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bumagal ang takbo ng kotse. I saw Nikki gasped when she saw my tears. I started crying. I felt so helpless. Bakit niya ito ginagawa sa akin? 

"Bakit mo ito ginagawa sa akin, Zach? Why are you so cold? Ano na naman bang nagawa ko ha? " 

".."

"Ni hindi mo ako mareplyan! Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na ayaw mo na? Bakit hindi mo pa sabihin?! Ano bang nangyayari sa'yo, Zach? " 

He still remained silent. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. 

"Please. Itigil mo ang sasakyan, Zach. " pakiusap ko sa kanya. 

"You're going home. "

Kinagat ko ang aking labing nanginginig. "Kapag hindi mo tinigil ang kotseng ito.. " I swallowed hard, not even sure about what I'm going to say but I don't think I still can endure this anymore. "Maghiwalay na lang tayo. " alam kong parehas silang nabigla sa sinabi ko. Hindi ko na kasi alam. I don't know anymore. Kinakain na ako ng galit sa ginagawa niya. 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon