SPG-
Nakatitig lamang ako kay Zach habang sinasalin niya ang isang bote ng wine sa dalawang kopita. Kulang na lamang ay bumaon ang kuko ko sa metal na upuan na kinauupuan ko habang titig na titig ang mga mata ko sa mukha niyang hindi man' lang dinadapuan ng ekspresyon.
"I have to drink wine to stop myself.. " Kinagat niya ang kanyang labi. Binaba niya ang bote ng wine at pinaikot niya ang kanyang hintuturo sa labi ng kopita. "To stop myself from doing something I will regret. Kailangan ko rin ito para lumakas ang loob ko dahil natatakot ako na sa isang iglap ay lumayo ka sa akin. Hindi kita pipilitin na inumin ito. Just leave it there if you're not going to drink it. " Paliwanag niya. Inilapit niya sa akin ang wine na para sa akin.
Tumango ako at kinuha ko ang kopita at tinapat sa ilong ko. Amoy grapes ito. Dahan dahan ko itong tinikman.
"Iinumin ko ito. " Sabi ko sa kanya.
Tumingin lamang siya sa akin at mabilis na ini-straight iyong wine niya. Napaawang ang labi ko. Nagsalin ulit siya hanggang sa hindi ko na mabilang. Nakatingin lamang ako sa kanya habang paulit ulit niya itong gawin. Napatingin ako sa wine ko. Nakakaisa pa lamang ako at hindi pa ito nangangalahati.
"Zachary.. " Tawag ko sa kanya nang mapansin ko ang pangangalahati ng wine na nasa bote. "Tama na. Mag-uusap pa tayo. "
Nakayuko na ang ulo niya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tumikhim ako pero hindi pa rin siya natitinag. Tinaas ko ang hintuturo ko at tinapat sa ulo niya. Gamit ang hintuturo ko ay tinaas ko ang ulo niya.
"Mahal na mahal kita.. " Nagulat ako nang makita ang malungkot niyang mga mata. Diretso ang tingin niya sa akin dahilan para tuluyang luminaw sa akin kung gaano siya kalungkot. Sobrang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga dahil sobrang sakit. "Fern, mahal na mahal kita kaya ako nagseselos ng ganito. Hindi mo ba napapansin? " He faked a laugh. Zachary, ano bang nangyayari sa'yo?
"Wala ka namang dapat... ikaselos. "Nag-iwas siya ng tingin at narinig ko pa ang pagak niyang pagtawa. Akmang aalisin ko ang kamay kong nasa ere nang hulihin niya ito at ikulong sa loob ng palad niya. Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Pero bakit ganoon? Nagseselos pa rin ako. " Aniya. Umismid siya. "Noong umalis ako papuntang ibang bansa at mag-aral doon ay magkalaban na kami pero hindi ko aakalain na pati ikaw paglalabanan namin. " Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Pero sabagay, akin kana. Hindi ka niya basta basta makukuha sa akin. Hindi ko 'yon hahayaang mangyari. "
"Zach naman. Huwag niyo naman akong gawing trophy. Walang gusto sa akin si Harrison. Nagkataon lang talaga na nagkita kami kanina. " Inalis ko ang kamay kong nasa palad niya at ako na mismo ang humawak sa kamay niyang nakatikom. "Wala gusto sa akin si Harrison, Zach. Ano bang pinagsasabi mo diyan? "
Nagsalin siya muli nang wine sa kopita niya at wala na akong nagawa kundi ang titigan siya habang ginagawa 'yon. Napapikit ako nang padabog niyang ibaba ang bote ng wine sa lamesa pero agad din akong nagmulat. Bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha niya.
"Tell me.. " Napatingin ako sa labi niya na sobrang lapit sa labi ko. Sa mata niyang sobrang lapit sa mata ko at sa ilong niya halos nakadikit na sa ilong ko. "Tell me that you won't go near him again and I'll stop from getting jealous. "
"Imposible ang sinasabi mo. Nasa iisang university lang kami, tayo. Nasa sa iyo na Zach kung magseselos ka dahil wala ka namang dapat pagselosan. " Kumuha ako ng ilang malalalim na hangin bago muling magpatuloy. "Hindi ako sumama sayo para lang sa bagay na 'yan. Sumama ako dahil gusto kong malaman kung bakit kayo- "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...