"Ano yan? " Narinig kong tanong ni Harrison mula sa aking likod.
"Wala. " tumingin ako sa kanya at agad na tinago sa aking palad ang maliit na papel na galing kay Zach. Mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako mapalagay. Gusto ko na siyang makausap dahil naguguilty na ako noong nakita ko ang lungkot sa mata niya kanina nang magwalk out siya. Alam ko namang gusto niya lang makipag-usap but I got really scared. Baka kasi may makahalata sa kilos naming dalawa.
Nagkibit balikat lamang si Harrison. "Ano bang kailangan nila sayo? "
"M-may utang kasi ako sa boss nila. " ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Sige na. Salamat ha? Una na ako. "
"Wait! " hinawakan niya ang braso ko. "Fern, right? "
Tumango ako sa kanya.
Ngumiti siya sakin. Umabot ito hanggang sa kanyang mga matang singkit.
"Take care. "
Tumango na lamang ako at pumasok na agad sa loob ng kotse. Hindi ko na ata halos mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga dahil sa nararamdaman kong kaba.
May sariling bahay si Zach. Regalo ito sa kanya ng kanyang lolo. Hindi ito katulad ng bahay ng mga magulang niya na halos mansyon na. Yung sa kanya simple lang. Kompleto sa gamit at may sarili pa siyang pool sa likod-bahay.
Dalawang beses pa lamang ako nakakapunta dito. Ang una ay noong nagkaroon ng party dito. Pangalawa, birthday ni Zach na kaming dalawa lamang ang nagcelebrate at pangatlo ay ngayon.
"Where is she? "
Kinalabutan ako nang marinig ko ang boses niya. Ang boses na iyon ang laging niyang gamit sa tuwing siya ay nagagalit. Awtomatikong tumaas ang mga balahibo ko sa braso habang tinatahak ang daan patungo sa pintuan ng bahay niya. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag at agad na pinihit ang seradura ng pintuan nang makarating ako sa tapat nito. Para akong bibitayin dahil sa itsura ko.
Bumungad sa akin ang isang magulong bahay ni Zach. Hindi ako makapaniwala. Ayaw niya na magugulo ang isa sa mga gamit niya pero ngayon halos lahat ay nawala sa kanilang orihinal na pwesto.
"Lock the door. "
Napasinghap ako nang marinig ko ang boses niya sa aking likuran. Ginawa ko ang sinabi niya bago ko siya hinarap. Nakacross ang mga bisig niya sa kanyang dibdib. Nakataas ang kanyang kilay habang isang matalim na titig ang pinukol niya sa akin. Siya lamang ang nakakapagpahina ng aking tuhod.
"Zach, alam kong mali yung ginawa ko kanina. Pero nagawa ko lang yun dahil ayaw kong may maghihinala sa ating dalawa. " Paliwanag ko. "Kung gusto mong makipagusap ngayon ay ayusin na natin ang gusto mong pag-usapan. " Nag-iwas ako ng tingin pagkatapos.
I heard him sigh. Akala ko ay hindi siya magsasalita pero nabigla ako nang hawakan niya ang baba ko at ipagtama niya ang mga mata namin. "I dont know how much longer I can do this, Fern. I need you to look at me. " Sinunod ko ang sinabi niya kahit natatakot ako sa susunod na mangyayari. "I don't care anymore, Fern. I don't care about what other people will going to say about this, about us. I don't want to do this anymore. Fuck those people who's going judge us. Fuck them all. "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...