"Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin ha? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin ha? " pabagsak niyang binitiwan ang isang teddy bear mula sa kanyang tabi. He looked really mad and pissed off. Umawang ang labi ko. He bought me a cute little teddy bear from pizza hut? "Don't you even trust me? "
Nakasunod lamang ang mata ko sa kanya nang mauna siyang bumaba mula sa kotse. Nakaawang ang aking labi habang inaabot ang maliit na teddy bear mula sa kanyang inupuan. Naguilty ako nang muling maalala ang kanyang mukha. Ano ba na namang nagawa ko? Nag-sorry na siya, Fern. Bakit ba binabalik mo na naman? Nage-effort na nga yung tao di'ba?
"Zach! " I run after him and grabbed his hand. "Zach. Wait. "
"What? " gamit ang malamig niyang boses ay hinarap niya ako.
"I trust you. I did. " huminga ako ng malalim. "Pero aaminin ko, lumalayo ang tiwala ko sayo dahil sa mga bagay na hindi mo maipaliwanag sa akin. "
Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya. Bumuntong hininga siya. Saglit siyang nag-isip. Nakatitig lamang ako sa kanya habang pinaglalaruan ng daliri ko ang ilong ng teddy bear na binigay niya sa akin. Nabigla ako when he cupped my cheeks and looked at me intently. "Do you want me to tell everything? " Tumango ako bilang sagot. "I'll tell you everything but can you promise me one thing? "
"Promise you what? "
"Promise me that you won't run away from me. " Nakagat ko ang aking labi. "Ginagawa ko ito para kahit papaano hindi tuluyang mawala ang tiwala mo sa akin dahil this relationship won't work if you can't trust me. "
"You know, I can't " mahinang bulong ko sa kanya. Rumehistro ang takot sa kanyang mata. I was breathing heavily when he let go of my face. "Pero makikinig ako. Hindi ko kasi kayang maipangako ang gusto mo, Zach. Pero susubukan ko. "
He nodded. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay niya. "Let's go inside. "
"Makikinig ako. " determinado kong sabi sa kanya nang makarating kami sa sala. Hindi siya nagsalita. May kinuha siya sa ref sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na may lamang dalawang baso. Binigay niya sa akin ang iced tea at sa kanya naman ay wine. Napansin ko lang na paborito niya ang wine na 'yon na ininom namin last time.
We need this. Hindi naman pwedeng lagi na lang ganito kami. He'll feed me with his freaking lies? Ayoko. I don't want to hear any comforting words from him dahil alam kong puno ito ng kasinungalingan.
Tatanggapin ko naman lahat kahit masakit. And one thing is for sure, he needs to tell me. He needs to because if not, I think we have to consider letting go of each other.
Naupo kami parehas sa couch. Magkatapat kami. Tumikhim siya habang nakayuko ang ulo niya. Nakatitig ang mga mata niya sa wine na hawak hawak niya. Hindi ko naman pwedeng pilitin siya na tignan niya ako dahil alam kong mahirap 'yon sa kanya. "I cheated on you, Fern. "
"B-bakit? " I started to feel the tension between us.
"Because Im getting tired of you and I missed you so much that it was really hard to handle. "
Umawang ang labi ko. Ang sakit marinig sa kanyang mga bagay na ito. Parang tinataga ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Parang sirang plaka na paulit ulit ang sinabi niya sa aking isip.
Tinitigan ko siya. "Because I thought Im falling out of love, Fern. Because I thought everything was starting to...disappear. " Tumango ako. I was really trying to understand everything but it was so hard. "Tumira ako ng ilang taon sa ibang bansa, Fern. Im not even fond of long distance relationships. Hindi ko matandaan na ginusto kong magkaroon ng ganoong relasyon. "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...