'Wag na. Can handle this. '
Tulala akong naglakad papunta sa school. Wala na ako pakialam kung mapudpod ang sapatos ko dahil halos kaladkarin ko na ito sa paglalakad. Hindi nagpafunction ang utak ko. All I can think about was him. Siya lang ang bumabalot sa aking utak.I sighed. "Is he okay? " tanong ko sa aking sarili. Paano kung malala ang sakit niya? Paano kung malaglag siya sa hagdanan ng bahay niya at mawalan ng malay?! Sinong magbubuhat sa kanya papunta sa hospital?! Impossibleng kaya niya ang kanyang sarili!
Napatigil ako sa paglalakad nang may naisip akong ideya. "Should I go? Puntahan ko kaya siya? " napasabunot ako sa aking sarili. Hindi, he can handle nga daw di'ba, Fern?!
*Beep beep*
Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa aking likod. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Tito Seth. Sinulyapan ko ang babaeng nasa tabi niya.
"Nikki? " lumapit pa ako para makita siya ng ayos. Bakit siya nakasalamin?
"Ihahatid ko na kayo. " nakangiting wika sa akin ni Tito Seth. Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling napatango sa sinabi niya.
"So gusto mo rin magtrabaho sa bahay? " tanong sa akin ni Tito nang makaupo ako sa likuran. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Opo, tito. Mukhang wala naman akong masyadong babantayan kay Nikki e. " natatawang nilingon niya ako.
"Ganun ba? Mabait ba itong si Nikki? Hindi ko iyon alam ah. " tumawa ito ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi nito nang muling I-focus ang tingin sa daan. "Sana hindi niya gayanin ang kanyang kapatid. "
"Dad! "
Nangunot ang aking noo. "Si Ate aubrey po? Umuwi na po siya? "
"Yes. Gusto mo bang pumunta... "
"Daddy. We're getting late. " putol ni Nikki sa kanyang Daddy. Tinignan ko siya at ngumiti lamang siya sa akin. "Sorry about that, Fern. Ang kulit kasi ni Dad, e. "
"Okay lang. "
Nakarating kami sa school at agad kaming bumaba sa kotse ni Tito Seth. Nagpasalamat ako kay Tito. Hinila ako ni Nikki papaalis doon. Naweweirduhan nga ako sa kanya kung bakit ganito ang kilos niya. Parang may humahabol sa kanya.
Tumigil kami sa locker room. Binitawan niya ako at agad akong hinarap.
"F-fern.. " gusto ko sanang silipin ang mata niya pero natatakluban ito ng salamin. "Im sorry. Patawarin mo ako. "
"Ha? Patawarin saan? " nalilitong tanong ko. "May sore eyes ka ba? Bakit ka nakasalamin? "
"Im sorry kung nagsinungaling ako sayo. " garalgal na sabi niya. Hinigit niya ako at biglang yinakap. Umiiyak ba siya? "Si Ate A-aubrey. Bumalik na siya. "
"Talaga? " natutuwang tanong ko sa kanya. Ang bilis naman! Ang rinig ko kasi maganda na ang trabaho ni Ate Aubrey sa ibang bansa. Ayaw niya kasing kuhanin ang business ng daddy nila kaya pumunta ito sa ibang bansa. "Eh bakit hindi ka masaya? May pasalamin salamin ka pang nalalaman ha! " marahan kong tinampal ang kanyang braso.
"Fern.. Puntahan mo si Zach. "
Nagusumot ang mukha ko. "Ayaw niya. Mukhang galit siya sa akin. "
"H-ha? Bakit naman? "
"Nikki, niyaya niya kasi akong magpakasal. Please, sana hindi mo itong ipagsabi. Mukha kasi siyang nagloloko lang e. " Mukhang pati siya ay nabigla. "Pero wag kang mag-alala, sinipa ko siya sa paa kasi muntik na akong atakihin sa puso! Alam mo ba iyong pakiramdam na halos himatayin ka? Ganoon nga! "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...