18. Monday..

53.9K 793 41
                                    

First day of fest -Day 1-

"Zach! " 

Laking pasalamat ko nang lumingon siya sa akin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya dahil alam kong sobrang pawis ng mukha ko. Buong araw kasi akong nakababad sa arawan sa isang dahilan.

Ginawa akong mascot ng store namin para daw mas mataas ang benta. Naniniwala kasi yung pinakaleader namin na kapag na-e-entertain yung mga customer ay malaki ang chance na bumalik sila sa amin dahil maganda ang service namin. Bakit hindi na lang nila pinapunta dito si Jollibee at MCdo kung ganun naman pala? 

"Bakit ganyan ang suot mo? " nag-aalalang tanong ni Zach nang makalapit na ako sa kanya. Pinahidan ko ang ilang butil ng pawis sa aking mukha.

"Mascot. " tipid kong sagot sa kanya at binigyan siya ng kaunting ngiti. "Mukhang busy ka ah. " puna ko.

Marahan siyang tumango. Tinitigan niya ako at may bigla siyang kinuha sa kanyang bulsa. Nilabas niya ang isang panyo at agad na pinunasan ang mukha ko. Nahigit ko ang aking hininga nang bumaba ang panyo sa leeg ko. I blushed.

"Hindi ka dapat nagpapapawis, Fern. Magkasakit ka kapag natuyo ang pawis sa iyong katawan. " Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang panyo niya. Napangiti ako sa kilig na nararamdaman ko. Mabilis kong tinago ang panyo niya.

"Okay lang naman ako dahil nag-e-enjoy din ako. " ngumiti ako. Ano pa bang magagawa ko? Ayawan ko ang offer ng mga kagroupmates ko? Hindi pwede. Isa ito sa mga project ng prof namin para tuluyang makawala na kami dito sa Hellingstar University. I sighed. Last year ko na ito sa college pero mas pahirap ng pahirap. Pati ba naman pagmamascot kailangan kong pasukin para makagraduate? 

"Im kinda busy. " aniya na may halong pagod sa boses. "Dumaan talaga ako dito para makita ka. Gusto kitang yayain na kumain sa labas? "

"Akala ko busy ka? Wag na. Baka mas lalong ka pang mapagod. "

"Mapapagod lamang ako kapag pinagod mo ako, Fern. " kumindat siya sa akin. Hinampas ko ang braso niya.

"Tumigil ka. "

"Alam mo, Fern... " lumapit siya sa akin at marahang inalis ang ilang buhok na sumasagabal sa mukha ko. It was just a simple gesture but it really makes my heart flutter and melt. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "Ikaw yung babaeng isang tali mo pa lang buhok, kahit gulo gulo, kahit pawisan, kahit hindi magpulbo, kahit tumubo pa ang ilang libong tigyawat sa mukha mo at kahit lumaki pa yang ilong. Ikaw pa rin ang babaeng kayang magparamdam sa akin ng ganito. I'll be crazy because of you. "

"Talaga? "

Pinitik niya ang noo ko. "Syempre joke lang. " 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sama mo talaga! " akmang hahampasin ko ang dibdib niya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi totoo ang lahat ng sinabi ko. Kakabati lang natin at ayokong magalit ka utli sa akin. Mababaliw ako sa posibilidad na mawawala ka sakin. "

"Anong nakain mo at puro ka-sweet-an ang lumalabas sa bibig mo? " putol ko sa kanya. Inirapan ko siya kahit halos maihi, matae at mukhang magkaka-diarrhea pa ako sa kilig.

"Ikaw.. " ngumisi siya. Nagusumot ang aking mukha.

"Ewan ko sa'yo! " Hinawakan ko na ang ulo ng mascot ko para sana bumalik na sa store namin. "Napaka-moody mo. Paminsan tatarayan mo ako, magagalit ka tapos magiging mabait. Minsan naman sweet. "

Pinitik niya ulit ang noo ko. "Naaayon sa panahon ang ugali ko. " Aniya. "Kapag mainit, mahilig akong magsungit, Kapag malamig sweet at kapag.." nilagay niya ang kanyang hintuturo sa baba na parang may malalim na iniisip. "Ah! At araw araw akong nagseselos. Kaya kung ako sayo.. " ginulo niya ang buhok ko at tumalikod sa akin. "I won't make my boyfriend jealous. " 

Nagsimula siyang maglakad papalayo sa akin samantalang nanatili akong nakatayo doon na may ngiti sa aking labi. Loving him is like trying to touch a star, I know I can never reach him, but I can't help but try.

              "Dito sa store namin kayo'y liligaya, walang hindi sasaya, basta ako'y kasama...Uhh. Basta ako'y kasama may kasama kayo! "

"Fern naman! " Napapikit ako nang marinig ang umaalingawngaw na boses ni Cyrus. Ang bakla naming leader. Pakaliwa't kanan ang hampas ng balakang niya. Malambot pa ata ito sa clay eh. "Anong klaseng entertainment yun? Mas lalo mong tinataboy ang swerte! "

"Pero.. "

"Pero ano?! " Namilog ang mata ko nang makita kung gaano kalaki ang bunganga niya. Grabe! Muntik na niya akong masakmal at makain. Para siyang piranha. Kailangan eight to ten feet ang layo ko sa kanya.

"Sige. Iibahin ko. " sabi ko na lang.

"Ayusin mo. " aniya habang tiim ang kanyang labi.

"Ehem. Game na talaga. " napatingin ako sa kanya at napaiwas ako ng tingin nang pagtaasan niya ako ng kilay. Grabe naman itong si Cyrus! "B-bahay kubo, nakatira'y kabayo, umotot ng todo tumalsik ang kubo..Bahay kubo.. " sumayaw sayaw pa ako habang kinakanta ko ito.

"Okay! Yeah, Breakdown! Bahay kubo, nakatira'y kabayo, umotot ng todo.. "

I was surprised when I looked around. Everybody was holding their phone habang tumatawa. Namula ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Narinig ko lang ang kantang ito sa radyo at dahil wala akong choice, ito na lang ang ginamit ko.

"Nice job, Fern! " tinapik ako ni Cyrus sa balikat. "Halos mapuno na ang store natin. Ipagpatuloy mo lang. " aniya bago ako talikuran. 

Napapikit ako sa hiya at akmang tatalikod na nang may narinig akong sumigaw.

"GIRLFRIEND KO YAN! "

Zach naman, eh. *Face palm*

   

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon