"Ba-ba-bakit mo ako hinalikan? " garalgal na anas ko sa kanya matapos lumubog sa aking isipan ang kanyang ginawa. "Hindi...Hindi mo sinasadya, di'ba? "
Ngunit hindi man lang nagbago ang diretsong pagkakabagsak ng kanyang mukha. Halos madurog ako sa mga titig niya. Bakit niya ako hinalikan gayong alam niyang may boyfriend ako? Nangunot ang noo ko at nakalimutan ko na atang huminga dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. Naghuhumerantado ito sa ginawa niya.
"Hindi kita hahalikan kung walang dahilan. " Mahinahong paliwanag niya. "I just can't help myself from touching those lips. "
Napailing ako. Pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang huli niyang sinabi. "Dahilan? " halos pabulong na tanong ko sa kanya. "Anong dahilan, Harrison? "
Natahimik siya. Kinagat ko ang aking pangibabang labi at agad na napailing. This is just a joke, Fern. Nothing serious. Paano na lamang kung malaman ito ni Zach? Gulo ito..
Parang baliw na sinabunutan ko ang aking sariling buhok. Why am I even making conclusions again?
Nagtitigan lamang kaming dalawa hanggang sa hindi ko na kinaya ang mga tingin niya.
Natutop ko na lang ang aking bibig at agad na nilikom ang pinagkainan niya. Akmang hahawakan ko ang aking labi nang kuhanin niya ang kamay ko. Nagitla ako sa ginawa niya. Dinuro niya ang aking labi na ipinagtataka ko. He sighed and murmured..
"About the kiss.. " saglit siyang huminto. "I..I can't help it. Your lips are so inviting. " he said before letting my hand go. I heard him sighed as he went closer to me. "Natatakot ka na ba sa akin? "
I shook my head without any hesitation. "You just said it was only a kiss. " I lied. Dahil kahit sino namang babae bibigyan iyon ng meaning. Hindi ko na alam. I don't know anymore.
"Well.. " he bit his lower lip that made him instantly hotter. Anong hotter ang pinagsasabi mo, Fern? Nababaliw kana rin ba? O baka naman nahawaan kana ng sakit ni Harrison? "That's good to hear. Wag kang magalala, I'll be a man, Fern. I will take- "
"Tungkol sa sinabi mo kanina, hindi mo naman kailangan panagutan ito. Hindi naman ako nabuntis eh. " pilit akong natawa kahit naasiwa ako sa salitang aking ginamit. "Makakalimutan ko din ito. Ikaw din. "
Binigyan niya ako ng makahulugang tingin pero hindi ko iyon pinansin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na kinuha ang aking gamit.
"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita. "
"May iniwan akong gamot. Inumin mo mamaya. " hinarap ko siya bago ko hawakan ang seradura ng pintuan. "Wag mo na akong ihatid. Kaya ko naman ang sarili ko e. " isang pekeng ngiti ang aking binigay sa kanya bago tuluyang lisanin ang kanyang kwarto.
Sinandal ko ang aking likod sa pinto. Naghuhumerentado ang aking puso dahil sa nangyari. Anong pa bang ginagawa ko dito? I have to leave this place as soon as possible. Hindi na tama ang tibok ng aking puso. Hindi ako makahinga ng sobra sobra.
Tinahak ko ang daan papalabas ng bahay ni Harrison. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pa narating ang pinakalabasan nito.
4 pm na at malapit ng lumubog ang araw. Napagisipan kong maglakadlakad dahil masasayang lang ang pera ko kung magsasakay pa ako hanggang sakayan.
Habang naglalakad ako nadaanan ko ang isang basketball court, kung saan may mga taong naglalaro doon. Kakaunti lamang ang taong nanonood dahil mukhang training lang iyon.
Alam niyo ba kung sino ang naglalaro doon? Mga kaibigan ni Zach. He was there too. Nakaupo siya habang nanood ng matiimtim sa mga kaibigan niya. Mas lalo pa akong lumapit hanggang sa masigurado kong siya nga. Nang masigurado kong si Zach nga ito, ay nabuhayan ako bigla. Pakiramdam ko ay ilang taon kaming hindi nagkita. Sobrang OA ko na siguro pero ganoon ata talaga kalakas ang epekto niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...