Nanatiling tahimik ako pagkatapos marinig ang sinabi niya. Ano bang dapat kong sabihin? Anong dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang yakapin? Hindi ko rin alam eh. Maski sarili ko hindi alam ang gagawin.
Pero masaya dapat ako di'ba?
"Huli na ba ako? " He said, breaking the silence. "I see. " He swallowed hard. "Do you really love him? "
Muling nagflashback sa utak ko ang nangyari kanina sa amin ni Harrison. The kiss, his presence, his touch, and everything he did. The way he makes me feel special. Sapat na naman iyon di'ba para magustuhan ko siya? He was there sa tuwing kailangan ko ng masasandalan.
Samantalang wala siya. Nasaan ka ba nun Zach? Wala ka naman di'ba? Ni hindi kita nakitang lumapit sa akin sa tuwing hinahanap kita. Kasama mo si Aubrey at higit sa lahat pinagtabuyan mo ako at sinaktan. That was enough.
"Does it matter? Wala na namang magbabago Zach, eh. Magpapakasal kana sa kanya. "
Namutla ang kanyang mukha at hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa akin. He clenched his jaw at unti unting nabalot ng galit ang kanyang mukha. From being soft, halos hindi ko na siya makilala sa galit na bumabalot sa kanya.
"Ang sakit mong magsalita. " Puno ng pait ang boses niya. "Wala sana ako dito kung wala akong pakialam sa'yo, Fern. Wala sana ako dito sa harap mo kung hindi kita ipinaglaban. Nagkamali ba akong ipaglaban ka sa pamilya ko? "
Madilim ang mukhang tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, Fern. Ni wala nga akong pakialam kung ipagtabuyan ako ni Dad pero ang sabihin mo sa akin ang mga bagay na iyon? Mas doble ang sakit sa mga sugat na nakuha ko. "
And the tears come streaming down his face. Nahigit ko ang aking hininga nang magsimula na siya maglakad palayo sa akin. Nanikip ang dibdib ko nang makitang halos nanghihina ang tuhod niya.
Ayoko siyang habulin. Ayoko siyang tawagin ulit pero ipinaglaban niya ako, eh. Sa mga sinabi niya, naniwala agad ako kasi nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo. Nararamdaman kong mahal pa rin niya ako. Nararamdaman ko na ipinaglaban niya ako dahil may halaga pa rin ako sa kanya.
At noong nakita ko siyang tumalikod sa akin ay pakiramdam ko ay huli na talaga ito. Na pagod na kami parehas kaya hindi na ulit siya babalik sa akin para sabihin ang mga bagay na ito. At ayokong mangyari 'yon kahit galit na galit ako sa kanya.
Grabe, mahal na mahal ko talaga siya. Wala iyong duda.
Tinakbo ko ang distansya na pumapagitan sa aming dalawa. At nang makalapit ako sa kanya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
Laking pasalamat ko nang tumigil siya ngunit hindi niya ako nilingon. Nakita kong nanginginig ang nakayukom niyang kamao.
"P-pwede ko bang marinig kung anong nangyari? " This time, nilingon niya ako. His eyes were red and completely wet. My heart sank as I stared at him, hopeless. "Gustong gusto kong marinig lahat. "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...