44. This time..

33.5K 662 57
                                    

"Zach, Hijo! " Napatingin ako sa babaeng lumapit kay Zach. Si Tita Ailee, ang mommy nina Nikki at Ate Aubrey. Kakauwi  lang nito galing california dahil doctor ito doon. Bakas ang pagod at takot sa mukha ni Tita Ailee. She used to be cheerful but right now, she was totally different.

"Nasaan po siya, Tita? Okay lang po ba yung bata? "

"They're fine, Hijo. Mabuti na lang ay dumating ka. Si Aubrey, kanina pa siyang nagwawala sa loob. She wants to see you. "

"Don't worry, tita. I'll talk to her. " Sinulyapan ako ni Zach. "And she's coming with me. "

Napatingin sa akin si Tita Ailee. "Fern.. " 

Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Tita Ailee nang makita ako. Who wouldn't be? Im the reason why her daughter is suffering but I still have the guts to come here and face her.

Napabuntong hininga ako. "Tita Ailee, okay lang kung- "

Tinaas ni Tita ang kamay niya para patigilin ako. "No, it's fine. Just don't hurt my daughter. " Ngumuti siya sa akin ng matipid. "Nikki told me everything. Im not going to say anything, I just want this to end. " Tumingin siya kay Zach. "Zach after this, can you just please stay away from my daughter? "

Napatingin ako kay Zach. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ni Tita Ailee. Kahit ako ay nagulat. 

"I will, Tita. " Ani Zach bago ako hilahin papasok sa kwarto ni Aubrey.

Sinalubong kaming dalawa ng kakaibang aura sa paligid. It seems like the room was empty and cold. Naririnig ko ang ilang hikbi ng isang babae. Nagtaasan ang balahibo ko nang dumako ang tingin ko kay Aubrey na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed. Nakasuot sya ng isang kulay puting dress.

"Aubrey. " bigkas ni Zach sa pangalan nito. Mabilis na lumingon siya sa amin. 

"Z-zach? " Bumangon siya mula sa pagkakahiga at lumapit kay Zach. She cupped his cheeks and stared at him like this was the first time she saw him. Her hair was a mess. Maski ang buong mukha niya ay parang hindi ko na makilala. Where is the elegant sophisticated woman? 

Dumako naman ang mata ko sa tiyan niya na medyo nahahalata na. I wonder where's the real father? Hindi niya ba alam ang tungkol sa baby nila? Or she really planned not to tell that guy and ruined our relationship?

"What did you do to yourself? Nababaliw kana ba? Paano kung may mangyari sa'yo at sa bata na masama? " 

Parang baliw na nangingiting umiling si Ate Aubrey. "Im glad you came. Hindi kana aalis ulit di'ba? Hindi mo na ako iiwan di'ba? "

Napapikit ako ng mariin. Konti na lang masasampal ko na siya..

"Aubrey naman. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Don't be too selfish! Isipin mo din naman ang kalagayan ng magiging baby mo. Bakit ba lagi mo na lang iniisip ang sarili mo? Nasaan na ang Aubrey na nakilala ko noon? " Narinig kong sabi ni Zach. "Come on, wake up, Aubrey. "

"I..I.. " Napatingin ako sa gulat na mukha ni Aubrey. "W-what are you saying? Im still the same, Zach. " A tear escaped her eye. "I just can't accept na hindi mo na talaga ako mahal. Na kahit anong gawin ko hindi mo na ako makita. Palagi na lang si Fern. Palagi ko na lang siyang naririnig sa'yo maski sa pagtulog mo. Nagseselos ako. Tao rin naman ako Zach, eh. Kaya you can't blame me when I say I'll be crazy if you suddenly walk out of my life. Bakit ba hindi mo 'yon maintindihan? "

Kinuyom ko ang aking mga kamay. Alam kong nangako ako kay Tita Ailee na hindi ko sasaktan si Ate Aubrey pero sa tingin ko kung hindi ako magiging matapang sa harap niya ay baka hindi siya agad magising sa katotohanan. Hindi ko na kakayanin na makinig na lamang sa kanilang dalawa. This is my chance to fight for him. Wala na akong pakialam kung may masaktan ako dahil mas masakit ang dinanas ko. Wala na rin akong pakialam kung magiging selfish ako dahil mas selfish anfg babaeng kaharap ko.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon