31. Beast..

46.6K 655 48
                                    

After what happened between me and Zach, I decided to call Harrison to meet me in Starbucks. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa saya kapag hindi ko ito nailabas at dahil malapit sa akin si Harrison, I think he needs to know.

"Caramel Frappuccino. " I ordered at akmang ibibigay ko na ang bayad nang pigilan niya ako.

"Make it two. " singit naman ni Harrison. "Maiinsulto ako kapag ikaw ang nagbayad, so let me. " ngumiti lamang siya sa akin at kinuha na ang inorder namin.

Naupo kaming dalawa sa table sa labas. Mas maganda kasi ang ambience doon tutal mahangin. Tahimik akong uminom habang hawak hawak niya ang kanyang phone at parang may kinakalikot doon.

"Why did you call me? " aniya habang itinatago ang kanyang phone matapos gamitin ito. 

Napaayos ako ng upo at ngumiti sa kanya. "Diba lahat naman ng tao kailangan nating pagbigyan ng pangalawang pagkakataon? "

He just shrugged. "Para sa akin depende. " napawi ang ngiti ko. "Depende kasi kung talaga masakit ang ginawa niya sa akin at hindi ko matanggap, iiwas na lang ako. Time heals all wounds. Sometimes, you don't have to give another chance. Just let everything go and move on. Kung nadala ka na talaga, eh. " 

Napalunok ako sa sinabi niya. Did I get it wrong? Hindi dahil pinagsisisihan kong binigyan ko ng pagkakataon si Zach pero bakit hindi ko naisip ang oras? Bakit hindi ko naisip na kaya namin itong ayusin sa pamamagitan ng mabagal na paraan?

"Bakit mo naitanong? Bumalik ka na ba sa kanya? Pinatawad mo na siya? " tanong niya sa akin. Napatingin ako sa inumin niyang hindi man lang niya ginalaw. I  dont know why am I being like this. Ano Fern?! Bakit parang umuurong ang dila mo?

"O-Oo. " anas ko at sinalubong ang kanyang mata.

"Kung iyan ang gusto mo wala akong magagawa. Still you can lean on me. " He held my hand and smiled at me. 

Hindi ko alam kung bakit parang nakuryente ako sa sinabi niya at sa kamay niya. Why is he acting like this? Teka nga Fern. Why is your heart acting like this?!

"H-harrison. " hinila ko ang aking kamay mula sa kanya at huminga ng malalim. Nakalimutan ko na atang huminga. Nakalimutan ko nga ba talaga? O makapigil hininga talaga ang mga matang nakatitig sa akin? Harrison's eyes were so deep.

Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. It was Zach. Saglit kong sinulyapan si Harrison na nakatingin lamang sa akin. Parang bigla akong nagalinlangan na sagutin ito dahil sa kakaibang titig niya.

"Do you want me to answer it? " aniya.

"Hindi! Wag na. Ako na. " mabilis kong sagot sa kanya at sinagot ang tawag ni Zach.

"Z-zach? " mas lalong lumalim ang titig sa akin ni Harrison. Mabuti na lamang at nakaupo ako dahil nanghihina ang tuhod ko sa ginagawa niya.

"Where are you? " 

"Ako? S-sa starbucks? " 

"Bakit mukhang hindi ka pa sigurado? " Narinig ko ang ilang ingay sa kabilang linya. "Susunduin kita. "

"Ha?! Bakit? " 

"Why are you shouting, Fern? May problema ba? " 

"W-wala naman. " huminga ako ng malalim at nagiwas ng tingin kay Harrison. I heard him giggle a little. "Sige. Hihintayin kita dito. "

He ended the call. Inayos ko ang aking gamit ng hindi nagtatama ang paningin naming dalawa ni Harrison. Narinig ko ang pagtikhim niya habang tumatayo kasabay ko.

"Susunduin ako ni Zach. Mauuna ka na ba? " pinilit kong hindi tumingin sa kanya. Nagkalkal ako sa bag ko kahit wala naman akong kinukuha dito para lamang makagawa ng excuse.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon