5. Guidance..

61.8K 958 55
                                    

Pagkatapos ng First subject dumiretso muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Piling ko nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa mga natatanggap kong text galing kay Zach pagkatapos niyang makita iyong ginawa ni Harrison na pagkindat sa akin. Bakit ba naman kasi ang landi nitong si Harrison? Pwede namang kumaway na lang siya, di'ba?

From: Zach 

-Where are you?

-Bakit siya kumindat sayo?

-I hate it when you're making me feel jealous.

    Tatlo lamang yan sa mga text niya simula ng magstart ang klase ko. Ngayong second subject kaklase ko siya at sa last subject ko. 

Pagkatapos kong bumili ng tubig ay dumiretso na ako sa pangalawa kong klase at bumungad sakin si Zach na nakatayo sa may pintuan. Hindi ako makapasok dahil halos sakupin na niya ang pinto. Nakita ko ang pagtigil ng mga tao sa room sa kani-kanilang ginagawa at pagbaling ng pansin sa aming dalawa.

"Fern.. " 

Tumingin ako sa mga mata niya na nangungusap na kausapin ko siya. 

"Mag-usap tayo. " May determinasyon sa boses niya na nagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan. Mabuti na lamang ay mahina lamang ang bawat pagsasalita niya dahilan para hindi malaman ng mga tao sa room ang pinaguusapan namin.

"Mamaya na tayo magusap, pwede? " Mahinang bulong ko sa kanya. "Zach, umalis ka muna sa pintuan." pero hindi siya umalis. Nakita ko ang lungkot sa mata niya nang marinig ang aking sinabi.

"Okay. Im sorry. " nagwalk out siya at naglakad palayo sa akin. Mukhang hindi siya aattend ng klase dahil sa nangyari. Napabuntong hininga ako. Ayoko lang naman na magkaroon ng issue tungkol sa aming dalawa. Mas hihirap ang sitwasyon namin. Oo sinusubukan kong maging matapang pero hindi kailan man' naging sapat ito.

"Ano na namang bang ginawa mong cheap na babae ka?! " hindi na ako nabigla nang may humigit sa aking braso. Bumabaon na naman ang mahahaba niyang kuko sa aking balat. 

"Sa tingin ko nagpapansin siya kay Zach. "

"She confessed na to him?! " sigaw nung isang conyo sa grupo ni Pearl. Mukhang bago siya ah.

Naningkit ang mata ni Pearl at namula ang kanyang pisngi. "You what?! Ang kapal naman pala ng mukha mo! Hindi nagkakagusto si Zach sa isang nakakadiring babae na katulad mo! " 

Isang malulutong na tawa ang natanggap ko sa mga tao. Mabilis kong hinigit ang aking braso at tumingin kay Pearl. Nanggagalaiti na akong sabunutan ang babaeng 'o. 

"At mas lalong hindi magugustuhan ni Zach ang isang tulad mo. " Tinuro ko si Pearl. "Mabaho ang ugali. " Tumingin naman ako dun sa conyo. "Mas lalong hindi niya magugustuhan ang isang babaeng alien. "

Dahil sa inis ko ay naglakad akong palayo ngunit alam kong hindi pa ito tapos. May humigit ng aking buhok at may humawak sa aking mga kamay. Nakita ko ang galit sa mukha nilang lahat dahil sa sinabi ko. Masakit ang sabunot nila. Sino bang masasarapan sa sitwasyon ko? Atsaka hindi ko sila kaya. Nag-iisa lamang ako samantalang lima silang lahat. 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon