"Lolo Rene. "
Tinitigan ko lamang si Zach habang kinakausap niya ang semento. Oo alam kong puntod iyon ng lolo niya pero hindi pa rin ako makapaniwala na gawain rin pala ni Zach ang ganito. Ang lalaking kasama ko ay ang pangalawang Zach-- kakaibang Zach. Napangiti ko nang akbayan niya ako.
"Katulong ko nga po pala. " Pinukulan ko siya ng masamang tingin sabay hampas sa braso niya. "Aray, joke lang! "
"Kailan ka ba titigil sa pang-aasar sa akin? Tsk. "
"I will stop now. " kumindat siya sakin. "Lo, asawa ko."
Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa aking pwesto. Naginit ang magkabilang pisngi ko ng marinig ang sinabe niya. Shet ka Evangelista. Paano mo ito nagagawa sa akin?
"Teka lang Lo, lumalaki ang ulo. Hahaha!" nagusumot ang mukha ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at yinakap ako ng mahigpit. "But seriously, I'll marry her, Lolo Rene. " Narinig kong sabi niya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Sasapukin kita kapag may kasunod yang pambara! " banta ko sa kanya.
"I promise. " Hinaplos niya ang buhok ko at binitiwan ako. "Dumidilim na. Punta tayo sa kubo. "
"May kubo dito? Nasaan? " Iniikot ko ang mata ko sa buong paligid..
Hinila niya ang kamay ko papalabas ng sementeryo. We went back to his car at mabilis siyang nagdrive papunta sa isang lugar na nagtataasan ang puno. May kaunting bahay kaming nadadaanan pero ngayon wala na. Tanging mga puno at halaman na lamang.
"Nandito na tayo. "
Tumaas ang kilay ko nang wala akong nakitang kubo. Muli kong nilibot ang aking mata pero walang bakas o anino ng isang kubo.
"Nasaan yung kubo? " I glared at him. "Umayos ka, Evangelista!! "
Natawa lamang siya at marahang pinisil ang aking pisngi.
Naglakad siya patungo sa isang kumpulan ng damo at agad itong hinawi gamit ang kanyang braso. Napasinghap ako nang bumungad sa aking mata ang isang kubo at sa tabi nito ay ilog na may malinis na tubig.
"Nagustuhan mo ba? "
"Sayo ang lugar na ito? "
"I bought this place. " kinuha niya ang kamay ko at dinala papasok sa loob ng kubo. Na-amuse ako sa kakaibang ambience ng lugar. It was different. Malayo sa polusyon at ibang iba sa lugar namin. Bukod doon hindi mo aakalain na sa loob ng kubo ay may magandang gamit.
"Hindi ba ninanakaw ang mga ito dito? Mukhang mamahalin pa naman. " komento ko sa kanya na may halong panghihinayang.
"May nagbabantay dito. " may nilabas siya mula sa isang cabinet. Umawang ang labi ko nang makita ang isang kompletong kasuotan ng pang-babae. May underwear at bra. "Masarap maligo ngayon sa ilog. Hindi gaanong mainit. "
"Saan galing ang mga ito? "
"Binili. " aniya. "Magluluto lamang ako. "
Napalunok ako nang talikuran niya ako. Tinitigan ko ang hawak hawak kong damit na halatang bago pa. He bought this? Awtomatikong uminit ang pisngi ko at pailing-iling na tinungo ang isang maliit na kwarto.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako mula sa kwarto suot ang isang shorts na hindi naman masyadong maikli at sando na kulay puti. Hindi ako komportable sa ganitong kasuotan. I usually wear jeans and t-shirt. Dresses and short short aren't my thing.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...