"Finally.. " He whispered.
Inalis niya ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha at mas lalong lumapat ang katawan niya sa akin. Hindi ako komportable sa pwestong ito pero nang ilagay niya sa likod ko ang palad niya ay parang gusto ko na lang manatili sa pwesto naming dalawa. Madilim at nababalot ng kakaibang init ang paligid namin. Itinaas ko ang aking kamay para sana hawakan ang mukha niya nang mapagtanto ko ang gagawin ko. Hindi na katulad ng dati kaming dalawa. Maraming taon na ang nagdaan..
Ibaba ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya ito at pigilan.
"Don't hold back and just touch me. " Bulong niya. Inilagay niya sa kanyang pisngi ang kamay ko. He kissed it and played with my fingers. Nakagat ko ang aking labi sa nakikita ko. "Hindi ko gusto ang nakita ko kanina. "
"You're back.. " Pagbabalewala ko sa sinabi niya. Ayokong pag-usapan ang nangyari kanina. Mas gusto kong namnamin ang bawat oras na malapit siya sa akin. Sobrang huli na siguro ang takbo ng utak ko dahil ngayon ko lang napatunayan na hindi ako nananaginip. Ngumiti siya at tumango.
"I came back for you, Fern. Hindi ako bumalik para sa kahit kanino, dahil sa'yo lang. " Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis ko siyang hinila papalapit sa akin at yinakap. Sinuklian niya ito. Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang mamahalin na pabango niya. "I can feel your heartbeat. " anas niya malapit sa aking leeg dahilan para magtaasan ang aking balahibo. "And your breast--- AW! "
"Hindi ka pa rin nagbabago. " humiwalay ako sa kanya at pinahiran ang nangingilid kong luha. Sa huli ay napangiti ako. He said he came back for me. He is here for me. That was enough to make things possible again between us. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Naghahalo halo ito.
He grinned at me. "Did you miss me? "
"Hindi. Bakit naman kita mamimiss? " Nagusumot ang mukha niya at parang batang nagtatampo. Kinulong niya ang aking pisngi sa kanyang mga palad. Nanghina ang tuhod ko nang masilayan ko ang mata niya na mapang-akit. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi ko ikakaila ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko.
"I'll make you miss me so hard. "
Dumampi ang labi niya sa akin. At tama nga si Zach, sa halik pa lang niya ay masasabi kong nangulila ako sa kanya ng sobra sobra. Alam ko namang ramdam niya ang pangungulila ko sa kanya. Siguro ay gusto lamang niya talaga akong halikan. Napangiti ako sa naiisip ko. Pinulupot ko ang aking braso sa leeg niya at hinayaan na suklian ng labi ko ang halik niya. Matagal kong hinintay ang pagbabalik niya. Matagal akong nangulila sa kanya.
Minsan ay naiisip ko rin. Paano ko nga ba naging boyfriend si Zach? Anong nakita niya sa akin? I don't want to ask him because I don't want to expect na makukuha ko ang sagot na nasa isip ko. Mas maganda na rin siguro ito. Natanong ko na rin sa sarili ko kung paano kami nakarating sa ganitong sitwasyon. Hindi ko rin alam kung bakit kami nakarating sa ganito pero alam kong sa pagdaan ng panahon minahal ko si Zach.
Hindi ko alam kung may nagbago pero kung meroon nga, ay hindi ko maramdaman ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang Zach na nakilala ko 2 years ago. Maliban na lamang sa mga pagbabago niya, pisikal na pagbabago katulad ng katawan niya. Mukhang naggy-gym na siya. Mamula-mula ang kanyang pisngi at mas pumuti ang kanyang kulay. Ang buhok niya ay may kahabaan pero bumagay ito sa kanya. Ang boses niya na animoy nang-aakit ay nananatili pa din.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...