~GUMISING KA NA! GUMISING KA NA! HOY! GUSTO MO BANG PUNTAHA--- ~
"Aw." napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang kakaibang sakit dito. Ito lang ang ayaw ko sa tuwing umiinom. Kahit hindi naman ako nagiinom masyado ay alam ko pa rin ang pakiramdam ng may hangover. Ayoko ng hangover lalo na't may pasok pa ako.
Napatingin ako sa kwarto ko. Napangiti talaga ako nang maalala ko si Harrison. Talagang nagrecord pa siya para sa alarm ko. Napahawak ako sa ulo ko nang madako ang mata ko sa lamesang nasa tabi ng kama. May note na nakadikit doon. Inabot ko ito at binasa..
'Good morning, Beer girl. Where's my smile? :D '
Napailing ako sa nabasa ko. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos. Inayos ko na ang higaan ko at agad na dumiretso sa kusina. Nagtimpla ako ng kape para mawala medyo yung sakit ng ulo ko. Kumain lang ako ng isang tinapay at agad na naligo. Halos muntik ko pang makalimutan na magtoothbrush dahil sa hangover na ito.
Bago ako lumabas ay chi-neck ko muna kung maayos kong maiiwanan ang apartment. Pagkatapos ay ni-lock ko na ang pinto at nilagay sa bag ko ang susi. Inaayos ko pa yung bag ko nang may humigit sa damit ko.
"Sabay na tayo! " bumungad sa akin ang mukha ni Harrison. Napatingin ako sa suot niya. Okay lang naman pero bakit parang may bago sa kanya..
"Nagpa..... " Napagawi ang mata ko sa buhok niya. "Nagpagupit ka? "
Hinawakan niya ang buhok niya at ngumiti na parang nahihiya sa itusra niya. "Mukha bang hindi? "
"Umm. " Nilagay ko ang hintuturo ko sa aking baba na parang nag-iisip. Tinitigan ko ang mukha ni Harrison. Ang totoo niyan ay hindi ko na kailangan pang pag-isipan kung bagay o hindi. Mas bumagay kasi sa kanya ang gupit niya ngayon. Medyo may kahabaan kasi ang buhok niya dati pero ngayon ay nagpa-clean cut siya.
Nag-thumbs up ako sa kanya at tumango. "Bagay, bagay na bagay sayo. "
Dahil dun nag-iwas siya ng tingin at napansin ko na nagblush yung pisngi niya. Napahagikhik ako sa itsura niya. Mukha siyang baby potato.
"Akin na nga yan! " kinuha niya yung bag ko at agad na naglakad. Naiwan tuloy ako dun na nakangiti.
Pagkadating sa gate ng school napansin kong maraming nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin na binibigay nila sa akin. Hindi ko naman ikakaayos iyon. Dire-diretso lamang ako sa paglalakad habang nakikinig sa kwento ni Harrison.
"Narinig kong sabi nung babae bagay daw tayo.. " nakangiting sambit sa akin ni Harrison.
"Nabingi ka lang. " Hinawi ko ang buhok ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Pero natigilan kaming dalawa nang makita namin si Zach at si Pearl na naglalakad papunta sa direksyon namin. Inaalalayan niya si Pearl sa braso. Napahawak ako sa dibdib ko. It was really..killing me. This jealousy will kill me. Nakagat ko ang aking labi. Humarap ako kay Harrison para hindi ko na sila makita.
"Don't " narinig kong bulong sa akin ni Harrison. Hinawakan ko siya sa braso nang akmang maglalakad siya papalayo sa akin. "I have to do this, Fern. " Sabi niya at wala na akong nagawa kundi ang bitiwan siya. Lumapit siya kay Pearl at kinuha ito kay Zach. "Ako na ang bahala sa pinsan ko. "
"Ano ba Harrison? " galit na sambit ni Pearl.
"Sumama ka na sa kanya, Pearl. " utos ni Zach dito habang nakatingin pa rin sa akin. "Ako na ang bahala sa excuse letter mo mamaya. "
Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako nang makita ang pag-aalala sa mata niya.
Umalis na sina Pearl at Harrison pero nakatayo pa rin kaming dalawa doon.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...