"You'll drive. Sa bahay mo tayo. " wika ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya. Nakita ko ang pagtataka sa mata niya. Naiinis na binalingan ko siya at tumigil sa paglalakad. "Gusto ko sa bahay mo. " naiinip na sabi ko sa kanya. Hinablot ko sa kanya ang susi at agad na binuksan ang kotse. "Ayaw mo ba? Okay, wag ka ng manligaw. "
"Hindi. Akala ko kasi.. " kinamot niya ang kanyang batok at agad ding umikot. "What are we going to do there? " tanong niya nang makapasok sa loob ng kotse. Napansin ko ang pagkailang niya. Lihim akong napangiti sa ikinikilos niya. Siguro ay nagtataka siya dahil unang beses ko ito na yayain siya sa bahay niya.
"Ano bang gusto mo? " Tanong ko sa kanyang habang binubuksan ang aircon ng kotse niya. Mainit kasi sa loob ng kotse niya dahil sa singaw ng init na nanggagaling sa labas. Nagtatakang nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatulala. "Zach? Hoy! "
"Jesus. " he murmured. Napahawak siya sa kanyang dibdib na parang may sakit siya sa puso.
"Tinanong kita. Ano bang gusto mong gawin? "
"I..I.. I don't know. " bulong niya.
"Bakit namumula? " Puna ko.
"Im not. " He denied. Ini-start niya ang kotse at nagsimula nang magdrive papalabas ng school. Marami pa ring tao sa ground at ayokong makipagsiksikan sa ganitong sitwasyon. Maganda rin pala ang ideyang sumama ako sa kanya.
"Ano bang iniisip mo? " tanong ko sa kanya.
"Just don't mind me. " Nakangiting sagot niya. "Gusto mo bang mag-take out tayo ng pizza? "
"Sige! Dalawang box ha! " Ngumisi ako.
"Ang takaw mo talaga. "
"Ganoon?! Basted ka! "
Namilog ang mata ko nang bigla niyang itinigil ang kotse. Good thing Im wearing my seatbelt dahil kung hindi baka tumalsik na ako. Naiiritang pinaghahampas ko ang braso niya. He almost killed me. Paano na lang kung hindi ko suot ang seatbelt na ito? Edi baka na-misplace na ang ilong ko at ang iba pang parte ng mukha ko.
"Im going to kill you, Evangelista! " Naghuhumerentado ang puso ko nang isigaw ko iyon. Seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan lamang ako. Ugh. Sobrang kalma niya samantalang ako hindi pa rin nakakaget-over sa nangyari.
"Hindi pa ako nagsisimulang manligaw, basted na agad? " seryosong tanong niya sa akin. "Are you kidding me? "
"Im not kidding! " Pinaypayan ko ang sarili ko. "You almost killed me. " Bulong ko.
"Pero ginulat mo ako! "
"Ewan ko sayo! Ibili mo na nga lang ako ng pizza. " pinag-ekis ko ang aking braso sa aking dibdib. He groaned before driving again. Tumigil kami sa pizza hut. He went outside pero bago iyon ay sinabihan niya akong wag bababa sa kotse. I just rolled my eyes.
Nang makalabas siya ay nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kanyang kotse. Gustong gusto ko talaga ang amoy ng kanyang sasakyan. At dahil bored ako, naisipan kong kalkalin ang mga gamit niya. Im not really used to check his things out pero mukha namang wala lamang sa kanya iyon.
Binuksan ko iyong maliit na drawer at namilog ang mata ko sa nakita. Ginagamit niya ang bagay na ito? Bago ko pa masabi kung ano ang nasa loob nun ay agad ko na iyong sinara at binalewala.
This time, nadako ang mata ko sa mga cellphone niya. Tatlo kasi ang phone na nakalagay dito. Puro mamahalin. Rich kid talaga. Samantalang ako swertihan na lang kung makakaisa ako ng cellphone na meroon siya. Kinuha ko iyong pang-una. I blushed nang makita ang mukha ko. Wallpaper niya ako?
Wala namang password kaya dumiretso ako sa mga photo. Tanging mukha ko lamang ang laman. Yung iba stolen. Gusto ko tuloy siyang sabunutan dahil sa kilig.
I was about to check his inbox nang tumunog ang pangatlo niyang phone. Binitawan ko ang hawak kong phone at agad kinuha ang pangatlo.
I opened it. Simpleng puti ang wallpaper nito. Namilog ang mata ko nang makitang may password ito. Gusto ko sanang hulahn ito ngunit nakita ko ang papalapit na si Zach. Binalik ko ito at binigyan muna ng huling sulyap. Anong meron sa phone na iyon?
"Here's your pizza, madam. "
"Ang laki naman niyan! " puna ko nang ilabas niya mula sa kanyang likod ang isang large box na pizza. Anong tingin niya sa akin? Baboy na patay gutom? Muli kong sinulyapan ang mukha niya at nakita ko ang inis sa kanyang mukha. "What? "
"That cashier girl was annoying. She kept on asking some question about me. It's annoying and frankly kind of creepy. "
"She was trying to flirt with you. " I said truthfully. Hindi na ito bago sa aking pandinig.
Tumaas ang kilay niya. "Im not stupid. I know. She even lick her lips which I really find slutty. " aniya bago i-start ang kotse.
"It doesn't make sense, Zach. " I rolled my eyes. "Hindi na ito bago sa aking pandinig. "
"But I was just wondering.. " saglit niya akong sinulyapan. "I want you to flirt with me. You're the girl I want to see drooling over me. "
"Shut up. " I shut him up.
"Fern.. " tawag niya sa akin. Umirap lamang ako sa kanya. Weird. Nagva-vibrate ang puso ko sa kilig sa sinabi niya kanina. Talaga bang pursigido siyang ibalik ang tiwala ko sa kanya? "Umiyak ka ba kanina habang kumakanta? " Napatigil ako sa pag-iisip nang tanungin niya ako. I looked at him and he did the same. Ngayon, kita ang pag-aalala sa mukha niya. "Ako ba ang ...dahilan? "
"Why do you even care? " pagtataray ko sa kanya. Ayokong sagutin ang tanong niya.
He looked at me in astonishment. "I do care about you. "
"Really? Paano kung sabihin ko sayong ikaw ang dahilan? What are you going to do? Tatawanan mo ako? Matutuwa kasi Im still into you? Tatalon sa bangin sa tuwa? " nayayamot na tanong ko sa kanya. Puno ng sarkastiko ang boses ko.
Tingil niya ang kotse. I looked outside. Nasa tapat na kami ng bahay niya. Muli ko siyang tinignan. Napakaseryoso ng mata niya. Naging yelo ang kanyang itim na mata na parang may nagawa akong kasalanan.
"Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin ha? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? " pabagsak niyang binitiwan ang isang teddy bear mula sa kanyang tabi. He looked really mad and pissed off. Umawang ang labi ko. He bought me a cute little teddy bear from pizza hut? "Don't you even trust me? "
BINABASA MO ANG
Almost.
Roman d'amourNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...