9. List..

59.7K 912 42
                                    

Naglalakad ako noon sa hallway nang may narinig akong sigawan mula sa loob ng isang room sa ikalawang palapag ng building namin. Palubog na ang araw at halos kakaunti na lamang ang tao sa buong school. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa mga librong dala dala ko. My heart beats so fast as I took another step. Marami na rin kasi akong naririnig na mga sabi-sabi na maraming multo dito sa school.

Pero ngayon, sigurado akong hindi multo o guni guni ang narinig ko. Nagtaasan ang balahibo ko nang mas lalong lumakas ang sigaw ng isang lalaki.

"A-ayoko na. Tigilan niyo na ako. "

"Tumahimik ka! " 

Napapikit ako at nagpanggap na walang narinig dahil sa takot na baka may makakita sa akin at madamay ako sa gulo. Sigurado akong maraming tao ang nasa loob ng room na katapat ko ngayon. Hindi ako makagalaw..

"Ayoko na! Kayo naman talaga ang may kasalanan- Ahh! "

Napasinghap ako nang biglang tumalsik ang lalaki sa harap ng pinto. Malapit sa paanan ko. Puro pasa ang mukha nito at halos mag kulay ube na ang mata ng binata. Sira sira ang damit nito at may bahid pa ng dugo sa kaliwang braso.

Napaurong ako nang dumapo ang mata ko sa isang sapatos. Tumaas ang mata ko hanggang sa magtama ang mata namin. Buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong sitwasyon. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa aking mga libro. Kilala ko ang lalaking nasa harap ko.

Takot at galit ang rumerehistro sa akin sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Ngayon ko lamang siya nakita sa malapit, at doon ko rin napagtanto na totoong gwapo nga siya. May tattoo siya sa leeg at maraming umiilaw na hikaw sa kanyang tenga. Madumi para sa akin ang mga lalaking may ganoon pero pagdating sa kanya ay nawawala ang pananaw ko na 'yon.

"Anong ginagawa mo diyan?" naningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa baseball bat na hawak niya. I gulped. Nangangamba ako na baka ihampas niya sa akin ang bagay na 'yon.

"Hi? " Tinaas ko ang aking kamay at kumaway pa sa kanya. Bahala na kung magmukha akong tanga sa harap niya. Mas ayoko namang madala sa hospital nang dahil lamang sa pagkakahampas ng baseball bat sa ulo.

"Hi? " He laughed cruelly. "What the fck. Naka-drugs ka bang babae ka? "

I swallowed hard. "H-ha? " bigla akong tumawa. "Ah! Oo nga pala. Tumira ako ng dalawang.. ano nga yun- "

"Anong problema dito, Zach? " Lumapit ang tatlong lalaki sa likod niya. Napalunok ako. Ang dami nila.

Tumaas ang kilay niya. Hindi niya sinagot ang tatlong lalaki at sa halip ay tinitigan pa ako ng mabuti. Sa mga oras na iyon ay hindi na ako humihinga dahil sa nerbiyos. He pointed his index finger on me and warned me. "Kapag nalaman kong kumalat ito, hahanapin kita. "

"Okay stop! "

Bumuntong hininga ako nang bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Muli ko na namang naalala ang nangyari noon na ayaw ko ng balikan. Ang akala kong huli naming pagkikita ay ang simula pala ng lahat sa aming dalawa. Ewan ko ba kung sinasadya ba ng pagkakataon o talagang nakatadhana na sa akin ang masilayan lahat ng pakikipagaway ni Zach o talagang parte iyon ng nakaraan namin na daan para mabuo ang hinaharap naming dalawa.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon