27. Play..

50.4K 660 43
                                    

"Tiger, Harrison. Tiger. "

Kumindat siya sa akin at mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Lumabas siya ng kotse at umikot upang pagbuksan ako ng pinto. I saw Zach stiffened for a moment. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa akin at kay Harrison. He seemed really shocked to see us together. I bit my lower lip when I felt Harrison's palm on my waist.

"Harrison, wala ito sa plano natin. " Bulong ko sa kanya.

"Edi isama na natin tutal mukhang effective naman.." napapikit ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Look at him. "

I opened my eyes and saw Zach's eyes were burning. He started walking toward us as my heart began to beat fast. Parang saglit na tumigil ng paligid ko. Nanumbalik sa aking isip ang umiiyak na mukha ni Zach, begging for me, shouting and telling me how sorry he is, how much he loves me.

"Anong ibig sabihin n-nito? " saglit niya akong tinignan. Ngunit mas bumaling ang kanyang mata sa kamay ni Harrison sa aking baywang. I swallowed hard and looked away. 

"Ano ba sa tingin mo? Sinundo ko siya sa kanyang apartment at sabay kaming pumasok. " sagot ni Harrison. 

"Im not talking to you! " Zach roared. Tumingin muli siya sa akin. This time, I met his eyes. We have the same tiredness in our eyes. That moment, I realized that Zach is already everything to me. What I mean is, he's the one I only have. Na dumating sa punto na tinanong ko ang sarili ko, I don't even know who's going to hold me tight, like what he did to me. 

Napatingin ako sa kamay niyang nakabalot sa puting tela. Iyon yung kamay na dumugo kanina dahil sa paghampas niya sa bintana ng kotse ni Harrison. Baliw ka talaga, Zach! Bakit hindi mo man' lang naisip na mas matibay sa'yo yung salamin?!

"Can you please just listen to me?  " Sabi niya sa akin.

"Stop this, Zach. " mariin na pigil ko sa kanya. He clenched his jaw.

"Fern, All I asked was that you listen, not talk or do - just hear me. "  

Nagsukatan kami ng tingin. Sa huli ay nag-iwas din ako ng tingin nang mapansin na wala namang magandang kalalabasan kung magtitigan lamang kami. 

"Seriously? Am I going to witness this dramatic conversation? " Harrison smirked. Siniko ko siya at sinamaan siya ng tingin. 

"Then leave. " Sarkastikong sabi ni Zach kay Harrison. Napabuntong hininga na lamang ako nang magpalitan sila ng masasamang tingin. I grabbed Harrison's arm at hinila siya papalayo doon. 

"Behave, okay? " bulong ko sa kanya na sinuklian lamang niya ng pag-irap. "Gusto kong nasa tabi kita dahil alam kong ikaw lamang ang kakampi ko. " halos pumiyok ako habang sinasabi ko iyon sa kanya.

"Kakampi? What do you mean? " nagugulumihanan niyang tanong sa akin.

"Look, everyone is on his side. Kahit i-survey mo pa ang buong school sigurado akong lahat kampi sa kanya. Im scared. Hindi mo ako masisisi kung ganito ako mag-react sa mga nangyayari sa amin. " marahan akong umiling sa kanya. "But I'll understand kung hindi mo naman talaga ako gustong- "

"Ikaw ang makinig sa akin, Fern. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? " 

Nalilitong tumingin ako sa kanya. Sinasabi ba niyang wala siya sa aking tabi? Dahil kung oo, tuluyang maglalaho ang pag-asa sa aking dibdib. Harrison. Si Harrison na lamang ang alam kong matatakbuhan ko. Ang sama ko diba? Mukha siyang rebound, panakip butas, ginagamit ko para matakpan ang iniwang puwang ni Zach sa dibdib ko.

"Fern, lalaki ako. " tumingin siya sa aking mga mata. "Hindi ko kinakampihan si Zach pero hindi mo ba naisip na sobra ang nagiging conclusion mo? I think he wont use the whole school to hurt you. Just think about it, Fern. It might help you to ease the pain. "

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon