8. Bully..

60.8K 861 24
                                    

"Si Zach ba iyon? Ilang araw ka na ba niyang hatid sundo? "

Napatingin ako sa labas ng room at napangiti ako ng makita ko si Zach na nasa harap ng pinto. He was leaning against the wall habang nakatitig sakin. He waved at me bago nginuso ang kanyang labi. 

"Bastos. " I muttered pero mukhang narinig iyon ni Nikki dahilan para tuksuhin niya ako.

"Kiss daw oh! Bigyan mo na! Haha! " 

Sinamaan ko siya ng tingin at agad na binalingan ang nakangising si Zach.

Nakaka-amuse talaga ang lahat ng kilos niya. Kahit ata mag-aerobic, mag-split at mag tatalon ay napakagwapo pa rin niya. Tinitigan ko ang suot niyang black v-neck shirt at navy blue pants. Natatamaan ng sinag ng araw ang suot niyang relo. I sighed. Totoo ba talagang boyfriend ko ang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng room na ito? O baka naman wrong room lang? Hindi, sure ako na si Zach ang lalaki ito. Napangiti ako. Im just so happy about his decision to make our relationship public. Sana lamang ay wala siyang pagsisihan.

"Class Dismissed! "

Walang paalam na pumasok agad si Zach sa loob ng room. Napailing na lamang ako. Knowing him, walang makakapigil sa gusto niyang gawin. Katulad ngayon, lahat ng mata ay nakatitig lamang sa kanya hanggang sa makarating sa pwesto ko.

"Akin na. " mabilis niya hinablot ang aking bag at ngumiti. 

Lumakas ang bulong-bulungan tungkol sa aming dalawa. Simula kahapon kaming dalawa ang topic ng lahat. Hindi na ako magtataka. 

"Magaan lang naman ang bag ko. "

"Hayaan mo na ako. " Tinitigan niya ako. "Your lips are so inviting. Kanina pa ako nagpipigil sa labas habang pinapanood ko ang labi mong gumalaw. Hindi ka ba naaawa sakin? " Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. Napansin ko na nanlaki ang ilang mga mata nang nakarinig sa sinabi niya.

"Zach! " banta ko sa kanya na hindi niya pinansin. I blushed.

"Your touch are so exciting. " kinanta pa niya ito na mas lalong nakapagpapula ng aking pisngi.

Dahil sa inis at hiya ay iniwan ko siya doon na tumatawa habang ang mga tao sa paligid ay may galit at hinayang sa mukha. May nagtaas pa ng kilay sa akin pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humila sa aking braso.

"Harrison? "

Ngumiti siya. "Finally, nakita na rin kita. "

"Ha? Bakit? "

"FERN! "

Napatingin ako sa likod ni Harrison at nakita ko ang galit na mukha ni Zach. Mabilis siyang naglakad papunta sa aking kinatatayuan at kinuha ang aking bag. Nagtatakang tinignan ko siya ng hilahin niya ang bewang ko.  

"Anong problema, Pre? " mas lalong kumunot ang noo ko nang magsalita si Zach na may halong sarkastiko. 

Hindi siya pinansin ni Harrison. He was still looking at me. 

"So it's true? " ngumisi siya ng nakakaloko. "I thought isa ka lang sa mga victim ni Zach. "

Namutla ako sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Victim? Hindi ako makarelate sa sinasabi niya. Napatingin ako kay Zach. Natutop nito ang kanyang labi habang hindi makatingin sakin. Gusto ko siyang tanongin tungkol dito.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon