39. Letter..

38.4K 593 67
                                    

"Everyone got 100 percent sa projects. At dahil dun, wala na kayong finals. " Napuno ng sigawan ang buong classroom dahil sa ini-announce ni Sir. Sino bang hindi magiging masaya sa balitang 'yon? Minsan lang mawalan kami ng finals sa bawat semester.

Dumako ang mata ko sa bandang gitna ng katapat kong linya kung saan nakaupo si Zach. Nakabaon ang kanyang ulo sa kanyang braso. Sigurado akong natutulog siya. Tumagal pa ang pagtitig ko sa kanya hanggang sa bigla siyang nagtaas ng tingin at tumingin sa pwesto ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Pero alam kong huli na ang pag-iwas ko. Nakita na niya akong nakatingin sa kanya. Nakagat ko ang dulo ng aking ballpen. Bakit ba ako kinakabahan? Ano naman kung tignan ko siya?

Pagkatapos ng subject na iyon ay agad kong nilikom ang mga gamit ko. Nakisabay ako sa mga kaklase kong naglalabasan mula sa classroom. Dumiretso ako sa locker ko at nilagay ang ilang notes ko at books na hindi ko gagamitin. Kinuha ko naman ang mga books ko sa susunod na subject.

Dumaan ako sa canteen para bumili ng tubig at pagkatapos ay pumunta na ako sa next class ko. Papasok pa lamang ako nang matigilan ako sa may pintuan. Sa dulo ng room, malapit sa bintana, ay nakaupo siya doon habang may kausap sa cellphone.

Lumundag ang puso ko nang tumingin siya sa kinatatayuan ko. He just stared at me and after five seconds, he looked away and talked to that someone who he was talking to. Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa desk ko. Bakit ba lagi kana lang sumusulpot sa mga mata ko, Zach?

"I still have class. "

Narinig kong sabi niya doon sa kausap niya sa cellphone. Kinuha ko mula sa bag ko ang notebook ko at nagsimulang magbasa para makapagreview na rin ako tungkol sa huling lesson namin.

"Don't worry, uuwi ako ng maaga. "

Nang wala talagang pumasok sa isip ko, nagsulat na lang ako sa last page ng kung ano ano. Ano bang nangyayari sa akin? Kaya ako hindi nakakapag-aral dahil sa pakikinig ko sa sinasabi niya.

"Wag kang matigas ang ulo. Inumin mo ang gamot na binigay ko sa'yo kanina. Even if you don't like to drink it, you still have to, Aubrey. "

Natigilan ako sa pagsusulat nang marinig ang pangalan na sinabi niya. Ano pa nga bang ine-expect ko? Of course, he was talking to her. 

Sa mga oras na 'yon ay gusto kong lumabas ng room dahil parang sinasadya na kami lamang dalawa ang tao sa loob ng room. Ayokong marinig ang pinaguusapan nila..

Palihim na sinulyapan ko siya at napansin ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napaawang ang labi ko. Why is he staring at me?

Gusto ko pa sanang maging sigurado kung sa akin ba siya nakatingin nang biglang magpasukan ang mga kaklase namin. Sumunod naman ang instructor namin. Napailing na lamang ako at pilit na binura sa isip ko ang nakita. Siguro ay nagiimagine lamang ako na nakatingin siya sa akin. 

                        After ng last subject ko ay dumiretso na ako sa parking lot kung saan nagiintay sa akin si Harrison. Katulad ng ginagawa niya ay kinukuha niya ang bag ko at ilalagay niya sa loob ng kotse. Pinagbubukas pa niya ako ng pinto bago siya pumasok sa loob na hindi ko na tinututulan.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Mukha kang nilalagnat, eh. " Hinipo niya ang aking noo nang makapasok din siya sa loob ng kotse.

Umiling ako. "Gusto ko na lang makauwi at matulog. "

"Sigurado ka? " Hininaan niya aircon bago ikabit ang seatbelt niya. "Fern, may kailangan akong sabihin sa'yo." sabi niya. I thought he was going to drive already but it turns out he still needs to tell me something. 

"Pwede bang bukas na lang? "

"Walang tayong pasok bukas. May nangyari ata sa isang building kaya ipapaayos. They decided to cancel classes until tomorrow. "

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Naalala kong mas nauna nga pala akong lumabas sa prof namin kaya hindi ko narinig ang anouncement. Hindi rin naman ako napadaan sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga today's news.

"Ganun ba? " napanguso ako. "Ano bang sasabihin mo? "

Binuksan niya ang yung drawer ng kotse niya. Ewan ko kung anong tawag doon. Nilabas niya mula doon ang dalawang silver na envelope. Nangunot ang noo ko. Anong meroon sa bagay na 'yon?

"Someone sent me this. Kuhanin mo yung isa. " 

Inilahad niya sa akin ang envelope. Tinitigan ko ito. Bakit parang bigla akong kinabahan at natakot na kuhanin ito? Nanginginig ang aking kamay nang tanggapin ko ito.

"I think it's for the both of us.. " Dagdag pa ni Harrison.

Nagtaas ako ng tingin para salubingin ang mga mata niya. "Nabasa mo na ba? "

"Hindi pa.. " he said calmly. 

Binuksan ko iyong envelope at nilabas ang isang kulay puting papel. I read it only with my eyes. Ayokong basahin ito ng malakas sa harap ni Harrison dahil baka kung ano ito.

'Introducing the future

Mr. & Mrs. Evangelista.

Please join us for an

Engagement party honoring

Zachary &Aubrey' 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon