19. Tuesday..

51.6K 689 25
                                    

Tuesday na ngayon at second day na ng fest. I kept on checking my phone to see if I've got a text from Zach pero kahit isa wala. Hinihintay ko yung schedule ng laban nila. Pero kanina ko pang sinusulyapan ang screen ng cellphone ko at ganoon na lang ang pagkadismaya ko sa tuwing walang nagpa-pop out na pangalan niya sa inbox ko.

At dahil wala na akong choice, dumiretso ako sa bulletin board ng school kung saan doon nakalagay ang lahat ng schedule. Wala naman masyadong tao doon bukod sa dalawang estudyante na mukhang nasa lower year.

Tumayo ako mula sa likod ng mga ito at agad na hinanap ang pakay ko. Laking pasalamat ko nang makitang ngayon pala talaga ang laban niya. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Tss. Napakamoody talaga niya. Pag nakita ko talaga siya naku! Lagot ka talaga sa akin Zach Evangelista!

Tinignan ko yung mga contestant kung sino ang magkakalaban. Nang makiita ko ang pangalan ni Zach ay tinignan ko ang katapat na pangalan kung saan nakalagay ang pangalan ng makakalaban niya.

My lips parted when I saw Harrison's name. Hindi ako nagkakamali. Si Harrison ang makakalaban ni Zach? Marunong din pala siyang magswimming.. 

After that, I went back to our store. Kakaunti lamang ang tao dahil na rin siguro sa nalalapit na laban. Naupo ako sa labas at agad na napaisip. He didn't text me this morning at kahit ngayon. This is so wrong. Gusto ko siyang puntahan pero saan naman? Sigurado akong wala siya ngayon sa school.

Tinext ko siya..

'Nasaan ka? '

Paulit ulit akong nagche-check ng phone ko pero walang pa ring reply na galing kay Zach. He was supposed to tell me to come over and watch him. He should be telling me to bring some banner material just to cheer him up. Napabuntong hininga ako. Bahala na mamaya. Manonood ako dahil gustong gusto ko talaga siyang makita.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito. Mabilis pa sa hangin na binuksan ko ito pero nadismaya lang ako nang makita ang isang unknown number sa inbox ko.In-open ko ito at binasa.

'You want to know everything? Let's talk later. It's me, Harrison. '

Napatitig ako sa message sa akin ni Harrison. Anong ibig niyang sabihin? Anong lahat? Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating. Ni-reply-an ko na lang siya ng 'Okay' tutal naman ay makakausap ko rin siya mamaya.

Ngayong oras -30 minutes before Zach's competition- ako ang naatasan na maging waitress ngayon. Maraming nagkalat na student galing sa iba't ibang year. Sinusubukan nila sigurong maglibot dahil sa sobrang daming store. Oo nga pala. Coffee parlor ang idea ni Cyrus kasi malamig daw ang week na ito.

Malamig? Then where's Zach? Sabi niya tuwing malamig sweet siya. Pero bakit ngayong malamig wala siya? Sinungaling. Tss.

"Fern, sabi ni bakla pwede daw tayong magleave muna at isara ang store kung gusto daw nating manood ng contest. Baklang yun. Palibhasa makakakita ng langit. " 

Tinawanan ko na lamang ang sinabi niya. "Manonood ka ba? "

"Oo eh. Sabay na tayo, gusto mo? "

Tumango ako sa kanya at sinabing saglit lang. Kinuha ko ang gamit ko at sabay naming tinahak ang daan papunta sa pool area ng school. Halos sobrang daming tao. 

Hindi ko naman gustong makipagsiksikan pero itong si Carla parang papatay ng tao kapag hindi kami pinadaan kaya nakarating kami sa pinakaunahan. Kitang kita ko ang lahat ng tao na talagang eager na manood. Who wouldn't be, right? 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon