21. I won't..

52.3K 722 30
                                    

Namumugto ang parehas kong mata kinaumagahan. It was wednesday at ngayon kami magpeperform. Bakit naman sumakto ka pa? Bakit hindi na lang bukas? Masyado ba akong naging makasalanan nitong mga nakaraang araw?

Kasalukuyang naglalakad ako papasok sa school. I closed my eyes and gave out a huge sigh. Fern, pwede ka pang tumalikod at umalis. Bulong ko ngunit naputol ang aking pagmumuni nang may malapad na palad ang humawak sa aking braso.

It was Zach. Napatingin ako sa likod niya at umawang ang aking labi nang makita na basta na lamang niya pinarada sa daan ang kanyang kotse. I looked at him again and glared.

"Hindi mo ba alam na makakasagabal sa mga estudyanteng may kotse din ang kotse mong inihara sa daan? " Tumaas ang aking kilay ngunit hindi siya natinag. 

"Kausapin mo naman ako, Fern "

"Nag-uusap na tayo. " Sarkastikong sabi ko. Gusto ko nang makalayo sa kanya. Naghuhumerantado ang puso ko. Lahat na ata ng katawan ko nangangati na. I just need to get the hell out of here.

"Hindi dito. Let's talk in private places. " Pagod na sabi niya.

Umiling ako sa kanya. "Mag-isa ka, Zach. " Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at naglakad palayo mula sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya ako sundan. That was really close. 

Dumiretso ako sa music room. Naabutan ko si Hazel na may malawak na ngiti sa labi. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sila sa akin habang nakangiti. Anong meron sa ngiti nila? Kinikilabutan tuloy ako.

"Anong meron? " tanong ko.

Tinapik ni Hazel ang isang upuan at agad naman akong umupo doon. Binigyan niya ako ng isang baso na may laman na coke.  Tinaas niya ang kanyang kamay sa ere sabay sabing..

"Binigyan tayo ng isang malaking offer. "

"Nino? " Ako lang ang nagtangkang magtanong dahil mukhang alam na din nila.

"Nung company na sinasabi ko sa inyo? They are going to watch our performance at may malaking possibility na makuha tayo. Ano? Good news diba? " lahat sila ay nagsitanguhan habang ako ay napangiti na lamang. 

How am I supposed to smile? Umagang umaga si Zach ang bumungad sa akin. I went outside. Balak ko sanang magCR pero nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa may pintuan. Seriously?!

"Zach naman! " naiinis na sabi ko sa kanya.

"I just want to say... "

"Ano? I said, I need space! " 

He looked at me. May lungkot sa mata niya. Suddenly, I felt guily and weak. Humupa ang galit sa dibdib ko at gusto ko itong iwaksi at mag-sorry sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako. Hindi, hindi dapat ako maguilty. Pinagkrus ko ang kamay ko sa aking dibdib.

"Ano bang gusto mo?"

Kinuha niya ang kamay. Nagulat ako sa ginawa niya. May nilagay siya sa loob ng palad ko. "Good luck mamaya. That's all. " he said without looking at me. Tinalikuran niya ako habang naiwan akong nakatingin sa likod niya. I wanted to cry. Parang may humaplos sa dibdib ko. He waited for me just to say that? 

Ayaw ko siyang pigilan papalayo pero naging traydor ang mga paa ko. I run into him and grabbed his arm. I sighed and gulped nervously.

"Iyon lang ba ang gusto mong sabihin? " I asked him. "M-may idadagdag ka pa ba? "

This time tumingin na siya sa akin. Nagliwanag ang mata niya at hinarap ako. He stared at my eyes and I felt shy. Para naman akong timang. We both know na nakita na ako ni Zach na walang saplot pero kinikilig pa rin ako at nahihiya sa tuwing titigan niya ako ng malalim sa mata.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon