30. Moonlight..

46.4K 715 56
                                    

Nakarating kami sa bahay, pero mukha itong mansyon at isang castle ng mga Evangelista. Halatang napakahigpit ng seguridad dito. Ang gate ay yari sa nagtataasang bakal. May dalawang guard na nakabantay dito. Pinagbuksan kami nito ng gate at walang atubiling pinark ni Zach ang kanyang kotse.

Ngunit mas lalo akong namangha nang makita ang garden sa loob nito. Parang nakarating ako sa garden ng mga diwata. It was magical. Iyong fountain sa pinakagitna ay napakaganda. Ang bermuda grass na bumabalot sa lupa nito ay parang kay sarap apakan.

"You like it? " ani ni Zach mula sa aking likod.

"An ganda dito. " bulong ko. Naramdaman ko ang kakaibang presensya niya mula sa aking likod. 

"Kapag nagpakasal tayo, gusto kong ikaw ang magdedesign ng garden natin. " tumigil ang pagtibok ng aking puso. Pinikit ko saglit ang aking mata. "But I think it's too impossible to happen. "

Nahigit ko ang aking hininga. Gusto kong tumiklop nang marinig ang panghihinayang sa boses niya. It can be, Zach. I'll be listening to you now. Alam kong masakit pa rin ang ginawa niya sa akin pero nagising ako. What if he give up on me? Mas hindi ko kaya itong lunukin. I'd rather die.

"You're here. " narinig ko ang isang matinis na tinig mula sa aking likod. 

Nilingon namin itong parehas at bumungad sa aking paningin ang isang babaeng nakasuot ng isang simpleng white dress. Nangunot ang noo ko. 

"Mom.. " mahinang sambit ni Zach. Mas lalong nangunot ang noo ko. Malayong malayo ang mukha nito sa mga news paper. Kung maganda ito sa mga newspaper at TV ay mas maganda ito sa personal. Simple ngunit nangingibabaw ang mala-anghel na itsura nito.

"Mabuti naman at nakarating ka. Niluto ko ang mga putaheng gusto mo. " wika nito sa isang masayang tinig. Dumako ang tingin niya sa akin. "She's your girlfriend? "

Kinakabahang tumingin ako kay Zach. Nilingon niya din ako at ngumiti.

"No. " mabilis niyang sagot. Feeling ko tindyakan ako ng isang kabayo sa aking dibdib. No? God. Gusto kong i-massacre ang mukha niya ngayon. 

"Oh. " ngumiti siya sa akin. Ang ganda talaga ng mommy ni Zach lalo na't lumilitaw ang maputi niyang ngipin. "Im Savanna. Zach's mother. You are? "

"F-fern po. " nilahad ko ang aking kamay na masaya niyang tinanggap.

"I like you. " she giggled. "Ang ganda mo naman. " kinuha niya ang kamay ko at iginaya papasok sa bahay. 

Nilingon ko si Zach na nakangiting nakatingin sa aming dalawa. Kitang kita ko ang pagkinang ng kanyang mata. Masaya ba siya? I hope so. I'll be doing everything to make him happy. Hindi ko nga lang alam kung bakit sinabing hindi kaming dalawa. Right. You just broke up with him, Fern right? Ugh.

"Matagal mo na bang kakilala si Zach? Hindi pa kasi siya nagpapakilala sa amin ng mga kaibigan niya. "

Hindi na ako nabigla sa narinig ko. "Opo. Medyo matagal ko na siyang kilala. "

"Really? Gusto mo ba ang anak ko? "

"Mom! Stop! " sigaw ni Zach mula sa sala. Lumapit siya sa amin at marahan niya akong nilagay sa kanyang likod at hinarap ang Mommy niya. "Stop asking her about me. Hindi ko nagugustuhan ang pagusapan ako. Lalo na't nandito ako. "

"Okay. " nakakalokong ngiti ang binitawan ng kanyang Mommy. 

Ramdam ko ang hiya ni Zach lalo na't hindi siya makatingin sa akin nung mga oras na iyon.

Bumukas ang pinto at bumungad naman sa aking mata ang isang kilalang business man. I know him. Sino ba'ng hindi? Kilalang kilala ito.

"Paul! " nagmamadaling tumakbo si Tita Savanna papalapit sa gwapong nilalang at mabilis na yumakap sa leeg nito. Akala ko magki-kiss sila pero hinalikan lamang ng lalaki si Tita Savanna sa noo. Nakaramdam ako ng hili sa nakita ko. Mukhang mga dalaga at binata lamang ang magulang ni Zach.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon