"Hindi ka iiyak, Fern. "
Marahan kong tinapik ang aking pisngi at muling nilagyan ng concealer ang aking eye bags. Ilang beses ko na ba itong sinabi sa aking sarili? Limang beses? Hindi sa tingin ko ay.pang-sampu na ata ito.
I've been crying for 3 hours. Pagkatapos nang confession ko kay Harrison ay tinulungan niya akong makapasok dito sa apartment. Hinang hina ang buong katawan ko. Siguro dahil hindi pa rin ako nakakain.
I checked my phone and there's nothing new. 105 messages from him and 55 missed calls. He keeps on nagging me and it's giving me a hard time. I think I should change my number as soon as possible.
"You ready? " Harrison asked while sitting at the edge of my bed. He was looking at me. Yeah, he's been sitting there for an hour and 15 minutes. I looked away when he stared at my face down to my legs. I felt awkward and embarrassed. Im wearing a black fitted shirt and High-waisted short, circling my tiny waist and splitting to cover the upper part of my legs
"You sure he's not there? " tanong ko sa kanya upang masira ang tahimik naming aura.
"Not so sure. There's a big possibility, Fern. " He grabbed my purse. Naglakad siya patungo sa pintuan. "Hindi imposibleng wala siya doon. Zach, won't give up that easily. I'll wait in the car. " he then closed the door, leaving me hopeless.
What to do? Kapag hinarap ko siya baka magkasakitan na lamang kami. Ayaw ko na. I dont know if I still had that much strength to face him. Should I look at him? Give him a bitter smile? No. I think I deserve to smile, not a bitter one, a smile that will make him shiver to death.
Hinding hindi ko makakalimutan. He played with my feelings. I know, nasaktan ko na siya pero hindi pa iyon sapat para maalis sa akin ang ginawa niya. I dont deserve this. Stupid ugly scars, he needs to learn. He just can't play with my feelings. How dare he!
"Tapos mo na ba siyang patayin sa isip mo? " Bungad sa akin ni Harrison pagkapasok ko sa kotse niya. Nilingon ko ang natatawang mukha niya. I glared at him pero hindi siya natinag.
"Just drive, Harrison. "
"Opps. Did I ruin the moment? "
Hinampas ko ang braso niya at binigyan siya ng matalim na tingin.
"Kapag hindi ka tumigil, bababa ako sa kotseng ito at--- "
"Okay! I'll drive. " he started the engine and looked at me. "Happy? "
I rolled my eyes. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at pinakawalan ang isang mahabang buntong hininga. Stay out of trouble, Fern. Maraming mata sa loob ng Hellingstar. Nasa puder ka ng mga Evangelista. Everybody is on his side. Me? I dont have one. Ni hindi ko nga alam kung saan si Harrison. Siguro naaawa lamang siya sa akin. Even, Nikki.
Speaking of Nikki, She called me. Ngayon na gaganapin ang stage play nila at pinaalala niya sa akin na pumunta daw ako dahil makalilimutin daw ako paminsan. Im not! Mahirap lang talaga para sa akin na alalahanin ang ilang mga bagay.
"Manonood ka ba mamaya? " iniliko niya ang manibela pakaliwa.
"I dont have a choice. Nikki bought me a ticket. "
"Do you want me to come with you? "
Napatingin ako sa kanya. I frowned. "I'd rather go with myself. "
"That's so rude. You're hurting my innocent feelings. " he joked.
Tumaas ang kilay ko. Nilingon niya ako na may naglalarong nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Are you trying to flirt with me, Ignacio? " I don't know kung resulta ba ito ng pananakit sa akin ni Zach. Nagiging stressful ako at maiiyamutin. Naiirita ako. Is this some kind of joke? Kasi hindi nakakatuwa.
"Obvious ba? " he teased.
"Kapag hindi ka talaga tumigil lalabas ako sa kotse mo pero bago iyon bibigyan muna kita ng limang batok sa ulo mo para magising ka. "
"Brutal. " he mumbled. I just rolled my eyes and looked outside his car.
Pinagbuksan kami nung sa tingin ko ay bagong guard ng Hellingstar. Kahit kailan talaga parang palasyo ang school na ito. Gate pa lang, gawa na sa makikintab na bakal. Mataas ito na kahit sino ay mahihirapan talagang akyatin ang nasabing gate.
"Harrison. " I called him out. Sinulyapan niya ako. "Can you atleast stay beside me? "
Seryoso niya akong tinignan. Magkadikit ang kanyang manipis na labi habang diretso ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
"Why are asking me to do that, Fern? " ayoko talaga kapag seryoso ang kaanyuan ni Harrison. Para siyang si Zach but Zach is more cooler than him.
"Because there's a lion outside your car. " nakita kong tumingin siya sa labas. Ewan ko ba kung bakit, pero ramdam ko na agad ang aura ni Zach. Pagkapark pa lamang ng kotse ni Harrison ay alam kong lalabas na siya mula sa pintuang iyon.
He shrugged. "Im a tiger, then. "
"Hindi. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya. " Sabi ko habang nakatingin kay Zach na nasa labas. Nagngingitngit ako sa galit. Tinignan ko si Harrison na nasa tabi ko naman. "At hindi kana rin nakakatuwa. Anong tiger! " Pero mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi. He was really beside me.
"Kanino ka ba, Fern? Tiger o lion? " Parang baliw na ngumisi siya. Hindi ko alam pero I found myself enjoying this.
Walang atubiling inalis ko ang aking seatbelt at muli siyang hinarap. Kung magiging ganito si Zach ay wala na akong magagawa kundi ang harapin siya. Ilang beses akong kumuha ng hangin bago itaas ang lock ng pinto ng kotse niya.
"Tiger, Harrison. Tiger. "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomansaNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...