14. Tears..

58.2K 742 50
                                    

Pwedeng maging pambihira ang umaga lalo na't unang bumungad sa aking mata ay ang inis na mukha ni Pearl sa corridor. Isang buntong hininga ang aking binitawan bago ko tignan si Zach na kasalukuyang nasa tabi ko. 

Tahimik lamang siya habang nasa balikat niya ang aking bag. Hawak niya ang aking isang kamay. Tila parang wala lamang sa kanya ang nagyayari ngayon.

Kanina nagising na lamang akong handa na ang isusuot ko. Hindi na niya ako ginising dahil ang sarap daw ng tulog ko. Pinagluto niya ako ng umagahan. Ah. Oo nga pala. Nagising akong wala saplot sa katawan na lalong nagparamdam sa akin ng hiya. 

"So totoo nga? " sambit ni Pearl habang nakatingin sa kamay naming dalawa. Hindi na siguro niya nabalitaan ang tungkol sa aming dalawa dahil nasuspend siya ng isang buwan kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya ngayon. Lihim akong napangiti.

"Anong totoo? " Kunot noong tanong ni Zach, na akala ko ay mananatiling tahimik sa tabi ko, pero di kalaunan ay agad ding nagliwanag ang mukha at agad na ngumisi. "Oo Pearl. Totoo ang nakikita mo. " Tinaas pa niya ang kamay naming magkahawak. 

Kanina pa siyang nakangiti simula nang makaalis kami sa bahay niya hanggang sa makarating kami dito sa school. Kung hindi ko lang alam kung bakit ay siguro mapagkakamalan ko na siyang nababaliw.

"May problema ka ba doon? " Alam ko namang ginagawa niya ito dahil sa ginawa sa akin ni Pearl dati. He wants to get fair. Hindi na ako magtataka. After all, he is Zach. I just felt sorry for Pearl. Alam kong gusto niya si Zach. Namumula na nga ngayon ang mata niya hudyat na malapit nang bumigay ang luha niya. 

"N-nothing! Im just surprise. "  garalgal na sabi niya. "Let's go, girls. " bumaling siya sa mga babaeng kasama niya at agad na naunang naglakad palayo. 

Hindi ko inalis ang aking mata kay Pearl. Nakita ko kasi ang pagtulo ng luha niya na agad niyang pinunasan. Kahit papaano alam kong nasasaktan siya. 

"Tapos na pala ang suspension niya? " narinig kong tanong ni Zach pagkatapos ng nangyari. 

"Hindi mo ba iyon nakita? " pagbabalik tanong ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya. "Nakita? Ang alin? "

Nagusumot ang mukha ko. Kung gayon hindi niya nakita ang mukha ni Pearl kanina. Napailing na lamang ako. Wala nga pala siyang pakialam. Napakaignorante niya pagdating sa nararamdaman ng mga babae sa paligid niya. Kahit konting appreciation ay wala din siya. Bakit ba ako nagkagusto sa lalaking walang puso? Kahit man' lang puso ng saging hindi niya nakuha. 

"Wala. " tipid kong sagot sa kanya. Kinuha ko mula sa kanya ang aking bag. "Susunduin mo ba ako mamaya? "

"Oo. Gusto kong sabay tayong kumain. "

"Sa karen-- "

"Hindi ka na babalik doon. " nabanat ang bagang niya. "Ako ang bahala sa kakainin mo basta hindi ka na kakain sa karenderyang iyon, Fern. "

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Tumango na lang ako bilang sagot at agad na pumasok sa una kong klase. Naabutan ko doon si Nikki na nakaupo malapit sa aking upuan. Winagayway niya ang kanyang kamay.

"Kumusta? "

Bumilis ang tibok ng aking puso habang tinititigan ko si Nikki. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita ko kahapon pero hindi dito ang tamang lugar. Wala naman akong dapat ipag-alala pero nagtataka lang ako kung bakit sila magkakilala para magkaroon ng ganoong koneksyon. Alam kong parehas na mayaman ang pamilya nila pero nakakapagtaka pa rin.

"Okay lang. " binaba ko ang aking bag. 

"Si Zach ba iyong naghatid sa iyo? " 

Napatigil ako nang marinig ang sinabe niya. 

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon